Mark Escueta grateful to Dingdong Dantes and Marian Rivera for being part of Rivermaya's music video

Mark Escueta (left) doesn't mind if wife Jolina Magdangal (right) is paired anew with Marvin Agustin.


Nagkaroon ng show ang Rivermaya kamakailan sa Trinoma Activity Center bilang bahagi na rin ng kanilang pagdiriwang ng ika-20th anniversary. Kasabay ng kanilang show ang launching ng kanilang collaboration sa Team Manila na 20th anniversary shirts ng Rivermaya at ang launching ng kanilang bagong music video at bagong single na “Tayo Lang Dalawa” kunsaan mapapanood sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nag-iisang orihinal na miyembro ng Rivermaya na si Mark Escueta ilang oras bago ang show nila. Tinanong namin sa kanya kung bakit hindi nila naisipang magkaroon ng isang malaking concert dahil two decades na sa industry ang kanilang rock band na Rivermaya.

Ayon kay Mark, “Actually, yung album, yun na ang pinaka-foundation ng anniversary namin. Kasi, yun ang thanksgiving album namin. Kaya siya Panatang Makabanda kasi, panata namin sa mga sumuporta sa amin since 1994 na hangga’t nandiyan sila, hangga’t kaya naming tumugtog, magsulat ng kanta, kahit na mag-iba-iba kami ng miyembro, itutuloy namin ang ginagawa namin kasi, talagang nae-enjoy namin ang ginagawa namin.

“Five years na rin ang huling album na ginawa namin.”

Sabi nga namin kay Mark, napakatatag niya bilang nag-iisang orihinal na miyembro ng Rivermaya. Pero, kino-konsider niyang ang gitarista nilang si Mike Elgar ay matagal na rin sa banda bilang 13 taon na raw itong miyembro.

“Si Bamboo nga, less than four years lang sa amin,” saad niya.

Bukod kay Mike, ang dalawa pang miyembro ng Rivermaya ngayon ay sina Ryan Peralta at Norby David.

Noong isang taon pa ni-release ng Universal Records ang album nilang Panatang Makabanda.

Kumusta naman ang sales nito?

“Okay naman, ika-third single na namin itong 'Tayo Lang Dalawa.' Natuwa naman kami. Ang daming fans na bago na hindi na rin halos naabutan si Bamboo, e. Yung iba, hindi na rin inabutan si Rico [Blanco]. Pero, nagusutuhan nila ang mga bago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron din namang mga fans mula pa noong panahon ni Bamboo, pero, gusto pa rin nila ang album. Kasi daw, nandoon pa rin ang tunog ng Rivermaya. Very special sa amin ang album dahil kahit na on one side of the industry, parang hirap tayo dahil sa piracy, sa social media, ang dami ng downloading, kahit na ganoon, puwede mong sabihin na financially, nag-iba talaga.

“Ang dami ng recording company na nagsara, record bar, recording studios, nagsara na rin. Pero yung support naman ng fans, ibang level naman ngayon. Kung iko-compare mo sa 90’s kasi, ngayon lang, after ng gig, pag-uwi mo galing sa gig, makakatanggap ka ng pa-thank you, ang sarap ng gig niyo. Malalaman mo agad.

“Dati walang ganun. Kaya sinasabi ko, siguro ang sales down compared before. Kasi, before ang platinum, 40,000 pero ngayon, 15,000 na lang. Ang gold from 20,000 to 7,500 na lang. Ang laki ng difference pero, kahit na ganoon, ang support, nararamdaman pa rin kasi, instant, e.

“May Instagram, Twitter…”

INSPIRATION BEHIND MUSIC VIDEO. Sina Dingdong at Marian ang napili nilang gumanap sa kanilang music video na “Tayo Lang Dalawa.” Natatandaan pa namin na nag-shooting ang dalawa ilang araw halos nilang umamin na engaged na sila at magpapakasal.

Dahil din ba roon kaya ang dalawa ang napili nilang gumanap sa music video?

“Natuwa rin si Dong actually. Noong una ko siyang ini-approach, tinanong ko siya na baka lang trip niyang mag-direk ulit ng video. Kasi, di ba, nagdi-direk naman siya. Pero sabi niya, baka hindi kaya ng schedule niya, so, okay lang siya to work with any director.

“Tapos sabi ko, puwede rin siyang mag-suggest ng director. Anyway, nag-e-end-up kami after four to five directors na hindi nag-work-out, nag-end-up kami kay Direk Enzo Marcos. So, ang tagal ng delay.

“Tapos, eventually, nag-propose na si Dong sa show ni Marian and then, pumasok yung schedule. Yun na yung, yung kanta kasi, parang tungkol sa magkaibigan o magkasintahan na yung umpisa ng kanta, L.Q. [love quarrel], parang L.Q. So, sa umpisa, parang L.Q. din sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong ginagawa namin ang video, parang eksena yun ng mga famous foreign films na couple like Pulp Fiction, Say Anything, Superman, Pretty Woman. Kasi, ‘di ba, parang sila ang super couple sa showbiz. So, parang ganoon ang konsepto.”

Dugtong pa ni Mark, “Parang nagmukhang pre-nup pictures nila. After, natuwa rin si Dong, natuwa rin si Yan.”

Kung si Mark daw ang kumausap kay Dingdong, ang huli naman na ang kumausap kay Marian na gawin nila ang music video.

Pero ayon kay Mark, “Excited din naman si Marian, game rin siya.

“Ang saya naman ng shooting. Less than one day lang ang shoot. Thankful din kami sa kanila kasi, on that day, meron din silang inaayos sa church for their wedding. Umalis sila before lunch and then, bumalik sila after lunch.

“So, talagang siningit lang nila kami sa schedule nila dahil sobrang busy nila pareho.”

Sa kasal nina Dingdong at Marian ay posibleng mag-perform din daw sila sa reception ng mga ito.

Ano ang sikreto sa likod ng pagiging matatag nila sa loob ng dalawang dekada?

Ayon naman kay Mark, “Well, ako kasi, unang-una, tingin ko, mukhang malakas kami kay Lord. Kasi, every time na may mangyayaring pagsubok sa akin at magpi-pray ako, sinasabi ko na basta Lord, ikaw na bahala.

“Tapos, may mangyayaring maganda. May bagong miyembro kaagad.

“Merong mga kanta at itong album namin ngayon, 11th studio album na namin ngayon. So, through the years, ang daming—BMG, VIVA, Warner, pang-apat na recording studio na namin ngayon ang Universal. Wala na nga ang BMG Records.

“Tapos, 11 albums, siguro from the start pa lang, kahit na noong panahon pa namin nila Bamboo, gusto lang naming kumanta at tumugtog ng live, magpasaya ng mga tao. Blessing na lang siguro na through the years, never natigil ang capability na gawin yun.”

Hindi siya nagsasawa, napapagod?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napapagod pero hindi nagsasawa. Kasi, lahat naman ng profession may stress, may pagod, may ups and down, pero, hindi ko pa rin siya ipagpapalit kasi, kahit na na noong umpisa, hindi ko naman akalain na aabot kami ng 20 years, I guess, yun siguro ang plano ni Lord sa amin o sa akin na mula noon hanggang ngayon, ito pa rin ang ginagawa ko.”

ON FAMILY LIFE. Sa show nila, dumating ang mag-ina niya na sina Jolina Magdangal at ang eight-month-old baby nila na si Pele.

Kumusta ang buhay pamilya?

“Okay, masaya… si Jolina, proud ako kasi, 100% breastfed si Pele hanggang ngayon. Wala pa siyang formula. Kumakain na siya ng solid foods. Kakapa-check-up lang kanina and sabi ng doctor, puwede na siyang mag-kanin, boiled na chicken.

“Ang bilis,” nakangiti sabi ng musician.

Plano raw nila na sa unang kaarawan ni Pele sa February na rin ang magiging binyag ng anak nila.

Magta-tatlong taon na silang kasal ni Jolina this November.

Masaya lang ba ang tatlong taon na yun?

“Definitely kami, masaya. Pero, masaya in spite of may mga pinagdadaanan din kami on the side. Pero, yun nga yun, e. Ako, yun ang secret. Kailangan yung communication niyo, hindi naapektuhan. At saka, napapansin mo na meron siyang iniisip o dinadamdam, hindi mo pa i-a-address.

“So ako, thankful ako na kahit na may mga dumarating na pagsubok, situation na kailangan naming pagdaanan, napag-uusapan namin ng maayos. At saka, walang pagbabago from the time na naging kami.

“In fact, mas lalo lang nagiging strong ang bonding namin.”


BEING A FAN OF JOLINA-MARVIN TANDEM. Lumabas ngayon ang balita na babalik sa ABS-CBN si Jolina. May balita rin na diumano’y ipapareha itong muli sa dating ka-loveteam na si Marvin Agustin.

Kung sakali na matuloy, wala bang magiging problema kay Mark na magiging kapareha muli ni Jolina si Marvin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala naman,” sabi ng asawa ni Jolina.

“Fan naman ako ng Marvin-Jolina, alam naman ni Marvin yun. Kasi, nag-ano na rin naman sila before sa GMA, yung Adik Sa ‘Yo. I’m sure, matutuwa ang mga fans nila and ako, basta 100% support ko kay Jolina.

“Ano naman siya, mas alam niya ang trabaho niya kesa sa akin. May tiwala ako sa kanya na lahat ng desisyon niya ay pinag-isipan niyang mabuti. Silang dalawa ni Perry Lansigan, ang manager niya,” ani Mark Escueta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN