Markki Stroem and KZ Tandingan share lessons learned from joining reality shows


Sa unang pagkakataon ay magkakasama sa isang jazzified concert sina KZ Tandingan at Markki Stroem na parehong produkto ng reality at singing contest ng ABS-CBN. Si KZ ang grand champion ng The Voice of the Philippines at si Markki ay finalist ng Pilipinas Got Talent. Gaganapin ang concert sa Music Museum ngayong Biyernes, May 16, 2014.

Nagbigay ng sample songs sina KZ at Markki sa mini presscon na ginanap sa Third District Café sa Katipunan, Quezon City. Nagkaroon ng pagkakataon ang ilang miyembro ng media na makapanayam ang dalawa tungkol sa kanilang jazzified concert at ito ang kanilang ilang pahayag:

Paano kayo nag adjust sa music n’yo ngayong magkasama kayo sa sa iisang concert?

KZ: “Hindi naman masyadong mahirap kasi kami naman ni Markki, yung ugat ng aming music ay nasa jazz, e, so doon kami nag mi-meet.”

Markki: “We’re very similar, kasi yung roots ko mala John Legend, yung roots naman ni KZ parang Lauren Gil. Very similar din yung boses nilang dalawa, e.”

KZ: “Like ngayon pag may idea siya halimbawa sa opening, ako rin nagkakaroon ng idea at sinasabi ko sa kanya na naiisip ko rin ‘yan. We have the same wavelength.”

Sa concert ninyong ito, lagi ba kayo mag ka duet or meron kayong solo spot sa program ng concert?

KZ: “May mga solo kami, then may mga duet din.”

Markki: To appeal to all markets, ang gagawin namin ni KZ, yung first set namin puro standards. Actually yung sa ‘kin, yung evolution of jazz music. In terms nung mga standards, I will sing modern jazz, tapos yung susunod naman na set ay mga pop songs na ginawang jazzified. Halimbawa, yung mga pop songs at girl songs sa ‘kin na jinazzify namin. Naalala n’yo yung ginawa ko dati na ‘Call Me Maybe,’ na ginawa kong jazz, parang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KZ: “Parang ganun din po, nung nag meeting kami sa pagpili ng songs, nag-isip kami ng mga songs na hindi ini expect ng tao na kakantahin namin, kung paano namin aayusin yung areglo na Markki-fied or KZ-fied or jazzified yung kanta na aabangan nila.”

Ano yung mga natutunan n’yo nung sumali kayo sa mga reality singing contests sa ABS-CBN na na-i-aaply n’yo ngayon na mga concert artists na kayo?

KZ: “Siguro para sa aming dalawa, simula nung sumali kami ng competisyon, mas naging sanay yung utak namin sa pressure, siguro ngayon mas madaling makapag-isip, tapos mas wide yung pananaw namin sa music kesa nung mga pinagdaanan namin sa mga kompetisyon.”

Markki: “Siguro mas advantage yung part ni KZ kasi may mga mentor sila sa X-Factor, unlike yung sa ‘min sa PGT, broad kasi yung mga talents, e, may mga magicians, may dancers and singers. Wala kaming mentor so kami talaga yung mag-iisip na gagawin naming talent. Pagkatapos ng kompetisyon, ayun, nag research talaga ako, kumuha ako ng voice lessons, nag teatro ako para lang mahasa lalo yung boses ko. Gumawa talaga ako ng sariling kong style, para masabi lang ng tao na kay Markki ‘to.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN