Is a Maine Mendoza-Daniel Padilla movie in the works?

by Allan Sancon
Oct 1, 2019
A producer is interested to do a movie starring Maine Mendoza and Danilla Padilla.
PHOTO/S: @mainedcm / @ton_lao on Instagram

Maine Mendoza at Daniel Padilla, posible kayang magkasama sa isang pelikula?

Ito sana ang gustong gawin ng producer na si Joed Serrano. Nakilala si Joed bilang teen star noong '90s pero ngayon ay isa na siyang concert producer na nagdadala ng mga international artists dito sa bansa. Matatandaan na siya ang nagdala kay Celine Dion upang gawin niya ang kanyang July 2018 concert sa Pilipinas.

Nakapanayam ng ilang members of the press si Joed noong September 28 sa MESA Restaurant, Tomas Morato, upang pag-usapan ang mga binabalak niyang concerts para sa international artists.

Una na rito ang October 3 concert ni Gloria Gaynor, ang international singer na kumanta ng disco hits na “I Will Survive” at “I Am What I Am.”

Magaganap concert titled An Evening With Gloria Gaynor sa Okada Grand Ballroom.

Nakatakdang dumating ngayong October 2, 2019, si Gloria Gaynor dito sa Pilipinas para sa kanyang dinner-concert.

Sa unang pagkakataon ay bibisita ang 73-year-old singer sa Manila. Matatandaang naka-schedule dapat na mag-concert si Gloria Gaynor sa Pilipinas noong 1993 ngunit hindi ito natuloy sa hindi alam na dahilan.

Pero sa pagkakataon na ito ay tuloy na tuloy na ang concert ng “I Will Survive" singer para paindakin ang kanyang mga Pinoy fans.

Hindi lang mga concerts ng international artists ang balak i-produce ni Joed. Maging ang mga OPM artists ay ginagawan niya ng concert.

Si Joed ang nag-produce ng unang successful concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum at ang kauna-unahang concert ni Alex Gonzaga.

Ngayon ay balak niya i-produce ng concert si Piolo Pascual depende sa availability ng ABS-CBN actor.

Naniniwala din si Joed sa talento ng The Voice Philippines 2013 grand finalist na si Klarisse de Guzman kaya balak niya itong bigyan ng break sa pamamagitan ng pag-produce ng concert para sa singer.

Bukod sa pagiging concert producer ay balak din daw mag-produce ng pelikula ni Joed Serrano.

Kung bibigyan siya ng pagkakataon ay balak niyang pagsamahin sa isang pelikula sina Daniel Padilla at Maine Mendoza.

“Gusto kong pagsamahin sina Maine Mendoza at Daniel Padilla, dahil sa success ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye!

"Why not Daniel Padilla naman at Maine Mendoza naman. Sana, if given a chance,” pahayag ng actor-turned-producer na si Joed Serrano.

Sold-out na ang tickets para sa dinner-concert si Gloria Gaynor sa Okada Grand Ballroom pero available pa daw ang non-dinner tickets para sa mga gustong mapanood ang American singer.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A producer is interested to do a movie starring Maine Mendoza and Danilla Padilla.
PHOTO/S: @mainedcm / @ton_lao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results