Ken Alfonso sings theme song for GMA-7 Koreanovela Secret Love

Ken Alfonso talks about how Pretty Little Liars was shelved at TV5 and unwittingly paved the way for his eventual transfer to GMA-7: “That project was the one holding me from signing up with GMA Artist Center. Kung natuloy yung Pretty Little Liars, wala ako dito sa Kapuso network. But I guess it’s meant to be na maging Kapuso ako.”


Masayang-masaya ang bagong Kapuso hunk na si Ken Alfonso dahil para sa unang project niya sa GMA-7 ay sinama siya sa cast ng kinatutuwaang teleserye sa GMA afternoon prime na Dading kunsaan bida si Gabby Eigenmann.

Sa naturang teleserye ay gumaganap si Ken bilang si Martin, isang resto-bar owner na matalik na kaibigan ni Joemer, played by Benjamin Alves.

Mixed emotions nga raw ang naramdaman ni Ken sa unang pagsabak niya sa taping ng Dading na very first teleserye na sinamahan niya.

“I'm glad that I am part of this teleserye with such a good staff and actors who give me advice since it's my first time.

“At the same time, I’m was a bit nervous because of the expectations.

“I hope to make it good and always be at my best in playing my role in Dading,” pahayag pa ni Ken sa mensaheng pinadala niya sa amin via Facebook last July 7.

TIRING BUT FULFILLING. Sa unang pagtrabaho niya sa set ng isang teleserye, na-experience na nga ni Ken na abutan na ng umaga sa set.

Pero kahit pagod ay fulfilled naman ang pakiramdam niya dahil natupad na ang pangarap niyang makasama sa isang inaabangan na teleserye.

“Ngayon alam ko na ang pakiramdam na napapagod sa taping set.

“Lagi ko lang kasi naririnig ang ganyang mga kuwento from other actors na kilala ko.

“When I experienced it first-hand, gano’n pala talaga 'yon.

“It may be tiring but the feeling is great. Pakiramdam ko ay artista na talaga ako,” diin niya.

ACCIDENTAL” KAPUSO. Dapat ay may gagawing series sa TV5 si Ken at ito ay ang local adaptation ng hit US series na Pretty Little Liars.

Pero nabalitaan na lang ni Ken na na-shelve na ito.

Sabi niya, “Ang alam ko, nakapag-taping na sila ng ilang episodes. Sinabi na nga sa akin kung ano ang role ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then nabalitaan na lang namin ng manager ko [Jonas Gaffud of Mercator Models] na hindi na raw itutuloy yung series. Shelved na raw.”

Kaya nga pumirma agad sa GMA Artist Center si Ken dahil hindi naman natuloy ang dapat na project niya sa TV5.

Detalye pa niyang kuwento, “That project was the one holding me from signing up with GMA Artist Center.

“Kung natuloy yung Pretty Little Liars, wala ako dito sa Kapuso network.

“But I guess it’s meant to be na maging Kapuso ako.”

SINGING CAREER. Bukod nga sa pagiging aktor, bini-build up din si Ken bilang isang balladeer.

Unang ni-launch nga ang single si Ken titled “Umaasa” via YouTube at maganda ang feedback ng kanyang ginawang music video.

Ngayon ay gagamitin na ang single niyang ito para sa bagong Koreanovela ng GMA-7 na Secret Love.

Sabay ngang ini-launch ang Secret Love at ang single ni Ken no'ong Linggo, July 14.

Ang pilot epiode ng teleserye ay ipinalabas sa afternoon prime ng GMA kasunod nang paglunsad ng theme song nito na "Umaasa" at inawit ni Ken sa Sunday All Stars.

“I am overwhelmed that my first single will be used sa isang Koreanovela.

“And I am happy na napili ang 'Umaasa' as the show’s theme song.

“I hope na marami pa ang magkagusto at ma-inspire sa awitin kong ito,” pagtatapos ni Ken.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN