Ella May Saison slated to hold comeback concert this 2020

by Rose Garcia
Jan 17, 2020
Ella May Saison, the singer behind the songs “Till My Heartaches End” and “If The Feeling is Gone," will hold a Manila concert this February 2020.

Naka-base na sa America ang OPM singer na si Ella May Saison na kilala para sa mga kanta tulad ng “Till My Heartaches End” at “If The Feeling is Gone.”

Ngayong 2020, muli siyang mapapanood sa pamamagitan ng #LoveThrowback3 Valentine concert na gaganapin on February 15 sa PICC Plenary Hall.

Magsasama-sama sina Ella May, Luke Mejares, Nina, Juris, at Ito Rapadas ng Neocolours sa kauna-unahang pagkakataon sa event na ito.

Sa pamamagitan ng private messaging ay na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ella May tungkol sa Valentine’s concert niya sa bansa.

Ayon dito, “Nakakataba ng puso na after all these years ay tinatangkilik pa ng mga tao ang mga awitin ko.

“Kung saan-saan na ako nakapag-concert pero iba pa rin siyempre kung sa Pilipinas at mga Pilipino ang nanonood sa akin. Excited na akong bumalik ng Pilipinas for this concert.”

Noong taong 2005 nagsimulang manirahan sa America si Ella May at pabalik-balik na lang ng Pilipinas sa tuwing may oportunidad tulad nitong 2020 concert niya.

Continue reading below ↓

Katulad ni Ella May, excited na rin daw si Luke sa upcoming #LoveThrowback3 concert nila.

Ayon kay Luke, excited siya na makasama ang mga hinahangaan niya. “Idolo ko sina Ito Rapadas at Ella May. Sa isang major concert, pina-autograph ko talaga ang CD ko ng Neocolours kay Sir Ito. Starstruck ako.”

Dagdag pa ni Luke, “At hihingi rin ako ng autograph kay Ella May.”

Sa direksyon at konsepto ni Calvin Neria, ang #LoveThrowback3 ay nais dalhin ang mga manonood sa isang roller coaster musical journey na magpapaalala sa kanila ng sakit, ligaya, kabiguan, pagkawagi, pait, at tamis ng pagibig.

Maririnig ng concertgoers ang greatest hits ng mga veteran singers. Nariyan ang soulful classics ni Ella May, ang version ni Luke ng “Kahit Kailan” and “Love Of My Life,” at ang stirring rendition ni Nina ng “Someday” at “Jelaous.”

Aabangan rin ang heartwrenching hits ni Juris na “Di Lang Ikaw” at “A Love To Last A Lifetime;” at ang anthemic masterpieces ni Ito Rapadas na “Tuloy Pa Rin” at “Maybe.”

Continue reading below ↓

Bahagi ng proceeds ng concert ay ido-donate sa GASFI (Gig and the Amazing Sampaguita Foundation, Inc.). Ito ay isang non-stock at non-profit organization na pino-promote ang "Twenty Minutes at Bedtime, Read With Your Child" sa pagpapalakas ng family ties upang mapag-ibayo ang pagmamahal ng isang bata sa pag-aaral.

Nagsimula ang GASFI began bilang isang book donor program na naghihikayat sa bedtime reading. Mahalaga ang papel ng organisasyon at ang mga volunteers nito upang makapagbigay ng libro sa mga kabataan sa mga komunidad na walang access sa mga libro. May scholarship program rin ito at sa kasalukuyan ay may 9 scholars na pinag-aaral ng kolehiyo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ella May Saison, the singer behind the songs “Till My Heartaches End” and “If The Feeling is Gone," will hold a Manila concert this February 2020.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results