Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Betong Sumaya cries after receiving text message from Marian Rivera

by Rose Garcia
Nov 20, 2019
Betong Sumaya will have more than 16 guests during his first major concert on November 21, 2019 at the Music Museum.
PHOTO/S: Arniel Serato

As of last count, 16 na ang special guests ni Betong Sumaya sa birthday concert niyang Betong’s Amazing Concert: Try Ko Lang, Ha?

Gaganapin ito sa November 21, Huwebes, sa Music Museum, Greenhills.

Kabilang dito sina Alden Richards, Dingdong Dantes, Michael V, at mga kasama niya sa Bubble Gang.

May request pa si Betong na mag-guest sana sa concert niya — si Marian Rivera.

“Sila po kasi ni Sir Dingdong. Si Sir Dingdong, first teleserye ko po ang Genesis. Si Ms. Marian po, first comedy ko, yung Tweets for My Sweets,” paliwanag ni Betong.

“Actually, si Ms. Marian, naiyak ako after ko siyang i-text. Kasi, sumagot siya agad. Sabi ko, ‘Ms. Marian, puwede ba kitang tawagan? May malaking favor ako na hihingin sa ‘yo, nakuwento na ba ni Sir Dong?’

“Tapos, sabi niya, ‘Ah, ano yun?’ Sabi ko, ‘First time kong magku-concert. Baka puwedeng mapagbigyan mo po ako, malaking parte ka ng career ko.’

Continue reading below ↓

“Sabi naman niya, ‘Aayusin ko ang schedule ko, babalikan kita.’”

Inimbitahan din niya ang broadcaster na si Cheche Lazaro. Sa Probe Team kasi siya nagsimula bilang isa sa mga production assistant.

“Sumagot po siya, nag-goodluck po siya. Siguro po, inaayos po niya ang schedule niya. Dahil, di ba po, si Ma’am, busy. Minsan, nasa U.S., ganun po.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling entertainment press si Betong noong November 14, Huwebes, sa Palm Grill Restaurant, Tomas Morato Ave., QC.

Lahat ng kanta ni Betong sa concert ay malapit sa puso niya.

“Journey po kasi ‘to, lahat tayo makaka-relate,” sabi ni Betong.

Kung buhay pa sana ang tatay niya, ito ang gustung-gusto niyang nasa audience at pinapanood sana siya.

Ayon kay Betong, “Kasi, ka-birthday ko po siya. So, hindi niya nakita ‘to, hindi niya nakita lahat. 2002 po nung mamatay siya.

“Hindi niya ako nakitang nag-artista. Although, nakita niya kong mag-perform, pero yung malaki po, hindi po talaga.”

Continue reading below ↓

Ite-telecast ng GMA ang concert ni Betong sa first quarter ng 2020.

“Kaya ipag-pray niyo talaga ko na okay ang boses ko.”

Malamang na marami ang magulat at magtanong, singer ba talaga si Betong?

“Yun ang dapat nilang alamin,” natawang sabi niya.

“Kaya nga po ang title, Try Ko Lang para wala silang expectation. Kasi, hindi naman po ako professional singer.

“Pero isa po talaga sa passion ko ang kumanta at saka sumayaw kahit paano.”

Marami siyang sinalihang singing contest noon at dumayo pa siya sa iba’t ibang lugar.

RELATED STORY

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Betong Sumaya will have more than 16 guests during his first major concert on November 21, 2019 at the Music Museum.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results