How did Janella Salvador record her first break-up song?

by Rose Garcia
Aug 19, 2019
Janella Salvador: "Feeling ko kasi, itong kantang kinanta ko this time, it’s very different from all the other songs that I sang before."
PHOTO/S: Noel Orsal

Hindi agad nabosesan na si Janella Salvador ang kumanta ng "Nu’ng Tayo Pa," entry nina Rex Torremoro at Elmar Jann Bolano sa Himig Handog 2019.

“Dati kasi, pabebe pa ang boses ko!” natawang sabi ni Janella sa media launch ng songwriting competition noong Agosto 15, Huwebes, sa ABS-CBN Compound.

“Feeling ko kasi, itong kantang kinanta ko this time, it’s very different from all the other songs that I sang before.

“First break-up song ko siya.

“At saka, medyo ballad kasi siya. Power ballad siya. Heartfelt.”

Noong isang taon ay naging kontrobersiyal si Janella dahil sa breakup nila ng ex-boyfriend at dating ka-love team na si Elmo Magalona.

Kahit break-up song ang kinanta niya para sa Himig Handog 2019, sa totoong buhay ay masaya siya lalo pa’t nali-link siya kay Markus Paterson.

“Masaya naman ako habang kinakanta ko siya!” natawang sabi ng bida sa teleseryeng The Killer Bride.

“Pero sabi ko, kailangang maramdaman ko yung pain habang kinakanta ko siya.

Continue reading below ↓

"So, ang ginawa ko na lang, ninamnam ko yung kanta habang nire-record ko siya.

“Hindi ko naman na-realize na iba ang boses ko.”

Suki si Janella sa Himig Handog.

Ang unang in-interpret niya rito ay ang "Mahal Kita Pero" (2014), na nagwaging 3rd best song.

Pahayag ni Janella, “Of course, I feel super blessed. Na kapag nakakarinig sila ng kanta, naiisip nila ako na bagay sa kanya.

“Ibig sabihin, they believe na kaya kong i-interpret iyung kanta, and totoo yung sinabi nila na pressure para sa amin.

“Kasi, sa totoo lang, hindi naman namin competition ‘to. Competition talaga nilang songwriters...

“Yung pressure sa amin, mai-interpret ko ba to the full extent yung kanta? Nagawa ko ba iyung best ko para magustuhan ng nagsulat at mga tao?

“Para marinig talaga nila yung kanta kung ano ang dapat marinig.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador: "Feeling ko kasi, itong kantang kinanta ko this time, it’s very different from all the other songs that I sang before."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results