Inigo reveals why he chooses not to work with Maris in teleserye

by Julie E. Bonifacio
Mar 7, 2019
Inigo Pascual worked with rumored girlfriend Maris Racal in the movie I'm Ellenya L. He says he is thinking about putting up a foundation to help those with leukemia.
PHOTO/S: Noel Orsal

Ipinakita na ang teaser ng I'm Ellenya L, ang first movie ng reel- and real-love team na sina Iñigo Pascual at Maris Racal. Ang pelikula ay handog ng Spring Films para sa 10th anniversary celebration nito.

Ang I'm Ellenya L ay first directorial job ni Boy2 Quizon, aktor at apo ng yumaong Comedy King na si Dolphy Quizon.

Ayon kay Iñigo, this year na raw maipalalabas ang movie nila ni Maris.

Pahabol niya, “Pero wala pa pong final date. Kailangan pa po naming tapusin dahil hindi magtugma ang schedule naming lahat.

“So, naghahanap lang kami ng araw and we have to finish it one day na lang.”

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang relasyon nina Iñigo at Maris.

Ani Iñigo, “Ah, we’re okay and we’re working. I’m happy for her.

Continue reading below ↓

“She’s doing a teleserye, she’s doing a movie, and you know, all the best things are happening for her.”

INIGO AND MARIS IN TELESERYE?

Tanong pa ng PEP.ph kay Iñigo, bakit hindi sila pinagsamang dalawa sa teleserye?

Sagot ng binata, "Uhm, I’m currently working on music right now.

“I’m working some music in the States and also here in the Philippines. I’m really focusing on my music.

“But I’m always going to support her no matter what. You know, no matter what happens, I’ll always be her number one supporter, no matter what."

Ano ang status ng relasyon nila ni Maris ngayon?

Pagbibiro ni Iñigo, “Next question. Hahaha!

“Okay lang naman kami ni Maris.

“Honestly, I’m proud of her. Whatever is happening, there’s nothing bad. There’s nothing negative."

Continue reading below ↓

Naging maganda naman ang pagsasama nila ni Maris, di ba?

“Opo and you know, we’re still working on a lot of things. At saka, we have music together and we have songs together.

“She’s my favorite person to perform with. I love working with her. I love being with her."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iñigo sa Araneta Coliseum kamakailan.

STILL AFFECTED BY FAN'S DEATH

Samantala, emosyonal pa rin si Iñigo tuwing mapag-uusapan ang pagpanaw ng kanyang tagahanga na si Arnie Espina.

Namatay sa sakit na acute myeloid leukemia si Arnie several weeks ago.

“She’s one of my fans that I got to know her last year and I supported her,” ani Iñigo.

“She had leukemia, you know, parang first time ko nga nagkaroon ng fan na parang nagbigay ng purpose sa akin with what I’m doing.

Continue reading below ↓

“And when I met her, parang hindi ko siya kilala pero nung nakita niya ako parang kilalang-kilala niya ako. And I never thought that I had that effect on someone.

“Parang, hindi ko alam yung trabahong ‘to mabibigyan pala ako ng ganung effect sa ibang tao that I didn’t realize until I met her.

“I just really want to help her and her family. She was only 15 when she was diagnosed,” lahad ni Iñigo.

Sa palagay ba niya ay naibsan na ang lungkot at pain sa puso niya sa pagpanaw ng kanyang fan?

“Uhm, okay naman,” malungkot niyang sabi.

Dugtong niya, “Pero mahirap pa ring isipin, you know. Siyempre I was really attached with her and her family, and nakakatuwa lang po na pati yung buong MarNigo po, buong fans club ay talagang sumuporta talaga kahit sa ospital, doon sa mismong wake, doon sa burol.

Continue reading below ↓

"Nandoon sila every day, every night.”

Ang MarNigo ay mga tagahanga nina Iñigo at Maris.

Nakarating ba siya sa burol ng kanyang fan?

“I was in the States, actually, pero before that we held a fund-raising event for her.

"You know, we were claiming the best for her pero masaya ako na kahit papano nagkaroon kami ng konting gathering bago siya umalis.”

May plano ba siyang magtayo ng foundation?

Sagot ng anak ni Piolo Pascual: “Actually, I was thinking about it. Yung ano niya, leukemia niya was the same leukemia ng lola ko na namatay before. So, parang naging... inano po sa akin.”





Continue reading below ↓


Inigo posted a photo of the late Arnie Espina on his Instagram account and wrote in the caption: "Let us all pray for Arnie! We are fighting with you!"




Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inigo Pascual worked with rumored girlfriend Maris Racal in the movie I'm Ellenya L. He says he is thinking about putting up a foundation to help those with leukemia.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results