Ian Veneracion excited to perform with Regine Velasquez, Ogie Alcasid at his concert

by Rose Garcia
Jul 9, 2019
Ian Veneracion: "Feeling ko nga, baka kapag kumanta na si Regine, baka ayaw ko nang pumasok. Alam mo yun?"
PHOTO/S: Instagram

Na-shock si Ian Veneracion nang tawagan siya nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid para ipagprodyus ng concert, kung saan guests din ang mag-asawa.

“Wala lang, it makes me feel so legit, wow... kasi sila yung mga tinitingala natin sa larangan ng music,” masayang pahayag ni Ian sa presscon kamakailan sa New Order Urban Lounge Bar, Home Depot, Ortigas.

“And for them to work with me, of course, I really feel great about it.

“May pressure, pero it’s more on excitement. Not fear, but excitement.”

Gaganapin ang concert na Ian in Color ngayong Hulyo 11 at 12, Huwebes at Biyernes, sa Music Museum.

“Actually, kahit noong sinabi ko sa mga kasama ko sa band, ‘Alam niyo ba kung sino ang maggi-guest sa akin?’ Sobrang na-excite sila.

“Feeling ko nga, baka kapag kumanta na si Regine, baka ayaw ko nang pumasok. Alam mo yun?” natawang sabi ni Ian.

Continue reading below ↓

“Kasi, when I had my concert last year, I had a duet with Jaya.

"Noong time na kumakanta na siya, gusto kong bitawan ang gitara at manood. But I had to sing in the chorus.

“E, ngayon, baka mamangha ako.”

AN ACTOR PRETENDING TO BE A SINGER

Paano ba nabuo ang two-night concert niya?

Kuwento ni ian, “Nagkita kami ni Ogie, 'tapos sinabi niya, ‘I said, I’m an actor.’

“It’s like a running joke, ginagawang disclaimer that, ‘I’m an actor, pretending to be a singer.’

“At saka yun, palagi kong sinasabi sa sarili ko yun.

"Siguro, para bawas pressure and just like any other roles, ganoon din naman, kapag na-feel mo na yung character, yung responsibility, todo na rin naman, talagang gagawin mo.

“I see it as a role and I’m just surprised that someone like Ogie, they see something in me and, ako, flattered ako.”

Continue reading below ↓

Ngayon na lang pinu-pursue ni Ian ang pagiging singer.

Mula sa pagiging child actor ay pag-arte ang pinagtuunan niya ng pansin.

Nanghihinayang ba siya na ngayon lang niya pinasok ang pagkanta?

“Of course, there are times na parang ang arte-arte ko, dapat noon pa ako nag-perform.

"Pero at the same time, sa tingin ko, ito siguro ang tamang panahon.

“And yun nga, I used my voice as an instrument in something that I did lang a year ago.

“So, hindi ako comfortable, unlike sa guitar, sa piano, matagal ko nang ginagawa.

"So yun... minsan, iniisip ko, what if nag-start ako earlier?

"Pero hindi rin, kasi ngayon ko siya nae-enjoy.

“At saka baka kung noon ako nag-start, baka iba pa yung music ko, baka iba yung mga decision na gagawin ko musically.

"I think, this is just the right time.”

Continue reading below ↓

IS IAN JOINING THE BETTER WOMAN?

Napag-usapan din ang bagong teleserye na gagawin ni Ian.

Hindi pa siya makapagsabi ng detalye pero, ayon kay Ian, ngayon pa lang niya makakasama ang co-stars niya sa gagawing serye.

“Baka mag-start kami, pero secret pa,” sabi niya.

“First time kong makakasama yung mga makakasama ko sa gagawing teleserye.

"I cannot divulge pa, kasi binubuo pa ang concept."

Walang kumpirmasyon, pero bali-balitang may gagawin sa Kapuso network si Ian.

Baka raw pumasok ito sa kasalukuyang primetime series nina Derek Ramsay at Andrea Torres na The Better Woman.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ian Veneracion: "Feeling ko nga, baka kapag kumanta na si Regine, baka ayaw ko nang pumasok. Alam mo yun?"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results