Vice Ganda, Regine Velasquez waive talent fees for Anton Diva concert

by Julie E. Bonifacio
May 17, 2019

Madiing itinanggi ng gay impersonator na si Anton Diva na nagkaroon sila ni Vice Ganda ng espesyal na relasyon nung nagsisimula pa lang sila bilang stand-up comedians sa comedy bars.

“Wala, wala,” mabilis na tanggi ni Anton na nakilala bilang impersonator ni Regine Velasquez. “Hindi kami, wala. Walang nangyari. Kasi nga, di ba, hindi ako napatol sa parehas?”

Nag-ugat ang hinala na nagkaroon ng special something sina Vice at Anton dahil sa 2019 Valentine concert ni Vice at Regine kung saan nagkaroon ng special appearance si Anton.

Tinawag ng It’s Showtime host sa stage si Anton na nanonood lang sa harap ng Araneta Coliseum.

Nag-request si Vice kay Anton na samahan sila ni Regine na kantahin ang awiting “Shine.” Ang “Shine” ay madalas kantahin nina Vice at Anton sa comedy bars noon.

Sa portion na yun humingi ng tubig si Vice at saka ininom niya ang tubig mula sa mineral water bottle. Pagkatapos niyang tunggain ang bottled water, ipinasa niya ‘to kay Anton.

Continue reading below ↓

Nag-dialogue muna si Anton ng ganito: "Para tayong naglaplapan nito," bago siya uminom sa bottled water. Sabi ni Vice, nangyari na raw yung ganung “eksena” sa kanila noon.

Tsika pa ni Vice sa Valentine concert nila ni Regine, nung short hair pa si Anton kamukha niya si Vic Sotto. Kaya ang feeling naman ni Vice sa sarili, siya si Dina Bonnevie, ang ex-wife ni Vic.

Ano ang reaksyon ni Anton Diva sa sinabi ni Vice na ‘para tayong naglaplapan?’

“Ah--hahaha! Ganun naman palagi sinasabi natin, e. Di ba, kapag ininuman mo yung ininuman nung isa, e, di maganda kasi ano, malay mo may vertud yung ano niya,” kasunod ang malakas na tawa ni Anton.

Ano naman ang nangyari sa kanila ni Vice sa Puerto Galera?

“Ay, yun ba? Hindi ko malilimutan yun.

“Dati kasi, ang unang-una kong Puerto Galera, kami ni Vice magkasama kami diyan. Tapos ano lang kami, e, may kasama akong lalaki noon.

Continue reading below ↓

“Ako, nagdala. Siya walang kasama.

“Ayun, sabay kami naliligo niyan, ni Vice doon sa Puerta Galera. Naka-panty lang, ganoon. Siyempre, hindi naman hubong-hubo. Pero nagkakitaan na kami syempre, oo. Ganoon lang. Walang nangyari,” pagkuwento ni Anton.

Ano naman ang reaction niya sa sinabi ni Vice na feeling niya ay siya si Dina Bonnevie at si Anton naman si Vic Sotto?

“Hindi kasi, eto na nga, na-ano nga ako kasi may eksena na, di ba, nga may kasama akong lalaki?

“Dapat ibu-booking ko na sana yung lalaki. E, bigla siyang dumating. So, dinaot niya.

“Daot-tsina si Vice! Hahaha!

“Pero yung Vic-Dina, ano lang namin yun dati, parang joke-joke lang. Pero wala talaga. Walang kaming intimate na relasyon ni Vice.

“Hindi ako ang type ni Vice. At saka hindi rin siya ang type ko,” paglilinaw pa ni Anton nung makausap namin siya sa recent press con ng kanyang first major solo concert titled SHINE XXII AD: Anton Diva.

Continue reading below ↓

ANTON DIVA TO HOLD CONCERT

Ang SHINE XXII AD: Anton Diva ay magaganap sa Cuneta Astrodome sa Pasay City on June 15.

Ang producer ng concert ni Anton ay ang stand-up comedian-turned-politician na si Teri Onor under his new event production company called TOES (Teri Onor Entertainment Services).

Special guests sa concert ni Anton ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez at ang Phenomenal Star na si Vice Ganda.

Kasama rin si Michael Pangilinan, Raging Divas, 2019 Miss Q&A Mitch Montecarlo Suansane at Jewel Johnson. Ang Pepper Divas at Rapture Girls naman ang magsislbing front act sa concert.

Ayon kay Teri, hindi nagpabayad ng kani-kanilang talent fee sina Regine at Vice Ganda sa pag-guest sa concert ni Anton.

“It’s their turn to give back. Hahaha!

“Sobrang flattering syempre, saka sobrang, you feel the love, di po ba?

“Kasi alam naman nila na unang-una, si Teri [Onor], alam nila na first time niyang magpo-produce and yun ang maganda sa ating industriya, e.

Continue reading below ↓

“Big artists are willing to support new performers, new producers.

“Saka if they believe in the artist na susuportahan nila, hindi na sila magdalawang-isip na tumulong at sumuporta.”

Dahil kilalang close si Anton kay Vice, na-meet na ba niya ng personal ang nababalitang boyfriend nito na si Ion Perez?

Kuwento ni Anton, “Na-meet ko si Ion nung Valentine concert. He was there, sa backstage.”

Paano ipinakilala ni Vice si Ion sa kanya?

“Kinalabit niya si Ion, ‘Ion, si Anton,’ ganoon lang.

“Walang boyfriend ko, walang ganoon.

“Hindi pa kasi sinabi na ano… hindi ko talaga alam kung there’s something special. Hindi ko rin alam talaga kung sila na rin that time. Hindi pa, e.”

May balita na opisyal na ang relasyon ni Vice kay Ion, totoo ba?

“Ayoko ring magsalita,” nakangiting sabi ni Anton.

Continue reading below ↓

Hindi ba nagku-kwento sa kanya si Vice na may special someone na siya ngayon?

“Wala, wala.”

Mukha bang in love si Vice ngayon?

“Basta masaya siya. Kahit yung mga close friend namin, sina MC, si Lazie, yung palagi rin niyang nakakasama, masaya si Vice.

“Masaya siya sa kung anung merong lovelife siya ngayon.”

Sa tingin ba niya seryoso na ang relasyon ni Vice kay Ion?

“Sana naman, seryoso na ‘to talaga.

“Deserve niya na magkaroon ng somebody na puwede niyang, alam mo yun? Ipakilala sa lahat na wala siyang tinatago.”

Sa tingin ba niya safe si Vice kay Ion?

“Safe naman siguro kasi matalinong tao si Vice. He would not invest a lot of his emotions to somebody na ramdam niya na hindi naman deserving."

Pero alam na niya na sila na talaga?

“Hindi ko talaga alam,” tanggi ulit ni Anton.

Continue reading below ↓

“May nagsabi lang sa akin. E, alam naman nating lahat na sila na ‘di ba?

“So, ah, bago i-air yung sa GGV [Gandang Gabi, Vice], yung kay Ma’am Charo [Santos-Concio] noon, yun yung nag-confirm, di ba? So, ayun na yun.

“Kaya kung anuman meron sila, let’s us all just be happy for them.”

Pwede kaya umabot sa kasalan sina Vice at Ion?

“Uh, sana. Sana.”

What about Anton? Straight ba ang boyfriend niya?

“Yes,” ngiti niya.

“Hindi, hindi siya bi [bisexual].

“Ako kasi, ayaw ko ng bi. Gusto ko talaga straight, ever since.”

Ilang taon na sila?

“Matagal na. Matagal na, more than ten years. Hindi po kasi ano, he’s a private person, e.”

May plano ba sila magpakasal?

“Hindi pa namin napapag-usapan.”

Tanggap ba ng pamilya niya yung guy?

Continue reading below ↓

“Oh, yes.

“Ano siya, he’s very available.

“He has work. Hindi na siya nag-araal.

“Graduate siya. Ako nga hindi graduate, e. Hindi ko lang matandaan kung ano yung course na tinapos niya, e.

“Undergraduate po ako. Kasi nung time, actually, overstaying na nga ako sa La Salle noon, e. Engineering kasi ang course ko, e. Usually, four years talaga. Kaya ako nag-take ng engineering course, kasi marami raw lalaki sa ECE [Electronics and Communications Engineering].

“Four years yung course and one term. Pero sa sobrang ano, nawalan ako ng interes kasi, e. Kaya naging irregular ako, sa status ko sa school. Inabot ako ng five years na hindi ko na natapos kasi nagsabay yung pagtrabaho ko na sa comedy bars.

"Kaya hiyang-hiya ako sa nanay ko.”

Siya ba ang nagpa-aral sa boyfriend nyia?

“Hindi po,” diretso niyang tugon.

“Mga kapatid ko po ang pinagtapos ko.

Continue reading below ↓

“Lima po kaming magkakapatid. Hindi naman po lahat.

“Yung kapatid ko po kasi na babaeng panganay, pangalawa po ako, tapos babae, lalaki. Yung pangatlo kong kapatid, ang una niyang tinapos is Psychology.

“Tapos nung nag-second course siya, nag-Nursing po kasi siya. Ako na po ang nagpa-aral noon.

“Tapos yung sa bunso naming kapatid...kasi hindi ko na po pinagtrabaho sina Mommy at si Daddy nung okay-okay na yung intrega.”

WHAT TO EXPECT FROM SHINE XXII AD: ANTON DIVA

Ano ang aasahan sa concert ni Anton?

“Sa concert po na ‘to mas makikilala niyo po yung pagkatao ko. Kung anong klase, kung paano talaga ako nag-umpisa. Tapos yung range ng boses kasi, siyempre mapapakita rin sa araw na yun.

“Nakakakanta pa ako pero siyempre nanidyan yung mga detractors na, ‘Ay, di na niya kaya. Hindi na nga niya abot, e. Pumipiyok nga siya, e.’

Continue reading below ↓

“Tao lang po ako. Hindi naman po ako perpekto. At saka hindi naman sa lahat ng pagkakataon laging nasa kondisyon yung boses natin. Kasi kahit naman sinong singer pumapalya rin naman po talaga.

“Ang importante kasi rito, I’d like to be a living proof na if you want something, you have to discipline yourself. Kasi kung hindi po ako naging disiplanado way, way before? Baka hindi na ako nakakakanta.

“Kung hindi ko pinangalagaan yung talent na binigay sa akin, kung nag-sigarilyo ako, nag-adik ako, nag-walwal ako sa alak, hindi na ako makakanta ng ganito.

“And uh, that is me saying na sa mga bagong singers, sa mga gustong maging singer na if you want to prolong your voice, your career, lalo na boses ang puhunan mo, you should really take care of it. Kasi wala namang ibang mag-aalaga niyan, e, kundi ikaw mismo.”

Continue reading below ↓

Dinitalye naman ng direktor ng SHINE XXII AD na si Peter Serrano ang mga pagdadaanan niyang hirap in preparation for his concert.

Napre-pressure na ba siya sa gagawin niyang paghahanda for his concert?

“Sobrang pressure po kasi ang daming, at my age biro mo pagsasabay-sabayin ko, magdyi-gym ako, magbo-voice lessons ako, magpe-prepare ako sa concert, mag-aaral ako ng new songs, tapos magme-memorize ako ng script.

“Forty two years old, gagawin mo nang sabay-sabay? Parang, it’s a big task, big challenge for me but I’m willing to take the risk and accept the challenge.

“I’m accepting that challenge. Challenge accepted.”

Feeling ba niya parang nagsisimula ulit siya sa kanyang career?

“Yes,” mabilis na tugon ni Anton.

“Parang ano ulit, para kahit papano, baka mamaya himatayin ako doon, di ba? Kasi ang hina na, actually, siyempre kapag nakaka-edad ka mas naga-ano yung stamina mo, di ba?

Continue reading below ↓

“Napansin ko rin yan sa pagsusuot ng sapatos, e. Dati kaya kong magsuot ng matataas na heels, ng matagal like dalawang oras. Pero ngayon parang sa 45 minutes, yung mga four to five inch na heels parang gusto mo nang mag-paa.

“Naiintindihan ko si Ate [Regine] kapag nagko-concert. Nagtatanggal talaga siya ng sapatos. Kasi ganon pala talaga yun. Maa-ano talaga ang paa mo. Bibigay at bibigay talaga ang paa mo.

“So, I should be physically ready for this concert.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results