Billy Crawford on James Reid: "He's got balls."

by Rose Garcia
Mar 8, 2019
(L-R) James Reid, Billy Crawford, and Sam Concepcion will top-bill the April 15 concert at the Araneta Coliseum titled The Cr3w.
PHOTO/S: Rose Garcia


Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang major concert ang tatlong VIVA artists/heartthrobs na sina James Reid, Sam Concepcion, at Billy Crawford.

Ito ay para sa The Cr3w concert na gagawin sa April 5 sa Smart Araneta Coliseum.

Magiging special guests nila ang tatlong babae na malapit sa puso nila: ang asawa ni Billy na si Coleen Garcia, ang girfriend ni James na si Nadine Lustre, at ang malapit na kaibigan ni Sam na si Yassi Pressman.

Surpresa na lang daw muna kung ano ang gagawin nina James, Sam, at Billy kasama ang tatlong actresses.

“I think, ang hirap magsalita kasi we don’t want to give so much. There’s a lot of special things that will happen on that night,” pahayag ni Billy.

“Ako, personally, there’s something that inspired me to actually have my wife to perform with me, I would love that, pero tingnan na lang natin talaga kung ano ba ang mangyayari.”

Continue reading below ↓

At tulad ni Billy, excited din daw si James na isa sa special guest nila sa concert ang girlfriend niyang si Nadine.

“Yeah, I’m very excited to have Nadine because there’s a very special song that we will perform for the first time in the concert.”

Sa kanilang tatlo, si Sam lang ang walang romantic involvement sa isa pang guest, si Yassi.

Kaya natatawang sabi nito, “Unlike the two of them, meron silang significant others. But I’m really glad that I got Yassi to say yes and agreed to being part of the show.

“Because, thinking of someone that good, that is a performer who sings and dance, Yassi is a perfect choice.”

Sinundan nga ito ng tanong kung hindi ba naiinggit si Sam sa dalawa na asawa at girlfriend ang makakasama sa concert nila.

“Naiinggit po ako, naiinggit po ako,” ang mabilis na pag-amin ni Sam.

Continue reading below ↓

“Pero, Yassi is a very, very close friend of mine, good friend of mine. At gaya nga ng sinabi ko kanina, I couldn’t thought of anyone else better to be able to perform with me.

“We see a lot of Yassi on TV right now, nakikita natin siya every day, but I think, I say this all the time, she has a lot to offer, to show in music and dance and I’m glad na makikita natin siya ngayon sa concert.”

Pagdating sa music, masasabi nilang malaki ang pinagbago ng mga genre nila at naging impluwensiya rin nila sa isa’t isa.

Si Billy raw ay malaki ang naging kaibahan.

“Honestly, being on stage with James and Sam, it works further for me because I get to learn what’s now.

"Pero, I guess, the inspiration talaga, I’m really excited talaga for me, personally to be in this creative camp, this The Cr3w, sa lahat ng mga kanta namin, it’s a challenge for me.

Continue reading below ↓

“Kasi ang sa akin, the last time I came up with an album was 10 years ago. So, it’s a challenge for me to come up with something na talagang magugustuhan ng publiko.”

Napakinggan daw ni James ang mga kanta ni Billy at excited daw siya for Billy sa comeback nito.

Sabi pa niya, “Sa akin naman, hindi nagbago ang sound ko, it’s still pop and R&B. It’s more on R&B/hiphop now.”

Nagbago rin daw ang genre ng music ni Sam.

“I’d like to think na nagbago siya,” saad ni Sam.

“From my first pop song na 12 or 13 year old ako, noong nagsisimula ako. It changed a lot and mga naging influence rin, like these guys.”

Ang tinutukoy nga niya ay sina James at Billy.

Gusto pa rin daw nilang maging intimate ang magiging karanasan ng mga manonood ng The Cr3w, kahit na ipinu-promote ito bilang isang ''big party.''

Continue reading below ↓

Ayon kay Billy, “Lahat naman kasi kami, we enjoy pretty much the same music. So, we’ll be singing a lot of our own songs and some na rin of our favorite songs.

“Yung flow from start to end, gusto namin na nag-e-enjoy kami. It’s a big party, actually.”

Nagbiro naman si Billy nang tanungin kung bakit The Cr3w ang napili nilang title ng concert.

“Dapat The Cr3wford yan,” natatawang biro niya.

“No, I think, it’s the friendship that we have with each other.

"We call each other the crew. James has his own crew. I have my own crew and Sam has his own crew. This is the crew of performance, I guess, and our love for music.”

Sa kanilang tatlo, si Billy ang mas may maraming karanasan pagdating sa musical performances here and abroad.

Continue reading below ↓

Kaya ito ang tinanong kung ia-assess niya sina James at Sam pagdating sa musicality at style, paano niya mailalarawan.

“Well, umpisahan ko kay Sam,” saad niya.

“Sam, actually, kasama ni Kris Lawrence, sinulat namin yung ‘No Limitations’ para kay Sam. Bata pa lang siya actually, musically, alam na namin kung ano ang capacity ni Sam. That he is a musician.

“And James, I was really shocked noong unang marinig ko siya. Kasi si James, he has his own identity, he’s not trying to be anybody else.

“And sorry, he's got balls,” sabi pa ni Billy.

“And I like this guy, I respect him for that. He’s passionate about music. He’s a producer, he’s a songwriter.”

Kahit daw siya, marami siyang natututunan sa dalawa.

Si James naman, tahasang sinabi na si Sam daw ang paborito niyang singer.

Continue reading below ↓

“Sam is my favorite singer of all time,” pag-amin niya.

Pero natatawang sabi ni Sam sa sinabi ni James, “Kasi, we’re friends.”

Sinegundahan naman ni Billy ang sinabi ni James tungkol kay Sam.

Ayon kay Billy, “Sa akin, sa totoo lang, my top two male singers dito sa Pilipinas, Jay-R and Sam, vocally.”

Nakaramdam naman daw ng pressure si Sam dahil sa mga papuri sa kanya nina James at Billy.

“But yeah, I look up to Billy for a long time. Mutual admiration society,” biro niya.

“But yeah, I look up to him. Yung first ko na mga kanta, ginawa niya. And James is a friend. I have so much respect for his music. Yung grind niya, yung passion niya is really for music and he’s prolific in terms of writing.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) James Reid, Billy Crawford, and Sam Concepcion will top-bill the April 15 concert at the Araneta Coliseum titled The Cr3w.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results