Ai-Ai delas Alas, Lani Misalucha, Christian Bautista to headline All 4 You: The Clash Concert in Los Angeles

by Arniel C. Serato
Oct 7, 2019
The Clash judges Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, and Lani Misalucha together with The Clash Season 1 grand champion Golden Cañedo promise to showcase powerful performances in their upcoming All 4 You: The Clash Concert in Los Angeles, California, on October 19, 2019.
PHOTO/S: Arniel Serato

Masaya ang The Clash judges na sina Ai-Ai delas Alas, Lani Misalucha, at Christian Bautista dahil sa unang pagkakataon ay magpi-perform silang tatlo sa Pinoy community sa Los Angeles, California.

Bukod sa kanila, kasama din nila sa All 4 You: The Clash Concert ang The Clash Season 1 grand champion na si Golden Cañedo.

Gaganapin ito sa Arcadia Performing Arts Center, Los Angeles, California, sa darating na October 19.

Kuwento ni Ai-Ai tungkol sa concert, “Siyempre yung mga pasabog namin, kasi first time namin na magkakasama ang mga judges sa isang concert.

Continue reading below ↓

“And first time din namin makakasama si Golden, so it’s a brand new thing.”

Dagdag pa ni Lani, “Well, asahan nila na masaya itong show na ito.

"Unang-una, yan kasama namin si Ai-Ai. Kapag kasama si Ai-Ai, laging magaan lang yung show na ano lang puro fun.

Continue reading below ↓

“But, of course, meron kaming mga serious na singing, ito nga kasama namin ang last year na winner, babakulawin kayo ng batang ito.

“And pagdating naman sa seryosohan na kantahan diyan papasok ang ating Oppa na medyo nag-iiba ang image ngayon.

“So, ang aming show ay kumbaga ay halu-halo ito, para sa ating mga kababayan na taga-California.”

Kuwento naman ni Christian, “Yes, I’m excited again to perform again with Golden, nag-perform na kami sa New York last year.

“And, of course, with our production numbers with fellow judges, and gusto rin namin na ipakita ang pasasalamat namin sa audience na pupunta because of their support for The Clash Season 1 and now Season 2.

Continue reading below ↓

“And ang pinaka-proud na rin na moment, to re-introduce our champion na si Golden to our fellow Kapuso.

“And what this show can really churn out kung anong artists or singers ang lalabas din sa Season 2.”

Excited din si Golden dahil ito na ang pangalawa niyang concert abroad matapos siyang hiranging The Clash Season 1 grand champion.

Continue reading below ↓

Ang All 4 You: The Clash Concert ay joint project ng GMA Pinoy TV, GMA Entertainment Group, GMA Sales and Marketing Group, GMA Regional TV, sa pakikipagtulungan ng Starmedia Entertainment.

Mabibili ang mga tickets sa www.starmediaentertainment.com o sa www.purplepass.com, at sa All Island Pacific Supermarket.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Clash judges Christian Bautista, Ai-Ai delas Alas, and Lani Misalucha together with The Clash Season 1 grand champion Golden Cañedo promise to showcase powerful performances in their upcoming All 4 You: The Clash Concert in Los Angeles, California, on October 19, 2019.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results