Himig Handog 2013 winner Joven Tan wants Piolo Pascual as interpreter for his new song; launches novel Wala Namang Forever

Composer-director Joven Tan has a new entry in this year's Himig Handog songwriting competition, titled "Pare, Mahal Mo Raw Ako." Aside from this, Joven also has just released his first novel, Wala Namang Forever.


Napili ulit bilang isa sa finalists ng Himig Handog 2014, isang songwriting competition, ang entry ng composer na si Joven Tan.

Noong 2013, ang isinulat na kanta ni Joven na “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa?,” na inawit ni Aiza Seguerra, ang nanalong Grand Prize sa Himig Handog.

Siyempre pa, masaya si Joven dahil nakasama muli siya sa finalists ngayong taon.

Saad niya, “Parang hindi pala siya tsamba lang. At saka, tama ang sapantaha ko na alam ko na ang contest na pinapasok ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joven noong July 1 sa Max’s Restaurant, SM Megamall.

Malaki raw ang pagkakaiba ng entry niya sa Himig Handog ngayong taon.

Saad niya, “Nag-isip ako ng kanta na sa tingin ko, mapapansin kasi, kakaiba.

“Siyempre, last year, ang nanalo, super heavy, tagos sa puso.

“This year, dalawa ang entry ko. Yung isa, maramdamin din.

“Itong isa, ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako.’”

Sa dalawang entries niya, ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ang napili bilang finalist.

Tungkol saan ang kantang isinulat niya?

Paglalarawan ni Joven, “Tungkol siya sa isang lalaking may kaibigang gay, na nalaman niyang meron palang gusto sa kanya.

“Ina-assure niya na walang mababago sa relationship nila, pero hanggang kaibigan lang.”

Ano ang naging inspirasyon niya sa kantang ito?

Sabi ni Joven, “Para maging kakaiba. Sumali ako sa contest, kailangan mapansin.

“Kumbaga, noong sumali ako last year, nag-isip ako na dapat maiba naman this year.

“Yun ang sigurado ko last year, sasali ulit ako.

“Hindi lang ako sigurado before kung ano ang isasali ko.

“Kasi, kung ganun lang din na typical love story, baka hindi mapansin.”



THE INTERPRETER. Kung si Aiza Seguerra ang nag-interpret ng “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa?”, ang first choice naman ni Joven na kumanta ng “Pare, Mahal Mo Raw Ako” ay si Piolo Pascual.

Paliwanag ng composer, “Ang tawag sa kanya, ‘Papa P.’ Siya ang ultimate Papa sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko kasi, ‘eto naman ang isang kanta na hindi nakaka-offend, hindi nakaka-down sa mga third sex.”

Ganunpaman, hindi pa raw alam ni Joven kung pagbibigyan ng Star Records ang kanyang hiling na si Piolo ang mag-interpret ng kanta niya.



PRESSURE. Dahil siya ang nanalo sa Himig Handog noong 2013, may pressure bang maulit ang kanyang pananalo at ano ang expectations niya?

Sagot ni Joven, “Enjoy, enjoy lang.

“Masarap yung napipili. Parang gusto mong gumawa nang gumawa [ng kanta].

“Kahit hindi manalo, basta mapili, ibig sabihin nun, okey ka namang gumawa.”

Ano ang naging epekto ng pagkapanalo niya noong isang taon?

“Marami ang nagpagawa,” nakangiting sabi ni Joven.

“Nagawan ko si Angeline Quinto, yung nasa album niya na “Ako Na Lang Sana,” at marami pang-iba.

“Actually, kahapon, may nagawa ako, kapirasong-kapiraso lang na oras, nagawa ko agad, kasi gusto ko.”

Mahigit sampung taon na raw nagsusulat ng kanta si Joven.

Ang una niyang na-record na awitin ay si Isabel Granada ang kumanta.

Nakagawa na rin ng kanta para sa singer-songwriter na si Ogie Alcasid.

“Hindi rin naman kasi ako naglalako dati, ngayon lang. Kung sino ang gusto ng kanta, tawagan lang ako, mura lang!” biro pa niya.



WYNN ANDRADA. Co-finalist ni Joven sa Himig Handog noong 2013 si Wynn Andrada, ang singer-composer na nasangkot sa pananaksak ng kanyang kaibigan noon lamang June 2014.

Read: Newbie singer Wynn Andrada hunted by authorities after stabbing buddy in Makati

Newbie singer Wynn Andrada hunted by authorities after stabbing buddy in Makati

Read more at: http://www.pep.ph/news/43808/newbie-singer-wynn-andrada-hunted-by-authorities-after-stabbing-buddy-in-makati
Follow Us: @PEPalerts on Twitter | PEPalerts on Facebook

Ano ang reaksiyon ni Joven nang mabalitaan niya ang nangyari kay Wynn?

“Siyempre, nabigla. Pero sana naman malagpasan niya.

“Siguro dasal lang. Dasal lang siya at mag-focus siya sa career niya.

“Kasi, sayang naman. Nandiyan ang chance.

“Napatunayan niya na kaya niyang gumawa ng kanta. Kaya niyang maging singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May album na siya. Ang hirap magka-album.”

Ano ang pagkakakilala niya kay Wynn?

Sabi ni Joven, “Mabait naman yung bata.

“Every meeting, nagkakasama kami. Palagi kaming seatmate.

“Mabait naman.”



JOVEN TAN, THE AUTHOR. Bukod sa pagiging composer ay isa ring direktor si Joven.

Ang ilan sa mga pelikulang idinirek niya ay ang sumusunod: Kapitan Ambo, Binibining K, Biglang Liko, Paupahan, Magdamag, Maestra, at ang pinakahuli ay ang launching movie ni Shalala na Echoserang Frog.

Maliban sa pagiging composer at direktor ay naging publisher na siya ng magazines; producer ng indie films, TV shows, at albums; events director; at marketing manager.

Ngayon naman ay isa na ring novelist si Joven dahil sa tatlong nobela na nakatakdang ilunsad ngayong taon.

Una na rito ang “Wala Namang Forever” na mabibili na ngayon sa bookstores.

Tungkol saan ang libro niyang ito?

“Kuwento ‘yan ng iba’t ibang klase ng tao, kung ano ba ang hinahanap nila, which is, sometimes, hindi mo naman alam ang hinahanap mo, pero hanap ka nang hanap.

“Isang buong story na nagtagni-tagni, na mula sa point of view ng isang bata.”

Paano niya naisip ang titulong Wala Namang Forever?

Sagot ni Joven, “’Tulad sa paggawa ng kanta, nag-isip ako ng title na kapag nakita mo, lilingunin mo.

“Palagi akong nagsisimula sa title, even sa kanta.

“Bigyan mo ako ng title, ibabalik ko sa ‘yo, movie na, kanta na.”

Nauuso ngayon ang teen-romance fiction books na isinasalin sa pelikula. Nauna na nga ang Diary ng Panget at ngayon naman ay ang She’s Dating The Gangster.

Posible rin kayang maging pelikula ang Wala Namang Forever?

“Eventually, kapag may opportunity.

“Pero sa ngayon, naka-focus muna ako sa Himig Handog at saka sa books.

“Tatlong book kasi ‘yan. Yung dalawa pa, Ano Ba Ang Nangyari Sa Ating Dalawa?... hindi siya yung song, ha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tungkol yun sa akala nila, perfect relationship, pero noong magdesisyon sila na magpapakasal na, doon nila nakita ang lahat.

“Yung isa naman, Tambay Is My Guy. Pang-teenager.

“Lalaking tambay na na-in love sa isang babaeng mayaman.”

Sa August ire-release ang dalawa niyang libro, kasabay ng book signing niya sa National Bookstore sa SM North Edsa sa August 2.



JOHN LLOYD’S MESSAGE. Sa back cover ng Wala Namang Forever, may mensahe ang box-office actor na si John Lloyd Cruz.

Kuwento ni Joven tungkol dito, “Tinext ko lang siya.

“Sabi ko, ‘Ugat [tawag niya kay John Lloyd], meron akong book. Puwede ka bang magbigay ng short message tungkol sa author?’

“Sabi niya, ‘Sige.’ After a day, nag-text na siya.”

May nabanggit si John Lloyd sa mensahe niya na: “Tito Joven partially wrote one of my most endearing love affairs or perhaps he wrote my way out of it.”

Sinong karelasyon ni John Lloyd ang tinutukoy ng aktor dito?

“Hindi ko alam,” nakangiting sabi ni Joven.

“Siguro kasi, noong naging kaibigan ko naman siya, halos lahat ng love story niya…

“Well, siyempre, humihingi siya ng payo, hindi ko alam kung sino dun.

“Pero siyempre, nagpapasalamat ako kay John Lloyd sa oras na inilaan niya para magbigay ng message.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN