Jed Madela includes The Voice Kids' Darren Espanto in lineup of his upcoming concert

Jed Madela is aware it will be tough competing with Daniel Padilla and Angeline Quinto in this month's Himig Handog Pinoy Pop (P-Pop) Love Songs 2014. Jed believes,"What matters here, all the 15 songs will be given the opportunity na mag-shine... sobrang ganda, sobrang walang tapon."


Si Jed Madela ang isa sa interpreters sa darating na Himig Handog Pinoy Pop (P-Pop) Love Songs 2014 na gaganapin sa September 28.

Para kay Jed, napakalaking karangalan para sa kanya na mapiling interpreter ng kantang "If You Don’t Want To Fall."

“Sobrang nakaka-proud at the same time sobrang nakaka-pressure kasi it’s going to be my first competition after… how many years?

"Nine years, kasi sabi ko after the world championship na ayoko nang sumali sa mga contests.

"Plus last year naging judge ako ng Himig Handog.

"This year the original plan is to to be a judge again pero nung in-offer sa akin yung kanta, I think everything happened.

"It came at the right time, right place, it’s almost perfect.

"Sabi ko I want to sing the song, I want to interpret the song.

"Win or lose I want to have the song."

Ang "If You Don’t’ Want To Fall" ay sinulat ni Jude Gitabondoc, isang Cebuano, "a fellow bisaya."

Ayon pa kay Jed, "What’s different about this song, what makes the song special, it's emotion put into words.

"Kung ano ang nararamdaman ng isang tao na di mahal ng minamahal niya, naisulat ni Jude in perfect words.

"Masakit, masakit ang song na ito but it’s something that everybody can relate to.

"It’s something na lahat ng tao naka-experience.

"I’m just so happy that I was given the opportunity to interpret such a song.”

COMPETITION. May mga entries din sina Daniel Padilla at Angeline Quinto na inaasahan na ng marami na mangunguna pagdating sa text votes.

Bagay na inasahan rin daw ni Jed sa dami ng tagahanga ng dalawa.

Saad niya, “Well ako naman kasi mindset na ‘yan, e, given that these people are always in the limelight.

"Si Daniel always tops the chart, text votes, Twitter trending, nandiyan lagi ang Kathniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Angeline, you can hear her voice… every voice in all teleseryes.

"Pero what matters here, all the 15 songs will be given the opportunity na mag-shine.

"Kasi sobrang ganda, sobrang walang tapon."

ON DARREN ESPANTO. Madalas na nakaka-duet ni Jed sa Kris TV si Darren Espanto, ang second place winner ng The Voice Kids at marami ang nakapansin na hindi ito nagpahuli at nagpalamon sa power ng boses ni Jed.

“Ako I’m a fan, I’m a big fan of Darren since makita ko siya na nag-blind audition to the finals night.

"Nung di siya nanalo, I just had to post something na binash ako ng todo.

"But I stick to whatever I did kasi I believe so much in the kid.

"I believe so much in his talent na until now sinusuportahan ko pa din.

"Actually magmi-meet kami after this, I invited him and his dad for dinner.

"Mag-uusap kami para sa concert, magge-guest sila sa concert ko.

“I’m willing to support anyone who has the talent and who deserves support.

"Kasi sobrang bait na bata, sobrang magalang.


“Sa totoo lang bihira akong makakita ng ka-duet na hindi ako nagpipigil.

"Siyempre there are singers na soft spoken so kailangan kong sabayan, kailangan kong ikontrol.

"But when it comes to performing with people like Lani [Misalucha], Regine [Velasquez], and now Darren, 'di ko kailangang mag-hold.

"Kasi very powerful sila.

"I’m very happy Darren came into the picture.

"Yung iba nakikipag-duet sa boy o girl, ako sa bata.

"Bigla akong naging kuya, it’s something nice.

"Happy ako na na susuportahan ko ang talentong tulad niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN