Kris Lawrence is R&B Artist of the Year at the 6th PMPC Star Awards for Music; dedicates winning album to Katrina Halili

Asked if he's making effort to win back Katrina Halili, "Meron naman," Kris Lawrence says. Does he still love her? “Oo naman!”


Itinanghal si Kris Lawrence na R&B Artist of the Year sa 6th PMPC Star Awards For Music na ginanap kagabi Linggo, September 14, at ang kanyang album naman na Spread The Love under GMA Records ang R&B Album of the Year.

“I’m so happy with these awards. Nagpapasalamat ako sa PMPC,” masayang bungad ni Kris nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“It feels so good!

“I feel very proud. I feel very honored.

“Dream come true talaga.

“I wanna share my feeling with my daughter,” pagtukoy niya kay Katrence na anak nila ni Katrina Halili.

“Even though she doesn’t know what’s going on, she’s the first person I wanna see.”

What about Katrence’s mother?

Tumawa-tawa na lang si Kris at hindi na sinagot ang tanong. Sapul nang mapabalitang break na sila ni Katrina, iniiwasan niyang magsalita kapag may mga nag-uusisa tungkol dito.

Nominado rin sa kategoryang napanalunan ni Kris sina Janice Javier, Duncan Ramos, Top Suzara, at Jinky Vidal.

FOR KATRINA. May sentimental value para kay Kris ang winning album niya dahil may mga isinulat siyang songs para kay Katrina. Kabilang rito ang "Hindi Na Matatanggap," "Sabihin Mo Naman," at "Try Again."

Kaya sobrang saya raw niya na mabigyan ito ng recognition ng PMPC. Nominated din si Kris para sa Male Recording Artist of the Year pati na rin ang kanta niyang "Ikaw Pala" bilang Song of the Year.

“It is! Yes, sobra!

“It’s such an honor to be nominated kasi this is…. I worked so hard for this album."

Spread The Love ang title nga ng kanyang album, bukod kay Katrence, kanino pa niya gustong i-spread ang kanyang love?

“Kay Kat [tawag ni Kris kay Katrina] pa rin.

"Kasi a lot of those songs in the album are dedicated to her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin mahal pa rin niya si Katrina sa kabila ng kung anumang problema na pinagdadaanan nila sa ngayon?

“Oo naman!” mabilis niyang sagot.

May effort ba siyang ginagawa ngayon para magkaayos sila?

“Meron naman.”

Sa tingin niya, may chance pa na maging okey sila, na bumalik ang dating magandang pagtitinginan nila ni Katrina?

“Sana po.”

Bago siya pumunta sa Star Awards For Music, nag-text ba ng good luck sa kanya si Katrina?

“Hindi.”

Wala silang communication lately?

Umiling lang si Kris. Wala na siyang nasabing anuman.

Hindi ba niya naiisip na magkaroon ng panibagong love life o special someone na mag-i-inspire sa kanya?

“Hindi.”

Why?

“Basta!” tawa na lang niya.

Bukod sa pagiging ama kay Katrence, sa trabaho muna raw niya nais mag-focus.

“May bagong album po akong lalabas soon.

"Baka end of this month or early part of October,” nangingiting sabi pa ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN