Mitoy Yonting releases debut album; compares himself to The Voice Kids champ Lyca Gairanod

Mitoy Yonting on The Voice Kids winner Lyca Gairanod: "Hindi mo pwedeng sisihin yung bata kasi yun nakasanayan niya, kasi nga laking kalye..."


Halos isang taon matapos manalo si Mitoy Yonting bilang grand champion ng The Voice of the Philippines, na-release na kamakailan ang kanyang debut album.

Sa Newport Plaza, Resorts World Manila ginanap ang August 10 launch para sa kanyang 12-track album na pinamagatang Mitoy Yonting Hanggang Wakas.

Kinanta ng vocalist ng bandang The Draybers ang ilang kanta mula sa kanyang debut album. Aminado si Mitoy na muntik nang hindi siya matuloy noon sa pagsali sa reality singing competition ng ABS-CBN. Aniya, “Sa totoo lang, wala akong planong sumali, dahil medyo may edad na nga ako. May mga tao na nag-encourage sa akin, sa huli na-kumbinse din ako.”

Si Lea Salonga ang naging coach ni Mitoy sa The Voice PH.

Matapos ang show ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph namakapayam si Mitoy tungkol sa kanyang album at ito ang kanyang pahayag:

Paano nabuo ang first album ninyo?

“Bawat kanta bago umabot sa 12 cuts yun, pinag-isipan naming maigi yun, marami kaming pinagpilian, kada kanta may choices of 10 songs bago pumasok. Kaya masasabi kong piling –pili yung mga kanta na napasama sa album.”

How many years in the making yung album n'yo na ito?

“For me, sabi ko nga 30 years in the making, sa tagal ko nang pinangarap na magkaroon ng sariling album with music label, tapos with MCA Music pa. Kinuwenta ko na yun mula pa nung magsimula ako, mula nang pangarapin kong magka-album.”

Gaano n’yo katagal kinompose yung tatlong songs na kasama sa debut album na ito?

“Yung ‘Magulang’ siguro almost three days yun. Yun yung time na bored na bored kami kaya natutukan ko yung kanta. Tungkol yung kanta sa mga nanggulang sa amin, tungkol dun sa mga ganid na gusting mangumisyon, kahit ano gagawin basta pagkaperahan lang kami, kahit wala sa usapan.

"Yung self-titled album ko na Hanggang Wakas ay tungkol sa pag-ibig, tungkol sa panliligaw, inspirasyon ko dun ay yung misis ko. Ganun tayo, e, na gagawin mo ang lahat kahit imposibleng gawin ay gagawin mo pa rin, sagutin ka lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung pangatlo kong komposisyon yung ‘Kaibigan,’ na tungkol sa friendship, kung kailan mo pwedeng tawagin at kung kalian mo pwede sabihing talagang kaibigan mo ang isang tao."

Kasama mo sa album at may duet kayo ng coach mong si Ms. Lea Salonga para sa ‘Somewhere.’ Paano n’yo po napakiusapan si Ms. Lea to support your first album? Kayo po ba personally yung kumausap sa kanya?

“Niligawan namin si Ms. Lea na makipag-duet sa akin, swerte nga na pumayag naman siya. Sabi niya, sige basta lang daw kausapin yung mga dapat kausapin bilang courtesy.”

Yung mga ibang songs nakasama sa album na revival? Kayo po ba ang pumili ng mga songs na yun?

“Team effort namin yun with MCA Music, tulad nang sinabi ko kanina, na kahit may personal akong gustong gawin, mas sila yung nakakaalam ng tamang songs na dapat isama, e. Nagbigayan kami ng tiwala para buuin ang album.”

Ano yung isang song dito sa album na malapit sa puso n’yo at paborito n’yo?

“Yung ‘Handog’ na originally song by Florante, kasi yung kwento ng kantang yun ay nasa akin at naranasan ko, at mararanasan pa.”

Natanong din ng PEP.ph kay Mitoy ang tungkol sa pagkapanalo ng kaunaunahang champion ng The Voice Kids na si Lyca Gairanod.


Ano ang masasabi n’yo sa pagkapanalo ni Lyca? ano ang pagkakapareho nila bilang champion ng The Voice?

“Si Lyca, pag hindi mo siya kilala at hindi mo sya na meet, parang ang sinasabi ng iba ay sympathy vote ang nangyari, kaya siya nanalo. Pero pagnakilala mo si Lyca, nakilala mo mismo at narinig mo syang kumanta may talent sya. Nakita mo yung nakasanayan niya dahil nga di sila pinalad na kabataan ngayon dahil sa pinanggalingan niya—parang matanda siya pag nagsalita. Kasi nga exposed siya sa kalsada at hirap sa buhay. Yung talent wise, mayroong talent si Lyca, kasi hindi siya makatatayo sa entablado pag walang talent yung bata.”


Anong talent yun?

“Bukod sa galing sa pagkanta, mayroon si Lyca na tibay ng loob, hindi pwedeng kumakanta ka lang pero wala kang tibay ng loob lalo na sa harapan ng maraming tao at alam mong maraming nanunuod.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano yung pagkakapareho n’yo ni Lyca being champion ng The Voice?

“Siguro yung pagiging kami, kung ano yung totoong kami, kung ano ako bilang ako at kung ano siya bilang si Lyca, pinakita niya yun. Minsan nga nami-misinterpret siya dahil hindi sanay sa po at opo, pero ganun talaga, e, hindi mo pwedeng sisihin yung bata kasi yun nakasanayan niya, kasi nga laking kalye pero soon she will realize kung ano na yung tama kasi matuturuan na siya, e.”





HANGGANG WAKAS TRACKLISTING.

01. Pinaikot-ikot
02. Ikaw Hanggang Wakas
03. Magulang feat. Bassilyo
04. Handog
05. Minahal Kita
06. Somewhere duet with Lea Salonga
07. Kaibigan
08. I Will Always Love You
09. Solitare
10. Pangakong Tapat
11. Hahabol-habol
12. Air Supply Medley (Every Woman In The World/I Can Wait Forever/Here I Am)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN