Teri Onor will not produce Anton Diva concert without Regine Velasquez, Vice Ganda

Teri Onor says Anton Diva’s concert is the continuation of The Songbird and The Songhorse.
by Rommel Gonzales
Jun 11, 2019
Teri Onor says Anton Diva’s concert is the continuation of The Songbird and The Songhorse of Regine Velasquez and Vice Ganda.
PHOTO/S: Rose Garcia

Customer pa lamang noon si Anton Diva sa The Library, Adriatico St., Malate, Manila nang maging ka-close ito ni Teri Onor.

Natanong kasi si Teri kung bakit si Anton at hindi si Chokoleit na kaibigan din ni Teri ang ipinag-produce ng TOES (Teri Onor Entertainment Services) ng concert.

“Noong time kasi na yun, siya [Anton] yung madalas kong kasama, e.

“Tsaka sa The Library noong 1996, nasa entrance ako, parang GRO ako, nagkakaha.

"Pag weekends, pumupunta siya sa The Library."

Estudyante pa lamang noon si Anton at madalas magpalibre kay Teri ng entrance fee sa naturang comedy bar.

“Ako naman, sasabihin ko, ‘Sige, may request ako sa iyo, na 'Never Ever Say Goodbye' ang kantahin mo.’”

Noon pa niya alam na mala-Regine Velasquez ang boses ni Anton kaya mga kanta ng Asia’s Songbird ang madalas i-request ni Teri kay Anton.

“Payat pa siya noon. So, pinapapasok ko siya nang libre, pero may request ako sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP.ph (PHilippine Entertainment Portal) si Teri noong Mayo 9 sa Salu restaurant sa mediacon ng concert na Anton Diva: SHINE XXII AD na gaganapin sa Hunyo 15, Sabado ng 8 P.M. sa Cuneta Astrodome.

REGINE VELASQUEZ AND VICE GANDA AS GUESTS

Speaking of Regine Velasquez, tinanong namin si Teri kung nahirapan ba siyang kunin si Regine bilang guest ni Anton.

“Ang bait-bait nga po, e. Noong tinawagan ko si Miss Deanne [Roque na kapatid ni Regine], 'tapos noong gabi po yun na nagmi-meeting po kami, tinawagan ko siya, sabi niya, ‘Sige, itsetsek ko.’

“Kinabukasan, noong lunch time, nag-text, ‘Okay na si Ate.’

“Sabi ko, ‘Magkano iyung damage?’ ‘Mahal po kayo ni Ate, tsaka si Anton.’

“Grabe, grabe si Ate Regine!”

Guest din sa concert ni Anton si Vice Ganda.

“Ganoon din po si Meme [Vice].

"Kasi before pa, talagang silang dalawa ang kinukuha ko. Wala pa kaming venue.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Si Meme, noong nagkausap kami sa wake ni Chokoleit, 'tapos sabi niya, ‘Walang problema.’

“'Tapos, nag-suggest pa siya, tutulungan din niya sa TV guestings [to promote the concert] sa ABS-CBN.”

Paano kung hindi naging available sina Regine at Vice ng June 15?

“Ia-adjust po,” ang mabilis na sagot ni Teri.

“Kasi, hindi ko po ito gagawin nang wala po silang dalawa.

“Kasi, Shine nga, doon po nakuha yung idea noong nag-share po ng stage si Ate Regine tsaka si Vice sa Araneta Coliseum, shinare kay Anton for two nights.”

Sa Valentine concert na The Songbird and The Songhorse, pinaakyat nina Regine at Vice si Anton from the audience para makitsika at maki-jamming sa kanila onstage.

“Sabi ko, ito iyung continuation! Now, si Anton naman ang nasa main stage, 'tapos ang guests niya ay silang dalawa.”

BATAAN BOARD MEMBER

Magtatapos na ang termino ni Teri bilang Board Member ng Bataan.

Dapat sana ay tatakbo siya bilang mayor sa eleksyon nitong nakaraang Mayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya lang po, yung lolo ko, yung asawa ng lola ko, humirit pa ulit ng isang term.

“So, magiging magka-tandem kami, ako ang vice mayor niya.

"Kaya lang, noong kinausap po ng governor namin yung makakalaban naming mayor, na to run for Board Member, kasi last term ko na, siya ang ipapalit.

“For unification, pumayag sa unification, pero ang pinili niyang position, vce mayor.

“Kaya kinausap ako ni Governor, mag-give way para walang kalaban yung lolo ko, and then magiging consultant ako ng province.

“'Tsaka sinabi ko kay Governor, ‘Sige po, papayag po ako, pero 2022, ako po yung tatakbong mayor.’”

Twelve years nang nagseserbisyo si Teri sa lalawigan ng Bataan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teri Onor says Anton Diva’s concert is the continuation of The Songbird and The Songhorse of Regine Velasquez and Vice Ganda.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results