Daniel Padilla, Karla Estrada to be honored as Yolanda heroes during Handumanan concert

Carlo Maceda (leftmost) reveals Karla Estrada and Daniel Padilla will be honored during the Handumanan concert to be held this Friday, November 7, at the Quezon City Memorial Circle. Apart from thanking all the good Samaritans in the aftermath of Yolanda, the Handumanan organizers also want to help speed up the rehabilitation efforts in areas ravaged by super typhoon Yolanda.


Magkakaroon ng libreng thanksgiving concert na tinawag na Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan. Gaganapin ito sa Biyernes, November 7, sa Quezon City Memorial Circle sa ika-apat ng hapon onwards.

Ang handumanan ay wikang Bisaya na ang kahulugan ay tribute o pagbibigay-pugay o parangal.

Ito’y bilang paggunita sa naganap na trahedya sa bansa dulot ng super typhoon na Yolanda (Haiyan) halos isang taon na ang nakaraaan. Ikinamatay ito ng marami at nagiwan ng matinding pinsala sa lalawigan ng Leyte, partikular sa Tacloban City.


Sa naturang event, bibigyan ng parangal sina Daniel Padilla at ang kanyang ina na si Karla Estrada dahil sa kanilang pagtulong sa mga biktima. Last year, nagkaroon ng show si Daniel para sa Yolanda victims.


Si Anderson Cooper ng CNN ay isa rin sa kikilanin sa araw na iyon. Siya ay pumunta mismo sa Tacloban upang mag-report tungkol sa kalagayan ng mga survivors. Pinuri niya ang "strength and continued courage" ng mga Pilipino na sinalanta ng super typhoon.


(Read: CNN anchor Anderson Cooper says there's "no real evidence of organized recovery or relief"; local celebs wonder why)

Ilan sila sa napakaraming bayani na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Layunin ng Handumanan na pasalamatan ang lahat ng mga tao at organisasyon na nagbigay ng tulong upang maka-survive at muling makabangon ang mga hinagupit ng matinding bagyo noong November 8, 2013 na natala sa ating kasaysayan bilang isa sa pinakamapinsalang kalamidad sa ating bansa.
Ang actor-director-producer na si Carlo Maceda na tubong Leyte ang isa sa bahagi ng HDGI o Haiyan Disaster Governance Initiative ang nasa likod ng proyektong ito.
Kabalikat ni Carlo sa proyektong ito ang "Rehabilitation Czar" na si former Senator Ping Lacson, former Tacloban City Administrator Atty. Tecson Lim, at iba pa.
“Ang purpose namin dito ay magpasalamat at magbigay ng message of hope sa mga survivor ng typhoon Haiyan o Yolanda,” panimulang saad ni Carlo nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon nito sa Mesa Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, last October 27.
Bakit Haiyan ang ginamit dito imbes na Yolanda?
“Kasi iyong message is for the whole world. So we used the international name. Yung mga tumulong din kasi, from all over the world.
“Pati iyong King ng Sweden ay tumulong sa atin, pati si Anderson Cooper, at napakarami pang volunteers.
"Kaya ito iyong ating chance para naman magpasalamat sa buong mundo,” saad pa niya.
Kinuwento pa ni Carlo kung paano nagsimula ang proyektong ito.
“Napag-usapan kasi namin na ang mga nasa news, it’s all negative.
"Ang pinag-uusapan kung nasaan napunta iyong pera, yung donations… wala namang improvement.
"'Tapos iyong darating na Papal visit.
“Pero one thing that wasn’t clear, kaming mga survivors o mga kapamilya ng survivors, hindi pa kami nakakapagpasalamat ng maayos.
"And one thing that I like with the Filipino culture, yung utang na loob.
"We really look at the people who helped us at tinatanaw natin yun na utang na loob.
“Kaya gusto lang nating magpasalamat sa buong mundo.”


POSITIVE STORIES. Ayon pa kay Carlo, “Kung itatanong ninyo kung bakit namin ginagawa ito, kasi kailangan talaga.
"We have to set examples sa kids.
"They’re actually asking questions, ‘What happened na, bakit… saan napunta iyong pera?’
“Ang hirap sagutin iyong tanong.
"It is better to answer na, ‘Alam mo anak, we want to do something positive.
"'We want to share you this story about this nurse who went there and help.
"'About this boy [in Japan] who saved money from his allowance and sent it to Tacloban.’
“I know it is hard to change… but if we don’t do anything about it, if we just let it happen, mas wala pong mangyayari,” pahayag ni Carlo.
Dagdag pa niya, “So gusto naming magpasalamat ng maayos, unang-una iyon.
"Pangalawa, gusto rin naming ma-assess o malaman kung ano ba talaga ang nangyari, kung paano ba natin gagawin ng maayos ito.
“And of course gusto rin naming magdasal, iyong mga kaluluwa na nauna sa atin.”



CONCERTED EFFORT. Kasama ba si Anderson Cooper ng CNN sa pasasalamatan o bibigyan dito ng parangal?
“We’re considering him as one of the honorees pero wala pa naman kaming communication as of now.
"But we’re finalizing tomorrow para ma-invite na kung sino man ang mga awardees.”
Hindi kaya okay din na maglagay ng marker o parang monumento sa Tacloban para magsilbing alaala sa lahat ang insidenteng ito?
Saad ni Carlo, “I think somebody is doing that already.
“Ang amin naman kasi, kaming nandito sa Manila ay hindi kami makakasama doon sa Tacloban.
"Kaya we want to do something else here, na yun nga, we want to send a message of hope,” saad pa ni Carlo.
Kung sa November 7 ay may free concert dito sa Quezon City, sa Tacloban ba mismo ay mayroon ding event na tulad nito?
“Mayroon din yatang iba, pero hindi kami.
“Ibang grupo iyon pero kasama rin sa network. Iba’t ibang grupo kasi, e.
“So ginagawa nga namin itong Facebook page, so that everybody can engage sa ginagawa ng bawat grupo [and] become a network.
“Kasi kapag naging network na iyan, ibig sabihin ay maraming grupo na iyan at maraming tao na iyan na nagkakaisa.
"Mayroon na silang power to change, yung mga decisions, ‘di ba?”
Ayon pa kay Carlo, maraming positibong epekto sa mga taga-Tacloban ang ganitong mga proyekto.
“Well, first of all, we want to encourage people to keep on helping, unang-una iyan.
Pangalawa, we want them also to have hope. So, it has a direct effect talaga sa survivors.”
LESSONS LEARNED. Mag-iisang taon na mula nang nangyari ang trahedyang ito pero hindi pa rin talaga konkreto ang master plan para sa rehabilitasyon sa mga naapektuhan ng Yolanda. May mga nababalitaan na marami palang donations na nabulok lang imbes na napakinabangan.
Saad ni Carlo tungkol dito, “Well, nagpapasalamat din kami sa kanila na dahil sa kanila ay nagbuklod-buklod tayo.
"Na kung hindi dahil sa kanila ay hindi tayo magkakasama-sama rito,” naiiling na saad niya.
“So, tulungan ito ng lahat ng mga kababayan natin kasi we want to give din itong mga information na mga dapat matutunan kapag may mga ganitong disaster para maibigay sa lahat."
Pahabol pa niya, “Also, we want to focus on how we can make use of the lessons we obtained sa trahedyang ito.
"And para sa akin, The best way we can honor the people who died is to make policies that we can derive from the experience of the storm surge.
“Iyon nga ang napag-usapan dito ngayon, the congresswoman from Ang NARs (partylist) will make a technical working group so we can form remedies and better plans when disaster strikes.”
Kasama rin sa mga nakiisa at sumusuporta rito ang OnCAM Productions, ang author na si Manny SD Lopez, JC Premier, Dr. Michael Aragon ng Philippine Medical Association, Ang Nars Rep. Leah Paquiz at Anna Maria Kapunan at ang Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Ang ilan sa mga kompirmadong mapapanood sa libreng thanksgiving concert sa November 7 ay ang mga Leyteño na tulad nina Karla Estrada at Kitchie Nadal.
Kabilang din sa magtatanghal ang South Border, Imago, Banda ni Kleggy, Gracenote, Mayonnaise, Phylum and Myrus Bands, ang international artist na si Steve Steadman, at marami pang iba.
Sa mga gustong makiisa at tumulong kina Carlo at sa kanyang grupo, maaaring makipag-ugnayan sa: Handumanan.Tribute@yahoo.com or call Haiyan Disaster Governance Initiative (HDGI) at Tel. No. 959-8291 or 0905-255-5905.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN