Gimme 5 launches 6-track self-titled album

Ayon sa grupong Gimme 5, hindi sila makapaniwala sa narating ng kanilang grupo. Ang plano lang daw kasi noong una ay magsasayaw lang sila sa ASAP 19 at iba pang programa ng ABS-CBN, pero ngayon ay nag-level up na ang grupo at may sarili na itong album.


Inilunsad na ang self-titled album ng Gimme 5—kinabibilangan nina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez, Brace Arquiza, at Nash Aguas—noong nakaraang Miyerkules, November 19.

Ginanap ang grand album launch sa Mad For Pizza restaurant, Il Terrazo, Quezon City kung saan inawit ng grupo ang ilan sa mga tracks ng album.

May anim kanta ang album kung saan ang carrier single nito ay ang “Hatid Sundo.” Ang iba pang mga kanta ay “Pag Kasama Ka,” “Aking Prinsesa,” “Hey Girl,” “Growing Up,” at “Ikaw Na Na Na Na.”

#Gimme5 singing Hatid Sundo at the grand launch of their self-titled debut album.

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) onNov 11, 2014 at 11:15pm PST

Kuwento ni Nash sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media, “Dun po sa album, we have 6 cuts, kasama na po yung minus 1.”

P199 lang ang halaga ng album na available na ngayon sa lahat ng record bars sa buong Pilipinas. Early Christmas gift na din daw ito ng grupo sa kanilang mga tagahanga.

BAGITO. Masaya naman si Nash, ang nagsisilbing lider ng Gimme 5, sa tinamong tagumpay ng primetime series nitong Bagito.

Katunayan, nangunguna ito sa ratings sa katapat na show noong pilot episode nito last Monday, November 17. Ayon sa Kantar Media, ang Bagito ay nagkaroon ng national TV rating na 27.2% versus sa rival program na Coffee Prince na nagkaroon ng 11.3%. Ito ang naging fourth most-watched program nationwide sa araw na iyon, base sa Kantar Media data.

“Ayun po, sobrang nakakatuwa, pressure po din kasi sobrang taas po ng ratings.

“Sobrang thank you po sa lahat ng mga nanunuod,” pasalamat pa ng 16-year-old Kapamilya actor.

Sabi ni Nash, ‘Bagito’ na daw ang itinatawag sa kanya ng mga fans na nakakakita sa kanya.

Wala naman daw inggitang namagitan sa grupo ngayong si Nash ang may teleserye.

Katunayan sila pa nga daw ang nangunulit kay Nash na tanggapin nito ang serye.

Magkakaroon daw sila ng mga album tours sa mga susunod na araw para sa kanilang mga fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN