Ai-Ai delas Alas wishes to have just one hit song: “Hanggang ngayon wala pa akong sumisikat na kanta.”

by Arniel C. Serato
Sep 5, 2019
Ai-Ai delas Alas: "Kasi talaga, hanggang ngayon wala pa akong sumisikat na kanta. Wala talaga. Wala talaga, kahit anong gawin ko, kinolab ko na nga ang Ex B, walang nangyari.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Sa estado ng kanyang karera at buhay may asawa sa ngayon, wala na daw dapat pang patunayan ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa publiko.

Sa edad na 54, nakagawa na ng blockbuster movies, hit TV shows, at nakapuno na ng malalaking concert venues si Ai-Ai.

Pero, may isang bagay daw siyang hanggang ngayon ay hindi pa nakakamit.

Kuwento ng GMA-7 actress-TV host, “Siguro, sa ibang aspeto ng career ko wala na akong dapat patunayan.

“Isa na lang ang dapat ko patunayan: sumikat ang album ko sa Spotify o kahit saan man.”

Dugtong pa niya kasabay ng malutong na halakhak, “Kasi talaga, hanggang ngayon wala pa akong sumisikat na kanta.

“Wala talaga.

“Wala talaga, kahit anong gawin ko, kinolab ko na nga ang Ex B, walang nangyari.”

Ang Ex B ay ang Ex Battalion, grupo ng mga lalaking singers na kanyang mina-manage noon.

Continue reading below ↓

Nagkaroon sila ng isang song collaboration—ang "Walang Pinipili."

Dagdag pa niya, “Dyusko, ano ba yan.

“Dati cassette, CD, naging DVD, pucha wala pa rin.

“Spotify, lahat na.

“Ano pa ang susunod sa Spotify? Baka dun sisikat ang kanta.

“Wala talaga.”

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment editors si Ai-Ai sa taping break ng The Clash Season 2 kagabi, September 3, sa Studio 7 ng GMA Network Studio Annex, Quezon City.

MOST BASHED JUDGE

Aminado si Ai-Ai na siya ang pinakana-bash na judge ng The Clash Season 1.

Nakangiting sabi niya, “A, siyempre, parati namang ako, e.

“Sa lahat naman ng bagay ako di ba: pagdya-judge, buhay ko, love life ko, hello.”

Hindi niya pinatulan ang mga bashers noon.

Rason niya, “Wala. Sinasabi ko lang na, ‘Sorry, ako judge, e, hindi naman kayo judge.’

“Wala, naman silang choice, papanoorin din naman nila, di ba?”

Continue reading below ↓

Ang ilan sa mga ito ay nagsasabing hindi naman talaga siya singer, kaya bakit daw napabilang siya sa mga hurado ng The Clash.

Kahit hindi singer si Ai-Ai, dinarayo ng mga tao ang kanyang concerts noon sa malalaking venue tulad ng Folk Arts Theater at Araneta Coliseum.

Tugon ni Ai-Ai, “Siguro, kasi yung mga millennials hindi naman nila alam yun.

“E, nakakahiya naman kung sasabihin ko yun, ito yung kumbaga sa resume, ito yung mga nagawa ko.

“Alam mo ito na lang, dun po sa hindi nakakaalam, basahin niyo po sa Wikipedia, ano na yung mga nagawa ko sa bansa natin?

“Ano na po yung mga napuno kong venue?

“Baka sabihin, ‘Ul*l. Anong paki sa ’yo.’"

Unfair naman daw ito sa kanya.

Saad niya, “Oo, dapat nagri-research din kung sino ba kami, hindi lang ako, kung sino ba kami.”

Continue reading below ↓

Bukod kay Ai-Ai, kasama rin niya bilang hurado sa The Clash Season 2 ang Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Bagong hosts ng show sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, kasama ang mga journey hosts na sina Rita Daniela at Ken Chan.

Continue reading below ↓

Sa September 21 na ito mapapanood sa GMA Weekend Primetime.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas: "Kasi talaga, hanggang ngayon wala pa akong sumisikat na kanta. Wala talaga. Wala talaga, kahit anong gawin ko, kinolab ko na nga ang Ex B, walang nangyari.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results