Singer Gerald Santos tones up; wants to join Cosmopolitan Bachelor Bash


Kahit na walang regular TV show ang Pinoy Pop Superstar grand winner na si Gerald Santos, hindi ito naging hadlang para hindi ituloy ng singer ang kanyang June 28 concert sa Sky Dome North Edsa titled It’s Time.

Base sa poster ng concert ni Gerald kunsaan topless siya, walang-duda na ibang imahe ang puwedeng mapanood kay Gerald sa concert niyang ito.

Ayon kay Gerald nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, June 25 sa Cerchio, Scout Limbaga, Quezon City, “Actually, ano naman siya, patikim lang namin. Konting kiliti lang sa mga followers ko na kumbaga, it’s time.

“Maraming ibig sabihin ang it’s time, hindi lang sa pagiging daring. Through my music, sa aking versatility. Marami silang aabangan na mas kapana-panabik na reinvention.

“This is the reinvention of Gerald na hindi na yung dating totoy. Mas daring na at mature na si Gerald.”

Ngayon lang daw ginawa ni Gerald ang magpa-sexy. May anim na buwan din daw niyang pinagbuhusan ng panahon ang pagpapaganda ng katawan at hanggang ngayon, tuloy-tuloy pa rin daw siya.

Aniya, “Meron kaming hinanda sa concert na isang pasabog na number na dapat ay abangan nila ngayong Sabado.”

Ang ilan sa mga naging kasamahan niya sa Pinoy Pop Superstar noon na sina Jonalyn Viray, Maricris Garcia, Brenan Espartinez, Aicelle Santos, Harry Santos at Jason Termulo ang mga guests niya sa concert.

Bukod pa kina Faith Cuneta, ang rapper na si Rapido at Jaya.

Sa isang banda, bakit niya naisipan na magpa-sexy lalo na sa concert niya?

“Hindi na po tayo bumabata. Lalo na ngayon, kumbaga, yung mga artista, nagiging singer na rin.

“Lahat ngayon, dapat pinapasok mo na. At nakita ko rin naman na I have it rin naman, why not show it din, ‘di ba?

“Kumbaga, i-enhance namin para maipakita namin. At para maipakita rin namin na kaya kong makipagsabayan sa ganitong klase ng level.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina JC de Vera at Rocco Nacino ang nabanggit ni Gerald na parang “peg” daw niya sa gusto niyang ma-achieve ng katawan niya.

Ayon pa kay Gerald, “Ang singer ngayon, parang hindi na lang basta singer. Parang puwede ka na rin maging daring na singer.”

Plano rin ni Gerald na rumampa sa Cosmopolita Bachelor Bash.

Sabi nga niya, “Hopefully, makasama rin po tayo riyan. Actually, gusto ko rin pong ma-penetrate ang movies.”

Ang concert niya sa Sky Dome na ang pinakamalaking venue ng concert na pagdadausan niya simula nang maging singer siya o simula nga nang manalo siya.

Ang huling concert niya noong isang taon ay ginanap sa Music Museum.

May kaba ba siya?

“Actually, may kaba po kasi, halos triple po ang capacity nito compared to Music Museum.

“Pero, very positive kami na ito ay mapupuno rin namin at kapag napuno poi ito, hopefully, mas makalipat kami sa bigger venue.”

Tinanong namin si Gerald kung ano ang komento niya sa ibang recording artists na hindi katulad nilang “legitimate singers” pero, ang mga ito pa ang talagang nakakapagdaos ng concert sa malalaking venue at talagang nagiging matagumpay.

Ilan na nga sa mga ito ay sina Anne Curtis at Daniel Padilla.

Sabi naman ni Gerald, “Okay lang naman po. As long as, sana yung mga tumatangkilik sa OPM [Original Pinoy Music], huwag din nilang kakalimutan ang legit singers. Sana bilhin din nila ang records, pasukin ang concert dahil hindi po biro ang mag-produce ng album.

Dugtong din niya, “Si Anne, okay naman po kasi, alam mong for fun talaga siya.”

Mas marami pang mga singing contest sa telebisyon ang naglabasan pagkatapos ng Pinoy Pop Superstar.

Nakakaramdam pa rin ba siya ng “threat” kapag may mga bagong singers na nananalo sa contest?

“Hindi naman po, hindi na,” saad niya.

“Ngayon naman po, ang ginagawa ko na lang, to establish yung music ko, mag-create ng hit songs. Kahit paano naman siguro, nakagawa na rin ako ng sarili kong mark sa industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na po para ma-threaten sa mga lumalabas na winners ng bagong singing shows.”

Sa TV5 daw ang huling show na ginawa niya. Pero, natutuwa si Gerald na ngayon daw, nakakapag-guest na rin siya ulit sa GMA-7 na orihinal na network niya.

Aniya, “Freelance artist po ako ngayon. Nakakabalik naman po ako sa GMA ngayon, nakakapag-guest na and slowly but surely, hopefully, magkaroon ng network this year.”

Naniniwala naman daw si Gerald na hindi naman daw niya na hindi naman niya sinunog ang tulay niya sa Kapuso.

“Feeling ko naman po, hindi naman po. Kung kukunin po nila ko, kung kukunin po nila ang serbisyo ko, why not po, ‘di ba?

“After all, it’s work po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN