Julie Anne San Jose feels pressured about her Hologram concert to be held at the Arena



Ngayon pa lang ay nagsisimula nang paghandaan ni Julie Anne San Jose ang kanyang concert na gaganapin sa MOA Arena on December 13. Hindi pa raw final ang lineup ng kanyang magiging guests but they are hoping to have Sam Concepcion, Abra, Christian Bautista, and Regine Velasquez.

Malaking venue ang MOA Arena. May pressure ba kung ang pag-uusapan ay kailangang punuin niya ito ng tao?

“Of course!” nangiting pag-amin ni ng Kapuso singer-actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, November 2.

“Well actually ‘yong performance thing po, medyo kinakabahan din po. May pressure din po iyon.
“Pero kakayanin po. Kakayanin po talaga.

“And siguro hindi po maiiwasan ‘yong pressure nga rin po do’n sa venue. Kasi nga po masyadong malaki po siya.

“And it’s gonna be bigger than the previous ones. So… ‘yon, we’re really preparing for it.”

Hologram ang titulo ng kanyang upcoming concert. At may mga segments daw silang inihanda na bago sa paningin ng audience.

“So hopefully ano… basta!” sabay ngiti ni Julie Anne. “Marami. Maraming aabangan sa concert ko.”

Minsan nang nagsama sa isang production number sina Julie Anne at Abra sa SAS. Kinanta nila ang "Deadma" na silang dalawa ang nag-collaborate at ini-release bilang single ng GMA Records.

Siguradong kaabang-abang ang muling pagsasama nila onstage sa kanyang comncert.

“Definitely!” sabay ngiti ni Julie Anne.
“And I’m looking forward din in doing more collaborations with Abra.”

Hindi lang biritera si Julie Anne. Mahusay din siyang mag-rap.

“Well rapping kasi… actually as long as parang keri mo, gano’n. At saka as long as sumasabay ka sa tiyempo.”

Close friends na sila ni Abra sa ngayon. Hindi kaya mauwi ito sa pagkaka-link nila sa isa’t isa?
“Po?!!!” tawa niya.

“Yeah, we’re good friends. We’re friends.

“Pero hindi ‘yong friends na nagkakasamang lumabas. We’re just friends and we see each other lang kapag work or something like that.

“Wala po. Hindi ko pa po iniisip ang mga ganyan, e. Kumbaga, wala rin naman pong pumupunta [upang umakyat ng ligaw],” saad ng 20-year-old singer.

“And bilang… busy rin po ako sa lahat. So ‘yon, I have to finish school and work.”

May bago na ba siyang soap sa GMA-7?

“Wala pa po. Baka po next year.

“Sa singing muna po ako. And bukod do’n sa upcoming concert ko, ipunu-promote ko pa rin po ang album kong Deeper,” pahayag ni Julie Anne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN