Comedian Betong Sumaya to headline solo concert in November

by Arniel C. Serato
Oct 31, 2019
Kapuso comedian Betong Sumaya reveals he started his career in comedy bars and by joining amateur singing contests at age 4. Now he is set to perform on his upcoming solo concert titled Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha? It will be held on November 21, 2019 at the Music Museum with guests Dingdong Dantes, Michael V, and Alden Richards, to name a few.
PHOTO/S: Arniel Serato

Napuno nang tawanan ang pocket interview ng GMA-7 comedian na si Betong Sumaya noong October 22, Martes, sa Tiyo Craft Kitchen & Bar, Sct. Rallos St., Quezon City.

Bigla kasing natanong ng press si Betong kung bakla ba ito.

Natawa ito saka sumagot ng, “Hindi naman po.

“May problema ho ba kayo sa bakla?”

Lalaki daw siya talaga, yun nga lang identified siya sa karakter niyang si Antonietta sa Kapuso comedy show na Bubble Gang.

Pero, may lovelife nga ba siya?

Nakangiting sagot ni Betong, “Medyo gusto ko sila, e, ayaw nila sa akin.

“Hindi po, wala, e. Single po ako.

"Medyo hindi po ako successful sa lovelife.

“Siguro po choosy talaga yung iba.”

Tungkol naman sa sex life, biro niya, “Oo, kung wala pa, kaawa-awa naman ako.

“Alam ko po tao po yun.”

Pabirong tanong ng ilang piling press na naimbitahan sa pocket interview kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung tao ba ang kanyang naka-sex.

Continue reading below ↓

Hagalpak na tawa ni Betong bago sumagot ng, “Di ako sure, pero ang huli po nangagat, e.”

Samantala, may maganda namang balita si Betong sa kanyang mga tagahanga.

Magkakaroon kasi siya ng solo concert sa darating na November 21 sa Music Museum na pinamagatang Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha?

Continue reading below ↓

POWERSHOUSE GUESTS

Sa mga hindi nakakaalam, sa mga amateur singing contests at comedy bars nagsimula si Betong.

Kuwento niya, “Actually sumali ako sa [mga singing contests] sa mga bara-barangay, mga fiesta.

“Four years old pa lang sumasali na ako, dumadayo pa ako.

“Nag-Library [comedy bar] ako, 2 months.

"Tapos merong bar, ang pangalan po nung bar ay Tobar Uno, maliit lang po siya, sa may West Avenue.

Continue reading below ↓

“Dun medyo tumagal-tagal, dun ko na-meet sina Tekla, Boobsie [Wonderland].”

Matapos nito ay pumasok siya bilang behind-the-camera talent ng ilang palabas ng GMA.

Magiging guests ni Betong sa kanyang concert sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Lovi Poe, Alden Richards, at Dingdong Dantes.

Bukod sa kanila, kumpirmado na ring magpi-perform sa concert niya ay sina Michael V, Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Lovely ‘Ga’ Abella, Anthony Rosaldo, Miguel Tanfelix, Arthur Solinap, Maricris Garcia, Aicelle Santos, Patricia Javier, at Mae Bautista.

Ipinagdasal naman ni Betong na pumayag na si Marian Rivera na mag-guest sa kanyang concert.

Ang Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha? ay mula sa GMA Artist Center at Michael Angelo Productions.

Mabibili ang mga tickets sa Ticketworld sa halagang P2900 (VVIP), P2300 (VIP), P1500 (Orchestra), at P900 (Balcony).

Paalala pa ni Betong, “Concert ko po ito ha, hindi po sa kanila,” na tumutukoy sa kanyang mga bigating panauhing pandangal.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso comedian Betong Sumaya reveals he started his career in comedy bars and by joining amateur singing contests at age 4. Now he is set to perform on his upcoming solo concert titled Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang Ha? It will be held on November 21, 2019 at the Music Museum with guests Dingdong Dantes, Michael V, and Alden Richards, to name a few.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results