Raymond Lauchengco returns to his first love--singing

by Ruel J. Mendoza
Dec 29, 2007
Raymond Lauchengco has much to be thankful for this past year: a new album, a newborn baby, and his return to Viva Artists Agency. "We have a new home, a new baby and a new career to look forward to in 2008," says the former Bagets star.


Maraming dapat na ipasalamat si Raymond Launchengco sa taong 2007. Sabi nga ni Raymond na parang na-revive ang kanyang career bilang isang performer, maging ang kanyang pagiging recording artist.

Recently, nai-launch ang kanyang album na ang tema ay mga songs of the '80s, titled Full Circle. Ang carrier single nito ay "Just Got Lucky."

Nagkaroon pa siya ng isang malaking show sa Teatrino na naging very successful. Ngayon ay kakapirma lang niya ng exclusive management contract sa Viva Artists Agency.

"I feel so lucky coming home to Viva after so many years," ngiti ni Raymond. "Everyone na nasubaybayan ang career ko knows that I started my career sa showbiz with Viva Films [via Bagets, Bagets 2, Saan Darating Ang Umaga?, Cross My Heart, Hot Shots, Bukas Luluhod Ang Mga Tala]. Matagal din kasi akong nawala sa circulation because marami akong gustong gawin. Now, I'm coming back to my first love which is singing."

Continue reading below ↓

Nasubukan na nga raw ni Raymond na pasukin ang kung anu-anong negosyo. Pinakahuli ay ang pag-organize ng mga events at pagkaroon ng isang photography studio. Ngayon, sa muli niyang pagbalik sa Viva, ang pagiging singer ang kanyang priority.

"May ibang mga media na matagal ko nang kaibigan [who] thought na mag-aartista ulit ako because I'm with Viva ulit. I said it's for recording and live shows. Pero okey lang naman na mag-artista ulit ako pero hindi ‘yun ang pinaka-main goal ko, which is why I signed up with Viva. Okey lang siguro ang occasional guestings pero hindi masyado roon.

"I had my share of good memories when I was acting both for TV and the movies. Ang hindi ko lang ma-take even before was the long wait on the set. Para kasing waste of time for me. E, gano'n pa rin naman daw ang sistema kaya siguro hindi muna ako papasok sa acting. More on singing talaga ako ulit."

Continue reading below ↓

Isa pang ikinatutuwa ni Raymond sa taong ito ay ang pagdating ng baby nila ng kanyang misis na si Mia Rocha-Lauchengco. Isang baby girl nga ang sinilang nito last October lamang at pinangalanan nilang Natalie.

"We are both hands-on sa baby. But mostly si Mia ang nag-aalaga because she's crazy about Natalie. Kahit na nga may yaya ‘yung baby, she still wants to take care of things. Minsan naman, ako ang nag-aalaga kapag wala akong trabahong ginagawa.

"Perfect timing kasi may baby na kami for Christmas. Tapos kakalipat lang namin sa pina-renovate kong bahay, kaya tamang-tama lahat for Christmas. We have a new home, a new baby and a new career to look forward to in 2008," pagtatapos ni Raymond.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raymond Lauchengco has much to be thankful for this past year: a new album, a newborn baby, and his return to Viva Artists Agency. "We have a new home, a new baby and a new career to look forward to in 2008," says the former Bagets star.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results