Lani Misalucha gives advice for Charice: "If you feel people don't like you anymore, keep on singing for them."

Lani Misalucha encourages Charice to keep on peforming for Filipinos: "Kung kunyari nangyari yun sa akin [bullying], ang gagawin ko na lang is to just continue on."


Para sa tinaguriang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha, hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa kondisyon ang kanyang boses.

Bilang singer, meron naman oras na sinusubok rin kung hanggang saan ang abilidad niya na mag-perform lalo na't hindi lahat ay kontrolado niya ang sitwasyon.

'Tulad na nga lang daw nang naranasan niya sa Hawaii, kung saan siya ay dinapuan ng karamdaman.

Kuwento ni Lani, "Ako, nung nasa Hawaii nga ako, nagkaroon ako ng bronchial asthma, nagkaroon ako ng allergy dahil sa vog [volcanic smog].

"Ito yung smoke na galing sa volcano, siguro masyado akong na-irritate dun.

"Ang result nun, nawawalan ako ng boses.

"Even yung speaking voice ko, parang nawawala.

"Yun talaga ang pinaka-setback sa amin, 'pag wala nang boses, siyempre, 'di ka makakanta, at nakakalungkot na, you know, you can actually sing but, you cannot, dahil meron ka ngang sakit.

"Nakakalungkot talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang miyembro ng entertainment media ang isa sa mga Pinay may pinaka-powerful na singing voice sa presscon para sa kanyang December 6 La Nightingale Return Concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Sa local artists natin, sinasabing sina Morissette Amon at Klarisse de Guzman na parehong contestants na kauna-unahang The Voice of the Philippines singing competition, ang sumusunod sa kanyang yapak o maaaring pumalit sa kanya.

Aniya, "Just like I told you, darating yung panahon na, merong papalit at papalit.

"Maybe, who is much prettier, much better, who has more of the talent.

"It's just ...that's the reality of life."


STARTING OUT AS A SINGER. Sa puntong ito, napag-usapan namin kung paano siya nagsimula bilang singer, kung paano niya nalaman na marunong pala siyang kumanta? Higit sa lahat, kailan niya na-discover na puwede palang gawing hanapbuhay ang pagiging isang mang-aawit?

Napapangiting nagbalik-tanaw ang 45-year-old diva, "Alam niyo naman lahat na sa pamilya namin...lima po kaming magkakapatid- dalawang lalaki, at tatlong babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Growing up in our house, alam na po namin na lahat kami ay nakakanta.

"Dahil nga po, ang tatay ko plays the piano, at 'pag may gusto siyang ipakanta sa amin, ipapatawag niya kami, almost lahat kami para kumanta kung ano man yung tinutugtog niya sa piano.

"Siguro, 5 or 6 years old ako non, siyempre, pinakakanta at pinakakanta kami ng tatay namin, so, more or less, alam ko na nakakanta ako.

"Pero hindi ko naman alam that time na marunong pala akong kumanta.

"May mga magulang naman kasi, na randomly ay pinakakanta ang kanilang mga anak.

"Hindi ko alam na somehow ay may boses pala ako, kaming magkakapatid."

Sabi pa niya, "Now, kung hindi ako nagkakamali, the first classical song that was taught to me by my dad was ‘Ave Maria.’

"'Di ko alam na that was classical music and then, he would say na, 'this is the way you should be doing your voice.'

"Tatay ko kasi, tenor, tinuturuan niya ako kung paano kantahin yung kanta.

"Yun ang unang classical song na natutunan ko sa kanya pero, wala pa akong alam nun kung ano ang unang pop song na natutunan ko sa kanya."

Ang tatay rin ba niya ang nag-engganyo sa kanya para paghanap-buhayan ang pagkanta?

Pagtanggi niya, "Hindi po.

"Kasi, ang mga magulang ko, parehong nakakakanta.

"Tatay ko is tenor, nanay ko naman ay coloratura pero, hindi po nag-aral ng music.

"So, nung nasa high school pa ako, at ang ate ko po ay nasa college na, sinabi nila na hindi kami puwedeng kumanta professionally.

"In other words, sila po talaga ang... they were the first people to discourage us in the entertainment industry.

"Lagi nilang sinasabi na tapusin namin ang pag-aaral, mag-graduate ng college, at kumuha ng totoong propesyon, hindi nila alam na ang pagkanta ay propesyon din o career."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero, matapos ngang ma-discover kung gaano si Lani kagaling kumanta, nakilala na siya sa Pilipinas at sa abroad bilang Asia’s Nightingale.



ADVICE FOR CHARICE. Samantala, napag-usapan namin ang tampo ni Charice Pempengco tungkol sa halos hindi pagtanggap sa kanya dito sa Pilipinas bilang isang singer.

Nasabi pa nga niya na mabuti pa raw sa ibang bansa ay naa-appreciate siya ng mga banyaga, kung kaya mas gusto niyang pumirmi roon.

Ano ang masasabi ni Lani tungkol dito bilang isa nang internationally-singer na kilala sa strips ng Las Vegas, sa Hawaii at iba pang sulok ng West Coast sa Amerika?

Sabi niya, "I don't know, really, I don't know."

Aminado si Lani na hindi niya naranasan ang "bullying" mula sa social media.

"Is it because people are expecting her to do certain things? I'm just grateful na hindi ko, at a certain point, naramdaman yung ganun."

"Kung ako sa Charice, kung kunyari nangyari yun [bullying] sa akin, ang gagawin ko na lang is to just continue on.

“Parang ano lang ‘yan… kunyari, sa [magkarelasyon], kunyari yung lalaki ay nagkaroon ng kasalanan doon sa babae at yung babae ay ayaw na siyang tanggapin. E, gusto mo talagang bumalik sa girlfriend mo, ano ang gagawin mo? You just have to exert extra effort for you to win her back. It's just that.

"If you really love that person, you just have to do everything for you to get her back. Parang ganoon lang 'yon. Yun lang ang nakikita kong analogy.”

Nagbigay ng mensahe ang Asia’s Nightingale para kay Charice na nakilala internationally para sa kanyang hit songs tulad ng “Pyramid”:

"If you feel people don't like you anymore, keep on singing for them."



LAS VEGAS IN MANILA. Para sa kanyang pagbabalik sa local music scene sa December 6, mistulang dadalhin ni Lani ang Las Vegas sa Big Dome dahil sa mga sorpresang inihahanda niya. Bukod sa kanyang Cirque du Soleil production number, kaabang-abang rin ang pag-awit ni Lani ng kanyang timeless hits at bersyon niya ng international classic ballads at mga patok na kanta ngayon.


Makakasama ni Lani sa kanyang concert sina Arnel Pineda, Jed Madela, G-Force at iba pang surprise guests. Tampok sa La Nightingale concert ang musika ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra sa pamumuno ni Maestro Gerard Salonga.






ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN