Julie Anne San Jose on reviving tandem with Elmo Magalona: "It’s not yet the right time to work with him again."

Julie Anne San Jose: "It’s not yet the right time to work with him again, kasi may Janine [Gutierrez]-Elmo [Magalona tandem] ngayon."


Malayu-layo na rin ang narating ni Julie Anne San Jose hindi lang bilang isang actress kundi isang magaling na singer. Matapos ang kanyang matagumpay na first album ay nasundan pa itong pangalawang album na pinamagatang Deeper, Julie Anne San Jose.

Nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon kamakailan na makapanayam si Julie Anne tungkol sa kanyang bagong album at ang partisipasyon niya sa musical dance show na Marian. Narito ang kanyang mga pahayag:

“This is my second album titled Deeper under GMA Records. I composed five songs. Yung isa kasi galing lang dun sa una kong album. Bale 6 lahat yung compositions ko na nandito sa album. Yung 6 na yun ay ang “Blinded,” “Never Had You,” “Deeper,” “Tulad Mo,” “If Love’s Your Crime” and “Baby You Are.“

Bakit Deeper ang title ng album mo?

“E, kasi po, before, hindi talaga ako nag ko compose, kumbaga parang nagre render lang ako ng mga songs, this time nag try ako mag compose, so parang dito sa album may mga composition na ako. Kung bakit Deeper? Kasi mas intimate ito kesa dun sa una. Yun nga, dahil may composition ko siya, parang mas special sa akin ‘to. Yung iba kasi, di ba, makakapag compose lang ng song pag may inspirasyon sila na someone special, sa ‘kin yung inspirasyon na yun galing sa family ko, sa friends ko and of course sa mga supporters ko rin. Parang sila yung nag inspire pa sa akin lalo para ipagpatuloy ko yung craft ko sa music.”

Medyo emotional ang dating ng kanta mong "Deeper" at parang may pinagdadaanan habang kinakanta mo ito. Sumisigaw pa yung mga fans mo na huwag ka daw iiyak?

“Hindi! Yung ‘Deeper’ kasi yung pinakaunang na compose ko dito para sa second album ko. Kinompose ko ito kasi last year na birthday ko. Kinanta ko rin siya nung major concert ko sa Music Museum. I can consider this song na one of the most special songs na na- compose ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod doon sa family, friends at supporters mo na inspirasyon mo kamo, wala bang mas special someone na inspirasyon para makapag compose ka ng mga songs?

“Sa ngayon, wala pa pong special someone, e. Ayaw ko pa po munang isipin ‘yan. Sa ngayon focus muna ako sa work at sa school. Next time na lang yun, focus muna ako sa priorities. Siguro pag stable na ang lahat saka ko na aatupagin yun.“

Aside from this album, ano pa ang iba mo pang projects?

“So far, I’m doing Marian. May segment ako dun. I’m doing a collaboration with different performers and musical artists. Nakapag taping na kami. May mga sikat na local DJ na mag remix ng mga songs namin.

“Nagpapasalamat po ako na part ako ng Marian to add flavor at bonus din sa mga nanonood, para hindi lang puro sayaw may kantahin din.”

Ano ang role mo sa musical dance show na Marian?

“I’ll be performing with different musical artists. And siyempre ‘yong mga magagaling na DJ po dito sa Philippines, parang sila po ‘yong magtu-tweet ng mga kanta.

“So magiging sobrang exciting po talaga ito. Kasi magkakaroon po ng mga iba-ibang versions no’ng mga kanta na usually ay kinakanta natin.

“Makikipag-collaborate po ako sa iba’t ibang singers. Iku-collaborate namin ‘yong mga music.

“First time po na mapapanood ako sa ganitong segment na kakaiba talaga.”

Gaano ka ka-excited para sa show na ito?

“Masayang-masaya po talaga ako for this show [dahil] hindi lang ako kakanta kundi sasayaw din.

“Isa rin ang pagsayaw sa mga gusto kong gawin talaga. And siyempre po, since it’s a dance show, kumbaga parang nai-enhance ko po at nadi-develop ko po ‘yong sarili ko sa pagsasayaw.

“Gusto ko po kasing maging kasing-galing ni Ate Marian sa pagsayaw. Yes!”

How would you describe Marian Rivera bilang katrabaho?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ate Marian is really professional, she’s beautiful inside and out. Higit sa lahat magaling siya talaga sumayaw.

“Actually sa TV show po, first time ko pa lang talaga to work with her. Pero before ay nakakasama ko na siya sa mga out-of-town shows.

“Nakasama ko rin siya minsan sa Eat Bulaga. Nag-judge po kami sa isang contest doon.

“And I’m really really happy and glad na nakatrabaho ko po ang isang Marian Rivera.

“Sobrang bait po talaga niya. And of course, ‘yon nga po kasi… isa talaga siya sa mga nilu-look up ko na mga artista.

“And parang dream come true ko po ito na makasama siya sa isang show. At sa isang dance show pa.”

Kakayanin ba niya ang magiging demand ng partisipasyon niya sa Marian? Bukod kasi sa Sunday All Stars ay may daily classes pa siya sa Angelicum College kung saan graduating na si Julie Anne sa kursong Communication Arts.

“Oo naman po. Kakayanin naman. Kakayanin talaga. Hindi pupuwedeng hindi!”

Nami miss mo bang gumawa ng teleserye? Or may naka line up na bang teleserye para sa 'yo?

“Oo naman, oo naman po na miss ko talaga. Hopefully at the end of this year magkakaroon ako ng soap opera. Napag-usapan na namin ng management.”

Ibig sabihin ba nito na magbabalik ang loveteam n’yo ni Elmo Magalona?

“I don’t know yet, hindi ko pa po alam kung siya [ang kapartner]. Pero, I’m not closing my door kung siya man uli makasama ko. Kung sino man po ang makatrabaho ko, wala talagang problema sa akin. Pero, it’s not yet the right time to work with him again, kasi may Janine [Gutierrez]-Elmo [tandem] ngayon. To give respect na rin sa love team nila.”

Pero okay naman kayo ni Elmo? Nakakapagusap pa ba kayo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, we’re okay. Pero hindi po nagkakaroon ng chance mag communicate at magkita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN