Cesar Montano and Lilet join ASOP as composers; Rachel Alejandro, Mcoy Fundales among chosen interpreters

Rachel Alejandro interpreted the song "Tanging Gabay" composed by Arniel Villagonza.


Gaganapin ngayong September 23 sa Araneta Coliseum ang ikatlong A Song of Praise Music Festival na kilala rin bilang ASOP. Twelve finalists ang kalahok sa yearly competition na ito na handog ng UNTV ni Daniel Razon. Magiging hosts dito sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda.

Kabilang sa mga kalahok dito sina Cesar Montano at Lilet bilang composers. Sina Rachel Alejadro, Bimbo Cerrudo, Bayang Barrios, at Mcoy Fundales naman ang ilan sa interpreters dito.

Nakapanayam ng PEP.ph sina Rachel at Lilet sa ginanap na presscon nito sa SumoSam Gateway, Cubao, kahapon, September 21 at nagpahayag sila ng kagalakan sa proyektong ito ng UNTV.

“I was very happy to have been invited, kasi, talagang kailangan ng support ng OPM. I think, dapat na ma-encourage ang mga songwriters na magpatuloy sumulat and to create original work.

“Kasi, parang nagdaan at nagdaan ang golden age ng OPM, e. And I hope ay ma-revive natin ito in the years to come,” saad ni Rachel.

Sa panig naman ni Lilet, sinabi niyang isa itong uri ng pagpuri sa Diyos. “Maganda siya, kasi hindi siya basta songwriting competition. Sabi ko nga, it’s like giving back, hindi sa mga tao kundi kay Lord. Kasi, sa Kanya naman talaga galing iyong gift of music.

“So, natutuwa ako, kasi iyong ASOP, hindi nila tinipid. Kasi, dapat ay quality kapag para kay Lord. So, I’m really happy na may ganitong platform for songwriters.

“Kaya congratulations kina Kuya Daniel [Razon] at sa UNTV and I pray that the Lord bless them more. Dahil nga naisipan nilang mag-put-up ng ganito kagandang opportunities para sa mga songwriters, to give back to the maker of music.”

Ayon pa kay Rachel, sa palagay niya ay magiging inspiration sa mga tao ang mga kanta sa ASOP.

“I think so, yes. It depends naman sa iyo kung ano dating sa iyo… I’m sure there are some songs here na mas magugustuhan ng iba. Depende rin kung alin talaga iyong… which of the songs really spoke to you in a personal way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I was lucky, dahil ang na-offer sa akin na song, talagang nag-resonate sa akin.”

First time bang sumali ka sa mga ganitong competition?

“Yes, first time ko ito. I’ve actually composed a praise song in the past, sa isa sa mga album kong lumabas. I think under Viva Records yata iyon,” sagot pa ng anak ni Hajji Alejandro.

So, in the future, puwede ka rin sumali sa ASOP as a composer naman?

“It’s been a while since I’ve been writing songs, e. Pero, yeah, kumbaga ay hindi ko isasara yung possibility na iyon, if ever na ma-inspire ako ulit.

“Very ano iyan e, kailangan talaga ay mayroon kang panahon. It’s something na hindi rin puwedeng pilitin, kailangan ay mayroon ka talagang parang inspiration.

“I think, I really was moved to write that song. At that time kasi, may Tita Rio Diaz was ah…, she had cancer. Iyon talaga ang hiniling niya sa akin, she really wanted me to sing a song of praise. So nagulat siya when I ended-up writing it nga.

“And when she passed away, kinanta ko yung kantang iyon during her service. Ang title nito ay 'Heart’s Desire,' iyon din ang naging title ng album ko noon.”

LILET: FROM SINGER TO COMPOSER. Inusisa naman ng PEP si Lilet, kung paano siya naging composer mula sa pagiging singer.

“Alam mo, hindi ko talaga pinlano na magbalik-showbiz. Kasi nga, nag-aalaga lang ako ng anak ko,” nakangiting saad niya.

“Etong ASOP ay magandang opportunity, dahil kahit inactive ako, binibigyan ako ni Lord ng mga songs, ng mga worship songs na nakatago lang.

“Iyong husband ko is a full time minister, he is a pastor. Noong nag-quit kasi ako [sa showbiz], more on ano, parang iyong heart ko ay na-focus na sa worship music. And then iyong nga, bigla na lang akong nakasulat ng mga worship songs. Pero iyon na nga, nakatago lang kasi, e. Kaya magandang opportunity itong ASOP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang sabi ko, ‘Kailan kaya ito magagamit for Him?’Tapos timing naman, nag-text sila [UNTV] at kinukuha nila akong judge. Tapos sabi ko, ‘Puwede bang sumali na lang ako, huwag na lang akong mag-judge?’

“So, eto yung unang door na in-open ni Lord. Tapos ngayon ay mayroon akong teleserye sa ABS-CBN, iyong Forevermore bilang mommy ni Enrique Gil. And bilang preparation, workshops muna kami ngayon.”

Si Lilet ay kasal kay Jay Esteban at mayroon silang six years old daughter na si Elle Esteban na mahilig din daw kumanta.

Ilan na iyong nagawa mong worship songs?

“Hindi ko alam e, medyo marami-rami na rin. Siguro ay more than ten na.”

So, next year ay puwede ka ulit sumali sa ASOP?

“Hindi ko lang alam kung ano ang policy nila, kung puwede ulit. Kung puwede, siguro sasali ulit ako. Pero, ipagpe-pray ko muna,” nakangiting wika pa ni Lilet.

Hindi mo ba naisip na ikaw na rin ang kumanta ng song mo sa ASOP?

“Actually noong una, iyon ang sabi ko. Kasi nahihirapan akong mag-isip kung sino ang magiging interpreter. Kaya lang, hindi pala allowed iyon sa policy nila, na kapag composer ka, composer ka lang. Kaya you have to get an interpreter.

“Okay naman, happy ako. Kasi iyong song ko [You Are Lord of All], parang mas bagay doon sa interpreter ko. Parang kinompose (composed) iyong song, para sa kanya.”

Saan ka mas excited, as a musician or actress?

“Both, kasi itong acting ngayon, itong role ko ay medyo kakaiba siya. Hindi siya iyong personality ko talaga. Medyo mataray akong workaholic mom ni Enrique. So, kailangan talaga ng matinding acting skills. Kaya thankful ako dahil may mga workshops naman silang ibinibigay sa akin.

“Nagkataon lang din ito, nag-guest lang ako, in-invite nila ako sa The Singing Bee. Tapos nang nakita nila ako roon, pinag-try na nila ako sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nang sinabi nila na yun nga ang magiging role ko, pinag-isipan ko muna. Sabi ko, ‘Teka muna, parang, okay ba ito?’ Pero, naisip ko na acting lang naman iyon, it’s just a role,” kuwento pa ni Lilet.

Tungkol saan itong entry mong song dito sa ASOP?

“Ano ito, tungkol sa isang tao na may matinding pinagdaanan. Halos hindi siya makapag-start mag-pray dahil sa sobrang sakit ng pinagdaanan niya. And yet she came to the Lord, tapos ay sinabi niyang, ‘Broken ako, wounded ako, I lay at your feet.’

“Tapos parang along the process, na-realize niya na hindi lang Siya God, kasi usually tayo kapag God, ang feeling natin ay parang ang layo Niya e. Hindi lang Siya God, He is my Father and He cares for me at alam Niya ang lahat ng pinagdadaanan ko.

“So, parang kahit anong pagdaanan ko, kahit I’m in the midst of pain, I choose to praise You. You are the Lord of all, parang ganoon,” pahayag pa ni Lilet.

Samantala, nabanggit din ni Rachel na magkakaroon ng concert ang pamilya Alejandro.

“This coming November 15 and 29, may concert ang pamilya Alejandro. May concert kami sa Music Museum, it’s gonna be two Saturdays of November.

“Ang kasama ko rito is my father, iyong kapatid kong si Ali, iyong anak nga ni Rio Diaz. Then, iyong dalawang pinsan ko, sina Nino Alejadro at Eddie Alejandro.

“Ang title nito is In The Blood, parang Alejandro In The Blood. So, it’s gonna be a really fun show.

“Of course, nandiyan ang mga original songs namin, iyong mga kinalakihang songs namin, kaya magiging masayang-masaya iyan.”

Mayroon din daw siyang gagawing indie film na musical na parang Les Miserables ang tipo.

“I’m working closely with Maestro Ryan right now. Kasi, we’re shooting the movie Ang Larawan. Music by Ryan Cayabyan iyan, of course, based on Portrait of the Artist as a Filipino by Nick Joaquin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Next year isu-shoot ang movie na iyan. Pero sa ngayon, puro rehearsals kami with Ryan. It’s an independent film.

“Ako iyong isa sa dalawang lead, iyong dalawang magkapatid na Paula at Candida Marasigan. Si Joanna Ampil, you know, the theater star from the West End, she’s playing the other lead,” saad ni Rachel.

Dagdag pa niya, “Ang makakasama namin dito ay sina Sam Concepcion, Celeste Legaspi… Hopefully ay ma-confirm namin si Tom Rodriguez. I think it’s something, It’s really-really something na pinaghahahandaan naming lahat.

“Parang Les Miserables, kumbaga…Musical ito at kakaibang indie film ito.”

Inusisa rin ng PEP si Rachel kung mas special ba ang event tulad ng ASOP kapag Araneta ang venue?

“Oo naman, kapag ganoon kalaki ang stage ay talagang ano e… Nasubukan ko na ring kumanta sa MOA Arena, same thing. Parang feeling mo talaga ay, ‘Wow!” Alam mo iyon? Iba ‘yung kaba mo kapag doon ka nagpe-perform, e. Kaya dapat abagang itong ASOP.”

Narito ang kumpletong listahan ng mga composers at interpreters sa ASOP:

Ralph Lauren Refil (Ikaw Ang Tangi Kong Minamahal-Gail Blanco), Meldin Nabia (Biyaya-Bayang Barrios), Arniel Villagonza (Tanging Gabay-Rachel Alejandro), Oliver Narag (Kislap-Jessa Mae Gabon), Ricardo Sanchez (God Will Win Our Fight-Jek Manuel and Jason Fernandez), Louise Lyle Robles (May Awa Ang Diyos-Beverly Caimen), Ma. Luz Lilet Esteban (You Are Lord of All-Ava Olivia Santos), Jesse Bayodoc (Panginoon Kay Buti Mo-Walton Zerrudo), Jinnie Adilan (Hangga’t May Tinig Ako-Daryl Ong), Empol Balbin (Awit ng Puso Ko-Bo Cerrudo) Cesar Montano (Pagpupuring Walang Hanggan-Mcoy Fundales), at Marlon Nabia (Sa Bawat Araw-Shanne Velasco).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN