Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

John Prats, Isabel Oli, Camille Prats, Angelica Panganiban, and Sam Milby present HUEniverse

by Jerry Olea
Sep 7, 2019
From left: Isabel Oli, Camille Prats, Sam Milby, Angelica Panganiban, and John Prats join together to produce HUEniverse Music Festival. John will be heading the event as director and has a warning for attendees and artists who will be caught doing drugs during the event.
PHOTO/S: Noel Orsal

Bawal ang droga sa HUEniverse musicfest na gaganapin sa Setyembre 28, Linggo, 1:00 PM hanggang 3:00 AM kinabukasan sa Filinvest City Events Grounds sa Alabang, Muntinlupa.


Mahigpit ang security. Ayon pa kay John Prats na direktor ng musicfest, ipa-flash niya sa LED screens ang mga mahuhuling magdroga.


Babantayan din siyempre sa droga ang artists na magpe-perform.


“Dapat din! Nakakahiya naman siguro kung pino-promote natin, e... ‘tapos, sila pa ang mangunguna?!” matatas na pahayag ni Direk John nang mainterbyu namin nitong Setyembre 5, Huwebes nang hapon sa Novotel Hotel, QC.


“The whole objective of HUEniverse is sana, magkaisa na naman tayo. Kahit paano, kahit sa party lang, mag-e-enjoy na nga lang tayo!


“The whole objective of the HUEniverse is to have clean, good fun. Kaya sana, ma-achieve natin... pwede naman!


“Puwede namang mag-enjoy ng ano... ako nga, hindi ko alam, kahit hindi ako umiinom, hindi ko alam, bakit ako nag-e-enjoy.”


Pangungunahan ang HUEniverse musicfest ng premyadong international DJ na si Borgeous, na sumikat sa hit single na ginawa niya with Canadian EDM artists DVBBS, ang “Tsunami.”

Continue reading below ↓


Tampok din dito ang nagpasikat ng kantang “Dalaga” na Allmo$t, ang bandang Spongecola, Autotelic, The Ransom Collective, Agsunta, Bita and the Botflies, Mark Oblea, Claudia Barretto, Ron Poe, Jennifer Lee, Katsy Lee, Tom Taus, Written by the Stars, at Chiquerella.


Sa Setyembre 14, Sabado, ihahayag ang isa pang kasali sa HUEniverse.


Ang halaga ng tiket ay P399 (Gold Lite), P999 (Gold), at P2,999 (Platinum).


12:00 NN mag-o-open ang gate.


Bawal magdala ng tubig, inumin, at pagkain. Maraming mabibili sa loob ng venue, na reasonable ang presyo. Sandamukal din ang merch at mga portalet.


“Since bawal magdala ng tubig, sinabi namin sa tenants doon, sa mga magtitinda doon, na huwag nating abusuhin,” saad ni Direk John.


“Huwag nating abusuhin na hindi sila makakalabas, na wala silang choice. Ahm, I think nag-create sila ng ruling na for example, ang alam ko, nababalitaan ko sa mga festival, mahal ang tubig, kasi, ganyan.


“No! We will put a limit na ito lang ang presyo ng tubig. Uniform lahat. May ceiling price.”

Continue reading below ↓


THE BRIGHT BULB'S BIGGEST PRODUCTION


Co-producers ni John sa HUEniverse ang kapatid na si Camille Prats, asawang si Isabel Oli, at malalapit na kaibigang sina Angelica Panganiban, at Sam Milby.


Binuo nila ang Bright Bulb Productions dalawang taon na ang nakaraan, at itong HUEniverse music fest ang kanilang biggest production.


Lahad pa ni John, “Isang main stage lang kami, pero we created mga two-band set-up, para ma-maintain namin at ma-achieve namin yung seamless na transition,”

Continue reading below ↓


“Walang magsasabay na performance. Kunwari, may banda kami. Then, may DJ. One stage lang, pero doon, maraming mangyayari.


“Nagre-range ang performance ng isang band ng 45 minutes to one hour. May highlight ang bawat band.”


Paano pag umulan?


“Tuloy ang party!” mabilis na tugon ni John. “Ang sinecure lang namin is iyong technical aspects, saka iyong main stage.”


Inaasam nila na 10,000 hanggang 12,000 ang dadalo sa HUEniverse musicfest.


“Kasi, standing naman siya. You can go anywhere,” pakli ni Direk John.


“Pero kinakabahan nga kami, kasi, noong inilabas namin iyong P399, for sure, they will go. The more, di ba, the happier!”

Continue reading below ↓


With Sun Cellular as presenter, at maraming sponsors sa HUEniverse musicfest, nakasisiguro ba sila na makaka-break even?


Napangiti si John, “We’re just so happy with the response of our sponsors. Kaya nga kami nag-extend ng ano, ahm...


“Actually, more than the business side, siyempre, sabihin niyo nang ano, siyempre gusto naman nating kumita. Lahat naman ng negosyante.


“But the main objective of HUEniverse for this year, for the first year, is to introduce the HUEniverse.”


Natawa si John nang uriratin kung magkano ang production budget ng musicfest.


“Mahal! Ha-ha-ha-ha! Basta, mahal po talaga!” umiiling-iling na sambit ni Direk John habang tumatawa.


“Sabi ko nga, we’re willing to take the risk. Ang gusto naman namin is a long-term process.


“We want to build this relationship... naming producers ng HUEniverse, with our crowd. Na gusto namin, every year, kasama na namin sila.


“Gusto naming mag-enjoy sila!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
From left: Isabel Oli, Camille Prats, Sam Milby, Angelica Panganiban, and John Prats join together to produce HUEniverse Music Festival. John will be heading the event as director and has a warning for attendees and artists who will be caught doing drugs during the event.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results