Si Karylle ang sumulat at kumanta ng theme song ng iflix movie na Mystified titled "Simula," na available na sa Spotify.
“This time around, I tried to write in Filipino,” ani Karylle, na isa sa mga bida at line producer ng Mystified na ipalalabas sa iflix umpisa Marso 29, Biyernes.
“Punong Hurado Rey Valera kept on saying, ‘You have to write in Filipino.’ And it’s not just him, but also Ryan Bang.
“He always lectures me. Di ba, palagi kaming nag-aaway ni Ryan? Palagi niyang sinasabi, ‘Ate Karylle, yung kanta mo, dapat Tagalog.’
“Kaya gumawa ako ng isa pang version.
"Kasi iyung isa, with Ted Mark, Armot & Gosh [Spongecola members], so they played and it was, like, an anthem, yung parang ganoon, very, like, driven, action.
“Gumawa pa ako ng isang version upon the advice of Ryan Bang.
"Hindi naman niya sinabing gumawa pa ko ng isang version, pero piano, very malumanay."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karylle sa special screening ng Mystified sa Cinema 3 ng Shangri-La Mall noong Sabado, March 23.
FROM SANG'GRES TO PRODUCERS
Ang Sanggre Production nina Karylle, Iza Calzado, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon ang line producer ng Mystified.
Silang apat na orihinal na Sang’gres ng Encantadia ang mga bida.
“As Yael always says, ‘You have to be creative, ganyan-ganyan.’ So we created a movie, so, ‘eto na nga.
“Producer na rin ang role. I guess, practice na rin yung nagpu-produce ka ng music, 'tapos ngayon, movie naman.”
Si Yael Yuzon ang mister ni Karylle.
Aminado si Karylle na mas mahirap mag-produce ng pelikula.
“My gosh, ang daming nangyayari! But we’re so... ano ba, parang driven with a lot of things,” bulalas niya.
“Halimbawa, yung fans ng Encantadia, nandoon pa rin sila.
"Every time na nagpu-post kami, ang daming likes. 'Ano ‘yan? Parang kailangan nating gumawa.'
“Inspired na nandito na rin ang opportunity, na nandito na tayo sa panahon na hindi na lang tayo rants nang rants na, 'Bakit ganyan yung mga movies, ‘eto lang?'
"Puwede ka na ring gumawa, kasi ang daming opportunities."
Sila ni Iza ay partner na ng iflix umpisa pa lamang.
MYSTIFIED FRANCHISE
Masaya ring ibinalita ni Karylle na maglu-launch din sila ng Mystified sa Malaysia at Indonesia, pero lahat ng nasasakupang bansa ng iflix ay mapapanood ang pelikula nila.
Walang isyu sa kani-kanyang TV network na magkakasama sila sa isang pelikula for iflix.
“I think, what’s exciting kasi, di ba, dati, hindi kami makabuo ng movie?
"Kasi, Sunshine and Diana are in 7 and kami ni Iza are in 2, so nasaan ang space, di ba, that every one can actually be creative?
“Now, I always say that we have to be open-minded, broadminded, and parang thinking towards the future.
“Even in music, I always say, we cannot be just thinking of my concert, my album, kaya yun ang eksena na palagi naming pinag-uusapan sa bahay.
“How well do we have to sing, of course, we’ve always been doing well, but we want to support other artists as well.
“So, same with movies. I think, magkakaroon ng sobrang daming bagong content and, I think, wala nang restrictions.”
Milestone na sila ang kauna-unahang nagkaroon ng original Pinoy movie sa iflix.
“Yes, matagal na trinabaho, pero siyempre, first lang ‘yan of many. And we will also venture outside of iflix and produce more contents.
“Yun nga ang palaging sinasabi palagi ni Shine [Sunshine Dizon], ‘Kahit hindi na tayo artista, gagawa tayo for other people.’
“Sumali rin ako sa writing class para meron akong writer’s group, mga ganyan.
"So, naghahanap kami ng concept," lahad ni Karylle, na panauhin sa Spongecola concert na Sea of Lights sa Marso 29, Biyernes, sa Circuit Makati.
IT'S SHOWTIME INDOENSIA
Super-excited naman si Karylle na may franchise sa Indonesia ang noontime show nilang It’s Showtime.
“I was just in Indonesia last Christmas for my album and we came up with a little show there,” kuwento ni Karylle.
“I think, yung saya natin dito, madadala na rin natin doon. And they can create their new magic there.”
Natatandaan ni Karylle nang magkaroon ng Eat Bulaga! dati sa Indonesia.
Pero sinabi niya agad na dapat ay maging positibo na lang lahat sa halip na pagkumparahin pa ang dalawang noontime shows.
Hindi kasi nagtagal ang Eat Bulaga! sa Indonesia.
“I think, the most important thing to remember is to be happy na ang dami nating content na nandoon,” ani Karylle.
“Si Sunshine, I think, when I was there, they were asking me, ‘You were with Sunshine Dizon,’ so kilala nila.
“Instead na magpaka-old school tayo na naghihilahan, happy na lang tayo na yung content natin, naa-appreciate nila doon.
“And I guess, yung saya natin dito, hindi talaga nakikita sa ibang lugar kaya dadalhin natin doon.
“Para maging masaya rin sila as much as masaya tayo.”