GMA-7 singer Hannah Precillas joins Top 3 of Indonesian singing contest Dangdut Academy Asia 5

by Ruel J. Mendoza
Dec 29, 2019
Hannah Precillas got the highest score in a recent episode of the Indonesian singing contest Dangdut Academy Asia 5.

Umabot na ang GMA-7 singer na si Hannah Precillas sa final three ng singing contest sa Indonesia na Dangdut Academy Asia 5.

Pinalakpakan ang nine-minute performance niya ng songs na “Si Kecil” and “Anak yang Malang” na ikinamangha ng five judges ng naturang contest.

Nakipag-duet din si Hannah sa isa sa mga sikat na diva ng Indonesia na si Soimah. Nag-duet sila Hannah at Soimah sa song na “Pasdut (Pasukan Dangdut).”

Nang purihin ng host ng contest ang powerful duet nila, sabi ni Hannah: “At first I was very, very nervous and, at the same time, scared.”

Dahil sa husay ni Hannah, nagkaroon na ito ng sariling fandom sa Indonesia na "hannahfantasticsid" at ito ang pinost nila sa Instagram noong December 27:

“Thank you guys @joshuadaa5_teamph @jmf_official_01 @frenzmania_indonesia.official for support my babe @hannahprecillas_daa5 in the studio 5 @indosiar with @hannahfantasticsid"

Noong December 17, pinost ng Dangdut Academy Asia 5 ang isang episode via YouTube kunsaan inawit ni Hannah ang Indonesian song na "Nafsu Serakah."

Continue reading below ↓

Sa isa pang episode ay nag-perform si Hannah at ang kanyang boyfriend na si Oyo na kasama niya sa banda. Inawit ni Hannah ang Alicia Keys song na "If I Ain't Got You" habang nagta-trumpet si Oyo.

Nakuha ni Hannah ang highest score noong December 12 episode ng Dangdut Academy Asia 5 dahil sa pag-awit niya ng dalawang Indonesian pop songs na "Bride Flower" and "Never Mind."

Nakilala si Hannah dahil sa pagkapanalo niya sa GMA-7 singing contest na Bet Ng Bayan noong 2014.

Inawit niya ang theme songs ng GMA-7 teleseryes na Kambal, Karibal, Hindi Ko Kayang Iwan Ka, Kapag Nahati Ang Puso, Onanay, Hiram Na Anak, at Hahamakin Ang Lahat.

Nabigyan din siya ng acting roles sa mga teleserye na The Cure, Kambal Karibal, Daig Kayo Ng Lola Ko, Sherlock Jr., Sahaya, The Stepdaughters, Cain at Abel, Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, at Haplos.

Lumabas din siya sa Pepito Manaloto, Magpakailanman, Tadhana, Dear Uge, at Karelasyon.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hannah Precillas got the highest score in a recent episode of the Indonesian singing contest Dangdut Academy Asia 5.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results