Sheryn Regis advises birit queens: "Di porke't birit, maganda na ang kanta mo."

by Melba R. Llanera
Feb 2, 2020
Sheryn Regis shares nuggets of wisdom with birit queens: "Tamang pagkanta at respeto din sa kanta. Puwede mong ibahin pero wag mong ibahin nang sobra, wag baliin masyado kasi mawawala yung ganda ng music."
PHOTO/S: Instagram

Nag-trending sa social media si Morissette Amon dahil sa tila di niya naabot na nota nang bumirit sa pinasikat na awitin ni Basil Valdez, ang "Sometime, Somewhere," noong nakaraang January 19, sa ASAP Natin 'To.

Kasama ng singer sa naturang "Birit Wars" production number ang mga kapwa niya biriterang sina Kyla, Elaine Duran, Elha Nympha, Angeline Quinto, at Sheryn Regis.

RELATED STORY

Sa presscon ni Sheryn para sa upcoming concert niyang Back To Love, na ginanap sa Max's restaurant sa Sct. Borromeo, Quezon City, nung nakaraang January 24, hindi namin napigilang hingan ng reaksyon si Sheryn tungkol kay Morisette.

Tinaguriang Crystal Voice of Asia, si Sheryn ay kasama ni Morissette sa nasabing production number.

Lahad ni Sheryn, "Ako, bilang singer, naiintindihan ko.

"Baka di niya kinaya, or baka nataasan lang niya masyado. Nasobrahan lang niya, na-challenge siguro, na-motivate siguro.

"Maybe impromptu niya ginawa yun na di pala siya ready. Minsan kasi pag hindi ready, may mangyayari talaga. Baka hindi siya ready nung time na yun na ibirit o baka may sakit siya."

Continue reading below ↓

Bilang isa sa datihan na ring singer, ano ang payong maibibigay ni Sheryn kay Morisette?

Sabi ni Sheryn, "She has to take care of her voice kasi. Like ako, ang tagal ko na rin sa showbiz pero ako name-maintain ko.

"One, di ko inaabuso ang aking boses, pinapahinga ko siya. Kung may shows na puwede kong tanggihan just to rest, why not?

"Saka di porke't birit, maganda na ang kanta mo.

"Tamang pagkanta at respeto din sa kanta. Ginawa ng composer iyan—galing sa puso, sa utak ng composer. Melody itself, nakikita.

"Puwede mong ibahin, pero wag mong ibahin nang sobra, wag baliin masyado kasi mawawala yung ganda ng music."

COMEBACK CONCERT

Muling mapapanood si Sheryn sa upcoming concert niyang Back To Love, na gaganapin sa Music Museum, sa February 28.

Masayang ikinuwento ni Sheryn na may bago siyang pasabog sa concert na hindi pa napapanood ng kanyang fans.

Pagbabalita nito: "The concert will be February 28. The title is Back To Love.

"Why Back To Love? Because—back to what I want to do, back to what I love to do, which is to sing here in the Philippines.

"Ano mae-expect ng mga tao? May iba naman, di lang puro birit ang show.

"May makikita silang surprises na di pa nila nakita sa ibang concerts.

"Maririnig nila yung mga kanta ko, pero mayroon ding ibang kanta na di nila in-expect na kakantahin ko."

REKINDLING HER SINGING CAREER

Matatandaang nag-migrate si Sheryn kasama ang kanyang pamilya patungong Houston, Texas, noong 2010.

Ang concert bang ito ni Sheryn ang magsisilbing hudyat na rin ng pagbabalik niya sa local music industry nang mas matagal na panahon?

Mabilis niyang pag-amin, "Yes, gusto ko na talagang bumalik sa Pilipinas to sing again. Hindi yung pabalik-balik ako ng one month, two months lang. Gusto ko longer.

"Yes, babalik ako sa America, kasi this February mayroon akong concert sa Florida, sa Winnepeg, 'tapos pagbalik ko dito ng [February] 19, yun yung pukpukan na talaga for February 28.

Continue reading below ↓

"After February 28, gagawin ko naman yung album ko.

"Guests? Di ko pa ma-reveal kasi di pa nagpa-finalize talaga. Mari-reveal ko iyan soon."

STILL BITTEN BY ACTING BUG

Bukod sa pagkanta, gusto ring subukan uli ni Sheryn ang acting, kung saan huli siyang napanood sa remake ng Kapamilya seryeng Betty La Fea (2008).

Pag-amin niya, "Yes, gusto kong mag-try uli ng acting. Alam ko naman na may talent ako sa acting, so gusto kong i-explore uli yung acting skills ko.

"Gusto ko yung mga romance-comedy. Gusto ko mga feel-good movies, feel-good serye. Actually, gusto ko ring umarte ng totoong iyak, totoong may puso."

LOYAL MAYWARD FAN

Kung may pinapangarap siyang makasama sa isang proyekto, consistent pa rin si Sheryn sa kagustuhang makatrabaho ang love team nina Maymay Entrata at Edward Barber, na kilala rin bilang Mayward.

Pahayag niya: "Kasi napaka-humble ng couple na iyun. Actually, lahat naman sila.

"Gusto ko si Maymay kasi Bisaya. Maganda siya and she's so funny.

Continue reading below ↓

"Nung nasa Bay Area sila, first time ko siyang na-meet, bigla siyang sumigaw, 'Ate Sheryn, I'm your fan!'

"At first, 'Sinong bata ito?' 'Tapos namukhaan ko siya, siya nga pala si Maymay.

"'Ate, si Maymay ako, Bisaya din ako. Fan na fan mo ako!'

"Nice si Edward, saka guwapong bata. Si Maymay, typical na Pinay na Pinay. She's so slim, pang-model."

CANCER-FREE

Sa interview kay Sheryn ilang buwan na ang nakalipas ay inamin niyang nagkaroon siya ng throat cancer.

Siniguro naman niya sa aming cancer-free na siya, pero nandun pa rin daw ang dobleng pag-iingat.

Kuwento niya, "May check up naman ako every six months, I take my medicines all the time.

"Gusto kong kumanta nang kumanta, maraming beses pa ako na kakanta. I'm taking care of my voice. If I have to sleep, sleep na talaga."

"Actually, cancer-free na ako. Ayoko na ng recurrent. Mayroong ten, twenty years saka babalik, ayoko nun.

Continue reading below ↓

"Sinasabi ko nga sa mga bagong singers na bumibirit, take care of your voice. I took care of my voice na nga, nagkaroon pa ako ng ganito.

"I'm also so conscious sa diet ko. Actually, ang cancer kasi nasa genes iyan, saka ang akin, kaya ako nagka-cancer, walang rason kundi stress."

Sa huli ay lubos naman ang pasasalamat ni Sheryn sa suporta at pang-unawa na binibigay sa kanya ng asawa at nag-iisang anak.

Aniya, "Supportive sila, kasi nagpaalam ako, 'Okay lang ba sa inyo na babalik ako ng Pilipinas and I will stay?'"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheryn Regis shares nuggets of wisdom with birit queens: "Tamang pagkanta at respeto din sa kanta. Puwede mong ibahin pero wag mong ibahin nang sobra, wag baliin masyado kasi mawawala yung ganda ng music."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results