Lloyd Montebon and Xtreme Dancers win top awards at 18th WCOPA


Naparangalan ulit ang Pinoy talent nang maka-grandslam win ito sa 18th edition ng World Championships of Performing Arts (WCOPA) noong July 18 sa Los Angeles, California.

Nauwi ng Team Philippines ang dalawang top awards sa WCOPA: Una ay ang Junior Grand Champion na nakuha ng 11-year old na si Lloyd Montebon of Davao; at pangalawa ay ang Senior Grand Champion na napagwagian ng Xtreme Dancers duo na sina Raymark Alminasa (22) at Eddie Melody (23) from Koronadal, South Cotabato.


Si Lloyd Montebon ay isang junior male vocalist na kinamanghaan ng audience dahil sa rendition niya ng “The Impossible Dream” ni Frank Sinatra.


Nagwagi naman ang The Xtreme Dancers sa senior division para sa kanilang dance routine.


Sa interview ni Montebon sa Asian Journal, sinabi nito na masaya siya sa kanyang pagkapanalo at nakakatuwa na masaya para sa kanya ang kanyang mga kababayan.


Nagpapasalamat si Montebon sa WCOPA Philippines’ National Director na si Gerry Mercado dahil sa suporta na binigay nito sa kanilang team, lalo na sa kanya dahil tinulungan siya nitong makarating sa contest na ginanap sa Los Angeles.


Ayon naman kay Mercado, muntik na raw hindi makarating ng United States si Montebon dahil hindi nito ma-afford ang plane ticket. Pero nagtulung-tulong daw ang lahat para mabigyan ng airfare ang Davao-based singer upang i-represent ang Pilipinas.


Ngayong 2014 ang unang beses na nanalo ang Pilipinas sa dance category ng WCOPA.


“I was speechless because this time, we were able to show the WCOPA that we can also dance, not only sing,” ani Mercado sa interview ng Asian Journal.

Nakilala na ang Pilipinas sa WCOPA dahil sa mahuhusay na mga vocalists na pinadadala natin doon.


Si Jed Madela ang first ever winner Filipino na mapanalunan ang Senior Grand Champion Performer of the World title noong 2005.

Dumalo si Jed sa 2014 WCOPA at sa Instagram account niya, nag-post siya ng larawan niya kasama ang Pinoy winners this year.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW






Since 2005, pitong Pinoy na ang nagwawagi bilang Grand Champion Performers of the World. Kabilang na rito sina Aria Clemente (2007), Catherine Loria (2008), Rhap Salazar (2009), Rose Marielle Mamaclay (2010), Joshua Pineda (2011), Ianna Aldeza dela Torre (2013) at Beverly Caimen (2013).


Bukod kina Montebon at Xtreme Dancers, dalawang Pinoy pa ang nakaabot sa WCOPA Finals. Ito ay ang 25-year-old model na si Marilyn Reyes at ang 11-year-old vocalist na si Rod Caralde.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN