MTV Pinoy launches search for new VJs

MTV Pinoy will conduct auditions at Ayala Center Cebu on June 21; Centrio Mall in Cagayan de Oro (CDO) on July 5; MarQuee Mall in Pampanga on July 12; Glorietta on July 20; and Trinoma on August 3. Who will follow in the footsteps of MTV Pinoy VJs such as Yassi Pressman (left) and Andre Paras (right)?


Ang MTV Pinoy, ang local na edisyon ng premier youth entertainment brand sa buong mundo, ay naghahanap ng mga bagong VJs. Ang mga bagong mapipili na kabataan ang siyang maging boses at mukha ng MTV sa Pilipinas. Sila ang susunod sa yapak sa unang batch ng MTV Pinoy’s VJs na sina Vj Sam Pinto, VJ Yassi Pressman, VJ Andre Paras at VJ Josh Padilla.
Ang lahat ng mga male and female aspirants na may edad 16 years old at pataas ay inaanyayahan na sumali sa nationwide search para sa bagong MTV Pinoy Vjs. Ang mga potential candidates ay dapat articulate, witty, may confidence, may alam sa pop culture, passionate about music at higit sa lahat, Pinoy sa Puso. Bilang bahagi ng mahigpit na selection process, ang mga aspirants ay kailangan mag-perform ng tasks tulad nang magbasa ng prepared spiel sa Ingles at Pilipino at mag-interview. Marami rin silang hilingan na kumanta, sumayaw o kaya magpakita ng kakaibang nilang special talent. Ang search na ito ay magtatapos with the announcement of winners na gagawin sa October 3, 2014 at mula rito ay magsisimula na sila ng kanilang career bilang MTV VJs.
Sa mga kabataaang interesado na maging MTV VJs, maari nilang bisitahin ang mga MTV Booths sa mga venues para mag-audition mula 10 a.m. to 6 p.m. sa mga specified dates: Ayala Center in Cebu sa June 21; Centrio Mall in Cagayan de Oro (CDO) sa July 5; MarQuee Mall in Pampanga sa July 12; Glorietta in Makati sa July 20; at sa Trinoma in Quezon City sa August 3.
MTV Pinoy ay partnership sa pagitan ng Viacom International Media Networks, isang unit ng Viacom Inc., na tahanan ng mga popular na entertainment brands tulad ng MTV, Nickelodeon, Comedy Central, Paramount Channel at iba pa.
Ang MTV Pinoy ay naka-focus sa original productions, events at mga programa na laan para sa Filipino viewers.
focuses on original productions, events and programs geared specifically towards Filipino viewers.
Ang kombinasyon ng MTV, ang cultural home ng millenial generation, music fans and artists at ng Viva Communications na kilala sa kanilang malawak na karanasan sa local music market, ay inaasahang magbibigay ng pagbabago sa viewing habits ng kabataaang Pinoy.





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN