Jodi Sta. Maria and Be Careful With My Heart co-stars gearing up for concert at the Araneta Coliseum

Jodi Sta. Maria (in photo) and other stars of Be Careful With My Heart are expected tohold a concert at the Araneta Coliseum this July.



Sa kabila ng patuloy na mataas na ratings at mainit na pagtanggap ng publiko sa daytime TV series na Be Careful With My Heart, may ibang manonood ang nagsasabi na masyado na raw pinahahaba ang istorya nito kung kaya’t lumalaylay na ang takbo ng kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jodi, nagbigay pahayag ang aktres na mas nagpopokus na lang sa mga positibong reaksyon na natatanggap nila mula sa maraming manonood at di nila binibigyang pansin ang mga negatibong reaksyon ng iba.

“Honestly ako, yung mga ganung klase ng opinyon siyempre di na lang natin pinapansin. Di naman mawawala na ang mga tao ay magkaroon ng sarili nilang opinyon ukol sa mga bagay-bagay. Ang sa amin ngayon ay mas nagpo-focus kami sa mga positive na mga bagay na dinudulot ng programa.

“Marami pa rin kaming natatanggap na mga sulat, e-mails and posts sa aming Instagram and Twitter accounts na nagpapasalamat sila sa inspirasyon na binibigay ng programa ng mga kababayan natin sa ibang bansa. Ito yung nagiging coping mechanism nila dahil siyempre malungkot pag malayo ka sa pamilya. Mas yun ang binibigyan namin ng importansiya kasya dun sa mga negatibong nasasabi about the show.”
Sa ngayon ay sunod-sunod ang mga parangal na tinatanggap ng Be Careful With My Heart mula sa iba’t-ibang award-giving bodies. Para kay Jodi ay patuloy lamang ito ng maganda talagang idinudulot ng pinagbibidahang show sa mga manonood.

“Nakakatuwa na maraming ginagawad na parangal sa show kasi nga it promotes positivity, it inspires lot of people and maganda naman yung moral values na naibibigay sa mga audience natin. Yun naman ang importante, di yung mga negative things na nasasabi about the show.”
Kumpirmado na isang concert sa Araneta Coliseum ang gagawin ng cast members ng Be Careful With My Heart ngayong taon na ito. Ayon sa aktres hanggang sa ngayon ay di siya makapaniwala na makakapag-concert siya sa nasabing venue.

“Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na may magaganap na concert. Di ko naman kasi maisip na sa buong buhay ko o sa karera ko, magkakaroon kami o ako makakapag-perform sa Araneta. Siyempre halong kaba, saya, kumbaga mixed emotions, e.”

"Yung lineup tinatanong ko pa kasi siyempre kailangan kong i-check kung kakayanin ko, pag pumiyok-piyok ako nakakahiya naman sa mga taong manonood."

Nakatakdang ganapin ang concert nila sa Big Dome this July, ang buwan kung kailan sinimulang ipalabas ang BCWMH sa ABS-CBN. Ang naturang concert ay parte ng second anniversary ng teleserye na pinagbibidahan rin ng leading man ni Jodi na si Richard Yap.

Sa pagpapatuloy ng Be Careful With My Heart, ibinahagi ni Jodi ang mga dapat pang abangan dito.

“Yung journey ni Maya bilang bagong Mommy ng twins, yung journey niya kung paano niya pagsasabayin yung pagiging housewife at pagiging career woman, kung paano niya babalansehin yun. I think isa yun sa dapat abangan and I’m sure na may mga mommies tayo na nanonood na makaka-relate.”



Maya and Ser Chief with their twins Sky and Sunshine



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN