Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ronnie Liang "forever grateful" to this ABS-CBN singer

by Rommel Gonzales
Nov 2, 2019
Ronnie Liang will have Sarah Geronimo and Ella Cruz as guests during his November 8 concert at the Music Museum.
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Certified hunk si Ronnie Liang.

Magpapa-abs ba siya sa concert niyang Ronnie Liang: Love X Romance sa November 8 sa Music Museum, Greenhills?

“Maghuhubad ho ako dun!” at tumawa ang singer.

“Hindi, biro lang. Hindi, basta there are a lot of surprises sa concert po, abangan po natin.”

Guests sa concert sina Sarah Geronimo, Ella Cruz, at Janine Tenoso.

“Ito po yung first time na naka-guest si Sarah sa concert ko.”

Madalas ay si Ronnie ang guest sa concert ng Popstar Princess.

“And now, I’m thankful sa Viva and kay Sarah na siya naman ang nag-guest sa akin, and ito rin po yung first time na kakantahin namin yung first collaboration namin.

“Nag-record kasi kami recently for an online release, ang title is 'Liwanag,' original song composed by Marlon Barrinuevo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie nitong Oktubre 29, Martes, sa Coffee Project sa Wil Tower, Quezon City.

Continue reading below ↓

Personal na inimbitahan ni Ronnie si Sarah para maging guest sa kanyang concert.

“During the brainstorming, sabi ko, ‘Boss, baka puwede nating i-guest si Sarah.’

"At ang sagot sa kanya ni Vic del Rosario na head ng Viva Entertainment, 'Approved na sa amin, sa management, but you have to ask her personally.'

Kuwento pa ni Ronnie, “So, in one of her shows, nag-guest ako, yung This 15 Me in Iloilo, that was the time na after ng rehearsal, sabi ko, ‘Sarah, may upcoming concert kasi ako, puwede ba kitang i-invite as one of my guest artists?’ ‘Oo naman!’

“'Tapos, iyon din yung time na kinausap ko siya na, ‘Puwede ba tayong mag-collab?’ ‘Sige, bakit hindi?’

“And you know, whenever she introduces me onstage, nakakataba ng puso.

“Minsan, wala na sa teleprompter or sa script, sasabihin niya, ‘Ito po si Ronnie Liang, ang napakagandang boses, na original ng 'Ngiti,' ito ang binibigyan dapat ng concert, ng album, ang multi-awarded artist, Gold, Platinum.’

Continue reading below ↓

“So, coming from her means a lot and I’ll be forever grateful and thankful kay Sarah sa ganitong pagkakataon na susuportahan niya ako sa concert.

“Kung babalikan yung panahon pa ng Pinoy Dream Academy, I was very consistent, hanggang ngayon, kapag naiinterview ako kahit sa mga ibang presscon.

“Ang lagi kong sinasabi, ang pangarap ko po ay maka-collab, maka-duet si Sarah Geronimo at makasama sa concert ko, na maging guest artist ko.

“God is good! Natupad po.”

Nominado si Ronnie Liang bilang Male Recording Artist of the Year sa 11th Star Awards For Music para sa kanta niyang "Ligaya."

Kalaban niya sina Alden Richards ("Until I See You Again"), Billy Crawford ("Filipina Girl"), Christian Bautista ("Aking Mahal"), Daniel Padilla ("Malay Ko") Star Music, Gary Valenciano ("Ililigtas Ka Nya"), Jed Madela ("Di Matitinag"), at JK Labajo ("Buwan").

Continue reading below ↓

“Kung pagkakalooban tayo na manalo, I’ll be grateful, of course super-thankful, ‘no?

“Pero nung in-inform nga ako as one of the nominees tapos tiningnan ko yung list, ‘Wow!’ Yung mga kasama!”

Nominado rin ang Ligaya ni Ronnie bilang Revival Recording Of The Year, kalaban ang "Be My Lady" (Erard), "Don't Know What To Say, Don't Know What To Do" (Joaquin Garcia), "Even The Nights Are Better" (Kyla), Handog (Jojo Mendrez), "Isang Linggong Pag-ibig" (LA Santos), "Ngayon at Kailanman" (Jona), at "Sana Ngayong Pasko" (Sarah Javier).

Nanalo ng award si Ronnie mula sa PMPC bilang Best New Male TV Personality (ASAP '07) sa 21st Star Awards for Television noong 2007.

Gaganapin ang 11th Star Awards for Music sa December 1, 2019.

Read Next
Read More Stories About
Ronnie Liang, concert
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang will have Sarah Geronimo and Ella Cruz as guests during his November 8 concert at the Music Museum.
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results