Nadine Lustre discovers common interests with leading man James Reid

Diary Ng Panget Live In Concert, featuring Nadine Lustre and James Reid (in photo), will take place on July 11 at the Skydome and July 18 in Cebu.



Excited na ang Viva star na si Nadine Lustre sa nalalapit na concert nila nina James Reid, Yassi Pressman at Andre Paras na Diary Ng Panget: Live in Concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Magaganap ito sa July 11 sa Skydome sa SM North EDSA at sa July 18 naman sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino.

Isang pasasalamat ito ng cast members ng Diary Ng Panget: The Movie dahil isa itong certified blockbuster.

Hindi makapaniwala si Nadine na two months after na maipalabas ang Diary Ng Panget ay kilala pa rin siya ng maraming kabataan.

Hindi pa rin tapos ang mga imbitasyon sa kanila para mag-show sa kunsaan-saang lugar sa Pilipinas.

“Sobra kaming natutuwa dahil kahit saan kami magpunta nila James, Yassi at Andre, yung mga names namin sa movie ang tawag nila sa amin.

“Tapos kapag nagpapapirma sila ng autograph, dala-dala nila yung libro ng Diary Ng Panget. Kaya lalong nakakataba ng puso kasi hindi lang kami ang sinusuportahan nila kundi pati yung sumulat ng story na si Ate Denny.

“Kaya naman hindi kami nagsasawa na laging magtanghal para sa mga fans ng book at ng movie. Kaya itong gagawin naming concert ay para sa kanila,” pahayag pa ni Nadine nang ma-interview siya ng show na Ano’ng Ganap? sa Viva Channel.

Sa magaganap na concert ay maipapakita ulit ni Nadine ang kanyang talento sa pag-awit.

Matagal na niyang hindi nagawang umawit noong ma-disband ang kinabilangan niyang all-female singing group na Pop Girls.

Madalas ngang mag-perform noon ang Pop Girls sa Party Pilipinas at madalas nilang kasama ang all-male pop group na XLR8.

“Panay na po ang rehearsals namin para sa concert.

“Lalo nga po ako kasi matagal din po akong hindi nakapag-perform sa isang concert.

“These past months, nasanay na po ako ulit kumanta dahil sa naging roadshow namin for the movie. Bumalik yung hilig ko sa pag-awit.

“Kaya sa concert, marami po kaming aawitin nila James, Yassi at Andre. Mostly ay galing sa original soundtrack ng Diary Ng Panget,” diin pa ni Nadine.

Naging top-selling soundtrack ang Diary Ng Panget sa mga record stores at nag-number sa mga radio stations ang duet nila ni James Reid na “No Erase” at maging ang single ni Nadine na “Paliguy-ligoy.”

Promise ni Nadine na hindi lang daw ‘yan ang mga maririnig nilang aawitin nila ni James sa concert.

“Marami po kaming duets ni James.

“May mga solo numbers din kami at may mga dance numbers.

“Kaya kapag rehearsals namin, seryoso kaming lahat kasi gusto po naming maging maganda ang kalabasan ng concert.”

Mas close na nga ngayon sila Nadine at James unlike noong una na nagpapakiramdaman pa sila sa isa’t isa.

“Mas okay na kami ngayon ni James.

“Dahil sa parati kaming magkasama, nagkaroon na kami ng magandang bonding with one another.

“Before nagkakahiyaan pa kami. Hindi kami makapagkuwentuhan before kasi hindi pa namin masyadong kilala ang isa’t isa.

“Ngayon sobra na kami kung magkuwentuhan at magbiruan.

“Tsaka we discovered na we both love music and singing.

“Doon kami nagkakasundo talaga kaya naging kampante kami sa isa’t isa.”

Tickets to the Diary Ng Panget Live In Concert are now available from SM Tickets at 470-2222; Viva Live at 687-7236; Waterfront Cebu City Hotel and Casino at 232-6888, local 8724; Ayala Center Cebu at 231-5342 local 324; and SM City Cebu at 233-0445. Tickets are priced at: P750 each for Skydome; and P1,000 Level 1 and P400 Level 2 at the Waterfront.



UPCOMING MOVIE. Malapit na rin silang magsimula sa bago nilang tambalan titled Talk Back and You’re Dead.

Hango rin ito sa isang best-selling novel na sinulat ni Alesana Marie sa Wattpadd.

Masusing inaayos pa raw ang script nito dahil gusto ng Viva Films na mas malaki ang kitain nito kesa sa Diary Ng Panget kaya all-out ang suporta sa JaDine loveteam.

“Si Direk Andoy Ranay pa rin po ang magdidirek nitong Talk Back and You’re Dead. Gamay niya na po ang team-up namin ni James kaya nag-iisip daw po siya ng mga bagong pampakilig para sa JaDine loveteam.

“Excited na rin po ako na simulan na namin ni James ang movie kasi yun ang hiling ng mga fans kapag nagsu-show kami. Hinihintay na raw nila ang next movie namin.

“Wish nga namin ni James na suportahan nila ulit ang bagong movie namin na sisimulan na namin very soon.”

Sa Talk Back and You’re Dead, hindi na tulad ng character ni Eya sa Diary Ng Panget ang gagampanan ni Nadine. This time ay mayaman at sosyal na ang role niya named Sam na mai-in love sa isang gang leader na si Top (played by James).






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN