Ryan Cayabyab wants Pinoy pop music to penetrate international scene


Dati ay may nagsasabing, “OPM [Original Pilipino Music] is dying,” dahil sa tila mas tinatangkilik na umano ng mga Pinoy ang musika ng foreign artists. Pero ang music icon na si Maestro Ryan Cayabyab ay hindi kailanman naniwala sa statement na ito. Bukod sa mga hakbang na ginagawa ng mga taga-industriya, nakatutulong din daw para maitaguyod ang OPM sa pamamagitan ng mga songwriting competitions gaya ng Philippine Popular Music Festival o PhilPop.

Ayon kay Mr. C (palayaw ni Ryan), “Hindi, never naman na dying ang OPM. Alam mo yun, feeling ko yung sumulat na iyon gusto lang manundot, which is good. Kung ako yung sumulat nu’n matutuwa ako kasi ibig sabihin nasundot ko yung mga tao na OPM is dead. Hindi, e, ang Original Pilipino Music hindi mamamatay iyan. At saka ang PhilPop ano lang naman kami, parang conduit. Lagi namang meron [songwriting competitions].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mr. C sa July 23 presscon para sa finals night ng PhilPop 2014 sa Cocoon Hotel sa Scout Tobias, Quezon City.

Ayon pa kay Mr. C, malaking tulong din ang nagagawa ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit, na pinamumunuan ni Ogie Alcasid, para mapalaganap pa ang Pinoy music.

“As a matter of fact sila Ogie nga they’re trying to push na kung pwede raw ang performer, isang Pilipino artist, kung pwede pagka nagpe-perform sila ng repertoire nila sa concert, kung pwede more than sixty percent ang Pilipino music because we have to promote OPM.

“Ako heto ang take ko, you know whenever we are abroad pagka nagpe-perform kami, ako with the Ryan Cyabayab Singers, ang hinihingi nila Pilipino music doon sa Filipino audience. Doon sa Filipino audience marami ring mga puti or yung locals nila, they came because they also want to hear what Pilipino music is all about. But yung mga Filipino audience, they don’t want to hear covers, they don’t want to hear American music sa Amerika. They want to hear Pilipino music kasi they want to connect with the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ano yung gusto kong sabihin? In truth, hindi naman talaga kailangang i-promote nang i-promote nang todo yung sarili natin kasi all we have to do is create songs or create ideas or create entertainment that is competitive, to compete with all the rest of the world. Kasi we are unique, ang music natin unique, ang race natin unique.”

PHILPOP 2014 FINALS NIGHT. Excited na si Mr. C dahil ngayong Sabado, July 26, sa Meralco Theater magaganap ang finals night ng PhilPop 2014. Ang music icon ang siyang punong-abala bilang executive director ng PhilPop MusicFest Foundation Inc., ang nagtataguyod ng naturang songwriting contest. Sa parehong date ay mapapanood sa ganap na 10 pm ang finals night nito sa TV5.

Sabi ni Mr. C, “Excited ako kasi ang gaganda ng mga entry. Actually, para sa akin lahat sila ay deserving na manalo. It’s up to the judges na lang talaga. Excited na ako kung sino ang mananalo.”

Isa pang ikina-excite ni Mr. C ay ang pagpayag ng mga kilalang OPM artists para mag-perform sa finals night na kinabibilangan nina Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Julie Ann San Jose, Gloc 9, Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, Abra, Raimund Marasigan, at ang all-girl singing group na binubuo ng mga kapatid na babae ng international singer na si Bruno Mars, ang Lylas. Magsisilbi namang host ng event sina Christian Bautista at Iya Villania, with Jasmine Curtis-Smith as livestream host.

Ikinatutuwa rin ni Mr. C na bagama’t associated sa TV5 ang PhilPop competition, marami pa ring artists mula sa GMA-7 at ABS-CBN ang nakiisa at pumayag mag-perform. Kahit ang interpreters ng Top 12 songs ay halo ng mga Kapatid, Kapuso, at Kapamilya.

“Well, the truth is the foundation is an independent entity and what we’re trying to tell everyone in the industry is we help each other kasi it’s the entire industry that will benefit. Right now, TV5 is always a sponsor and it’s the one that’s airing the finals night. But as you can see, ang daming taga-Kapamilya at taga-Kapuso na kasama, it’s because nakita na nila yung point namin na hindi naman TV5 ito per se, at hindi rin ito network war.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE TOP 12. Ayon kay Mr. C, sadya raw magaganda ang mga kanta at mahuhusay ang pinagsamang mga baguhan at beteranong composers na pumasok sa Top 12. Tapos ay sinamahan pa ng sikat at magagaling na artists bilang interpreters.

Ang finalists na maglalaban para sa premyong isang milyong piso ay sina: Soc Villanueva (para sa kantang Babalikan Mo Rin Ako, na i-interpret ni Nikki Gil), Jungee Marcelo (Salbabida with Kyla as interpreter), Mike Villegas (Dear Heart with Kiana Valenciano), Daryl Ong (Torpe with Kris Lawrence), Davey Langit (NGSB – No Girlfriend Since Break with Luigi D’ Avola), Venelyn San Pedro (The Only One with Thor Dulay), Jude Gitamondoc at Therese Marie Villarante (Songs On A Broken String with Nicole Laurel Asensio), Allan Feliciano at Isaac Joseph Garcia (Hangout Lang with Duncan Ramos and Joung JV), Q-York’s James Palma aka Flva Matikz at Cedric Bonjoc aka Knowa Lazarus (Qrush On You with Jay-R, Elmo Magalona and Q-York), at Cecilia Bacobo at Issac Joseph Garcia (Kung Akin Ang Langit with McCoy Fundales at Clara Benin).

Dalawa naman ang entry ni Ronaldo Sorioso na pumasok sa Top 12 – ang Langit Umaawit with Tom Rodriguez, at ang Awit Mo’y Nandito Pa with YouTube sensation Aldrich Talonding and James Bucong.

Bukod sa cash prize na isang milyong piso, ang grand winner ay mag-uuwi rin ng tropeyo na ginawa ng sikat na glass sculptor na si Ramon Orlina. Ang first runner-up naman ay magkakamit ng P500,000 at ang second runner-up ay P250,000. May mananalo rin ng Spinnr People’s Choice Award na may premyong P100,000.

Paano ilalarawan ni Mr. C ang musika o ang tunog ng mga kantang pumasok sa Top 12?

“Kasi every year nag-iiba, e, nag-iiba ng trend, nag-iiba ng styles ng music, nag-iiba ng fad, ng ideas. So, this year yung Top 12, yung influences nila… kasi I’m an outsider here looking at their music. Pinapakinggan ko, ‘Ah, so yun ang influence niya…’ for example may dalawang kanta ano siya Throwback, balik siya ng ‘80s. Merong dalawa na balik ‘90s na R&B. May isa na balik ‘80s, ‘70s, na ginagawa rin ni Bruno Mars, na balik ‘80s siya. So, it seems like that type of influence is also pervasive in our musicians or songwriters natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero definitely, nandiyan pa rin yung makabagbag-damdamin na Pinoy ballad. Hindi siya mawawala, e, kasi parang primary element ng Filipino songs yun. Tapos meron diyan na sasabihin n’yo parang nandoon na siya sa tunog nila Adelle, so yung ganun nakikita n’yo na may influences. At saka nandiyan pa rin yung rap, kasi that’s a big, big youth influence, e, hindi naman natatanggal yun. Meron ding inspirational song. Very diverse talaga.”

Ang Top 12 songs ay kasama sa album na PhilPop 2014: Loud & Proud, produced and distributed by Universal Records.

LOUD AND PROUD. Ang motto ng PhilPop ngayong taon ay “Loud and Proud.” Bakit ito ang napili nilang motto?

“Ito ang motto, "Loud and Proud." Loud kasi we want it mas maingay and Proud also because we are really pushing the Philippine pop music.

"Sinasabi kasi kanina ni Patricia [Hizon, PhilPop executive] na we really wanted to… kung pwede to make more noise para marinig sa labas ng bansa, kasi yun din ang habol namin. Of course, wala pa kaming masyadong nagagawang steps but definitely ano ba naman ba ang susunod na step after national, so we are trying to push it as much as we can sa international.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN