Lani Misalucha acknowledges fear of younger biriteras

IMAGE Noel Orsal

Lani Misalucha on younger biriteras: "Siyempre, hindi mawawala sa ‘yo yung, ‘Oh my gosh, ano pa kaya? Kukuhanin pa kaya kami?’ Hindi mawawala yun."


Nag-aalala si Lani Misalucha sa pagsulpot ng mga bagong biritera gaya nina Jona at Morissette Amon.

“Hindi mawawala sa ‘yo yung mga ganoong fear na, siyempre, ang dami nila, ang gagaling, mga bata, ang gaganda!” bulalas ni Lani nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng The Aces concert noong Marso 11, Lunes, sa Dolcelatte, Quezon Avenue, Quezon City.

“Siyempre, hindi mawawala sa ‘yo yung, ‘Oh my gosh, ano pa kaya? Kukuhanin pa kaya kami?’ Hindi mawawala yun.

“But then, I’m really happy sa mga bagong lumalabas na talagang ang gagaling.”

Naaagawan ba ng trabaho si Lani? Humihina ang bankability?

Nakangiting sagot ni Lani, “Sa nae-experience ko, hindi naman. Hindi naman.

“Sa totoo lang, I’m very grateful may mga kumukuha pa, may trabaho ako.

"Kumbaga, hindi ako nababakante. Kahit yung mga maliliit, nandiyan pa rin, sa totoo lang."

Nagbaba siya ng presyo?

Mabilis na sagot si Lani, “Hindi. Ganoon pa rin naman yung rate ko, five years, I think.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi siya nagtaas ng talent fee?

“Bakit ako magtataas?” balik-tanong niya.

“Parang, I think, bakit nga ba hindi ako nagtataas? At least, hindi ako nagbababa.

“Okey pa rin naman.”

Aminado si Lani na nayayanig siya pag kasabay niyang bumirit si Jona, na kasama nila ni Darren Espanto sa The Aces concert na gaganapin sa Marso 30 sa Araneta Coliseum.

“Eto,” sabay lingon kay Jona na dumalo rin sa presscon.

“Kaliit-liit, parang hindi nauubusan ng boses.

“Si Mori [Morisette], talagang biritera.”

RIVALRY WITH REGINE VELASQUEZ

Mas nakakaramdam ng kabog si Lani sa mga kaedad niyang diva na sina Regine Velasquez at Jaya.

“Kasi, itong mga bata, parang mga anak mo na lang. Siyempre, doon sa mga kaedad ko.”

Wala sa hinagap ni Lani na makipag-compete sa mga baguhang singers.

“Sa totoo lang, hindi ko na iniisip yun. Really.

"Sinabi ko nga, para na akong semi-retired. Kung anuman yung dumating, I’ll accept it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ano ang meron, okey. Kung ano ang wala, wala. Ganoon talaga.

“Actually, ngayon mas contented. Yung competitive stage na sinasabi nila, wala naman, e. Wala, e.

"Parang there’s no reason for that anymore.”

Hindi matapus-tapos ang rivalry nila ni Regine.

“Only because magkaedad kami," sabi ni Lani.

"Actually, I’m older than her. Pareho kami ng genre, di ba?

“However, nauna siyang talaga. Ten years na nandiyan siya bago ako dumating.”

Aware si Lani na nagka-crack ang boses ni Regine paminsan-minsan.

“Oo, nadidinig ko naman yun. In-admit naman niya yun, e.

"Siguro dahil nga nag-iiba ang katawan ng tao, tumatanda kami.

“Siyempre, hindi namin magagawa kung ano yung nagagawa noong bata pa.”

Kahit si Lani ay may mga moment na sumasablay at nababasag ang boses sa gitna ng pagbirit.

“Oo naman, oo naman. Like, yung may mga notes na hindi ko na naabot.

“Siyempre, nag-iiba yung katawan mo na. Hindi ka na bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro, kailangan lang ng pahinga. Ipahinga.

“At saka siguro, kailangang i-exercise din in a proper way."

HEALTH IS WEALTH

Nananatiling sa Amerika ang permanent residence ni Lani.

Napapagod siya sa paglipad pabalik-balik ng ‘Pinas at Amerika.

“Dyusko! Lalo na ngayon, ang bilis ko nang mapagod! Ang tanda ko na!” bulalas ni Lani.

“Wala naman akong sakit... sana. Walang sakit.

“Nakakaloka, di ba? Ang pinag-uusapan na, ‘yang mga ganyan, executive check ng hubby ko. As in!

“Magche-check in kami na parang hotel, magpapa-confine kami sa hospital to do that. Ang dami!

“Siyempre, para malaman mo. Past tasingkwents [50] na. You’ll never know. Dyusko!

“Importante talaga ang pangangatawan natin, ang kalusugan natin, ang health natin.

“Kasi, hindi ka na magpa-function kung hindi maayos ang katawan mo.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN