Gary Valenciano raring to jumpstart U.S. concert tour

IMAGE Gorgy Rula

Gary Valenciano (center) with special guest performers Katrina Velarde (left) and Jonalyn Viray (right), to headline He's Back: Gary V U.S. Tour 2019.


Matutuwa ang fans ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ngayong nabigyan na siya ng “go signal” na muling humataw sa concert stage.

Matagal-tagal din kasi siyang tumigil sa pagku-concert mula noong sumailalim siya sa open heart at kidney surgeries noong nakaraang taon.

Nagpapasalamat si Gary at tinawag pa niyang isang “miracle” na nabigyan siya muli ng pagkakataong magbalik-entablado ngayong taon.

Sa katunayan, kakatapos lang ng kanyang Awit at Laro Ayala Mall concert tour.

At ngayong Abril ay nabigyan na rin siya ng clearance ng kanyang mga doktor para simulan ang kanyang U.S. concert tour.

FULL RECOVERY

Napanood at nasaksihan namin ang isa sa naging mall show niya para sa album na Awit at Laro.

Noon pa lang, nasabi na namin na parang hindi naman siya dumaan sa dalawang major operation.

Punung-puno pa rin siya ng energy at passion sa pagpe-perform.

Pero ayon kay Gary, para sa kanya ay 80% pa lang daw ang energy level niya ngayon kumpara nung bago siya maoperahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Two weeks ago, three weeks ago, nasa ASAP ako.

“I did the song of Backstreet Boys.

“Alam niyo, pagdating ko sa harapan, wala na, I’m already out of breath.

“That’s only two minutes, ha?

“I texted my doctor.

“I said, something's not right.

“So sabi niya, 'Sige, bawasan natin ang ganito [medication].'

“Now, I feel a lot better.

“Kung ano ang sinabi noon na mas lalo pa akong lalakas, I’m feeling it now.”

Kung 80% pa lang ang tingin niya sa energy niya bago magtapos ang taong 2018, ngayon ba ay nasa 100% na ito ulit?

“Nasa 95%. May 5% pa,” nakangiting sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gary sa Valencia Events Place noong April 3 para sa kanyang He’s Back: Gary V U.S. Tour 2019 na magsisimula sa April 12 sa Sam’s Town Hotel & Casino, Las Vegas.

GUEST PERFORMERS

Isang taon din daw siyang hindi nakapag-perform sa Amerika mula noong unang operasyon niya noong May 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “I’m very excited about it.

“Excited ako kasi, unang-una, I don’t really have dancers with me. I have singers with me.

“So I think, people will really be glued kung ano man ang sasabihin ko, kung ano man ang kakantahin ko, imbes na kung ano pa ang susubukan ko pang gawin.

“They’ll be there to see me as I am, and I’m ready to show them how far I’ve come.”

Ang mga special guests ni Gary ay sina Jonalyn Viray at Katrina Velarde.

Siya raw ang personal na pumili sa dalawa para makasama niya sa pagbabalik niya sa U.S. concert tour.

Pagmamalaki niya, “I chose them.

“I think that Jona is one person na siguro, alam ng tao na napakagaling niya, but I want the people to really see her, experience her, because I have.

“And I think she deserves to come on a tour as a soloist or as a guest, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And Katrina is another one.

“May magagaling na singer, pero talagang may mahuhusay na singer, and I think these two are just two of just some na masasabi kong mahuhusay talaga from beginning to end.”

Halos buong buwan ng Abril ang naka-block off para sa U.S. concert tour ni Gary.

Sa dami ng kanyang concert venues, siguradong nakakapagod hindi lamang ang pagkanta niya, kundi ang pagbiyahe ng entire production crew nila patungo sa iba't ibang destination.

Pagkatapos ng kick-off nila sa Las Vegas sa April 12, nakatakda silang mag-perform sa mga sumusunod na key U.S. cities:

April 14, Town’s Hall, New York.

April 20, Pittsburgh, California.

April 21, Saban Theater, Los Angeles.

April 26, Snoqualme Casino, Seattle.

April 28, Morongo Casino, Morongo.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN