Richard Yap steals kiss from Jodi Sta. Maria while Jolo Revilla watches Be Careful concert

Jodi Sta. Maria (left) thanks fans for their continuous support for Be Careful With My Heart, which has been airing on ABS-CBN for two years already. “Ito naman po ay isa po naming paraan, simple naming paraan ng pasasalamat po sa bawat isa sa inyo dahil ang Be Careful With My Heart ay ginawa po ninyong salamin ng inyong tunay na buhay.” During the concert, Richard Yap (right) stole a kiss from his leading lady.


Kinilig ang mga fans habang pinapanood ang Be Careful With My Heart: I Heart You 2 anniversary thanksgiving concert na ginanap kagabi, July 25, sa SMART Araneta Coliseum.

Pinangunahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap (na gumanap bilang sina Maya at Ser Chief) ang pagbibigay ng pasasalamat sa kanilang mga tagahanga.

Kasama nina Jodi at Richard ang iba pang cast members kabilang sina Jerome Ponce, Janella Salvador, Mutya Orquia, Sylvia Sanchez, Lito Pimentel, Aiza Seguerra, Marlo Mortel, Gloria Sevilla, Vivieka Vivieka, Rita Rosario Carlos, Vandolph Quizon, Joanne Marie Bugcat, at marami pang iba.

Bago magsimula ang concert, nagpunta muna backstage ang ABS-CBN Entertainment reporter na si MJ Felipe at MOR 101.9 DJ na si Onse at ininterview ang cast members.

Isa sa kanilang nahagilap na ma-interview ay si Richard mismo. Nang tanungin kung anong mensahe nito sa mga manonood, sabi ng aktor, “I hope you enjoy the show.

“Kaming lahat bigay na bigay na so todo na ‘to.

“We hope we can entertain you tonight and give you a very good show. And thank you so much, for your support.”

Sa umpisa pa lang, hindi na mapiglan ang hiyawan sa pagkanta nina Jodi at Richard. Unang lumabas sa stage si Richard at kinanta ang “L.O.V.E.” Sumunod naman si Jodi na kumanta naman ng “Kapag Tumibok Ang Puso.”

Matapos ang kanilang opening performance, sinabi ni Jodi na ang thanksgiving concert na ito ay isa sa kanilang mga paraan upang makapagpasalamat sa patuloy na pagtangkilik ng mga manonood sa kanila.

Sabi ni Jodi, “Ito naman po ay isa po naming paraan, simple naming paraan ng pasasalamat po sa bawat isa sa inyo dahil ang Be Careful With My Heart ay ginawa po ninyong salamin ng inyong tunay na buhay.”

Binigyang buhay nina Jodi at Richard ang kanilang mga karakter sa Be Careful With My Heart na sina Maya at Ser Chief sa kanilang concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman, kinilig ang lahat nang biglang magnakaw ng halik si Ser Chief kay Maya.

Matapos nito, nagpatuloy ang concert sa kanilang duet ng kantang “Bakit Labis Kitang Mahal?” ni Lea Salonga.

Sina Janella Savlador, Jerome Ponce, at Marlo Mortel kasama ang iba pang teens kabilang sina Kazel Kinouchi, Kelly Gwayne dela Cruz, Schai Sigrist, Arvic James Tan, McCoy de Leon, at AJ Muhlach ay kumanta at sumayaw ng One Direction medley. Kabilang sa mga kantang pinerform nila ay ang “One Thing” at “Live While We’re Young.”

Samantala, hindi naman papahuli sa pasabog na performances sina Rita Rosario Carlos na gumanap bilang Doris, Joanne Marie Bugcat na gumanap bilang si Yaya Lea, at Vivieka Vivieka na gumanap naman bilang Sabel sa kanilang '70s disco-inspired production number. Kabilang sa kanilang mga kinanta ang “I’m Coming Out,” “Domino,” at “Finally.”

Nakaduet naman ni Aiza Seguerra sina Richard at Jodi sa mga kantang “Ikaw Lang Ang Mamahalin” at “Power of Two.”

Kinilig din ang mga fans sa tandem nina Sylvia Sanchez at Lito Pimentel na kumanta naman ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.”

Special guest din sa concert sina Erik Santos, Juris Fernandez, Richard Poon at Morisette Amon.

Matapos ang concert nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press sina Jodi at Richard upang kamustahin ang kanilang concert.

Sabi ni Richard, “Pagod, pawi, pero siyempre we’re extremely happy at saka masaya kami na napapasaya namin yung mga tao.”

Dagdag pa ni Jodi, “Siyempre iba yung high na nafi-feel namin ngayon.”

“Napakasaya and we’re very grateful and thankful to everyone na pumunta at nanood ng concert.”

Biniro pa ni Richard si Jodi at sinabing, “Siyempre nafullfill na yung dream ni Jodi na makapag-Araneta.”

Kabilang sa mga nanood ay sina Arjo Atayde, Ejay Flacon, Janine Desiderio, ABS-CBN Channel Head Cory Vidanes at si Jolo Revilla kasama ang anak nitong si Gabriel pati ang anak ni Jodi na si Thirdy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinuha na rin ng press ang pagkakataon upang malaman kung ano nga ba ang reaksiyon ni Jodi nang makita niya si Jolo na nanonood ng kanilang concert.

Ngunit si Richard na ang sumagot para sa aktres, “Ganyan talaga, the night is full of surprises and this is a night for everyone.”

Nang tanungin muli si Jodi kung siya ang nag-imbita kay Jolo, sagot ng Be Careful With My Heart star, “Oo naman, bakit ko naman siya hindi iimbitahin?”

Diin pa niya,“Hindi siyempre hindi lang naman sila yung nandito, e, yung buong family ko nandito, family ni Richard."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN