Arnell Ignacio on new radio program: "Wala naman akong takot, e."

by Rommel Gonzales
Feb 14, 2020
Arnell Ignacio co-hosts radio program Labor Of Love. He says he is being offered to return to OWWA (Overseas Workers Welfare Administration).
PHOTO/S: Noel Orsal

Sina Arnell Ignacio at Rica Lazo ang hosts ng new radio program na Labor Of Love o LOL na eere simula February 14, Biyernes, 9:00-10:00 PM sa DZMM.

“E, kasi nga, iyon na yung naging linya ko, e, especially with OFWs. Kumbaga, parang nadagdag na siya na mastery ko, e,” panimula ni Arnell tungkol sa tagline ng show na nagsasabing layunin nito na magpasabog ng malasakit sa mga OFWs.

“It’s my idea actually, pinag-uusapan namin ‘to nitong production team before, na wala lang, nagbabatuhan lang kami ng ideas."

Isang taon siyang naglingkod sa OWWA (Overseas Workers Welfare Administration), at isang taon na rin mula noong mag-resign siya rito.

“Nag-resign ako dahil my dad got sick, and tapos yung daughter ko nga, nagkakaproblema na kami.

“Kasi, hindi naman sila sanay na ganoon ako ka-busy, e. Alam mo yung busy natin sa entertainment? Ay! Wala iyon! Wala iyon.

“If you are in government and you are truly doing your job, wala ka talagang oras sa kahit na ano, wala, kundi yung trabaho mo.”

Continue reading below ↓

Naging mahirap ba sa kanya na umalis sa OWWA?

“Mahirap, kasi more ways than one I care for the people in OWWA, kasi nakita ko naman sila na they’re really very sincere.

“Kaya lang, ano nga e, hirap silang i-communicate sa iyo kung ano iyung nasa puso nila. Kasi nga, di ba, taga-gobyerno ‘to.

“Ang ginagawa nila talaga lagi, kung ano yung programa para doon sa kanyang pinagsisilbihan, pero… ito kasi, problema ng Pilipino. We are expecting perfection lagi, e, di ba?

“Itong perfection na ito, gusto mong makuha nang hindi ka man lang nagtatanong, hindi ka rin nagsasaliksik, kung ano lang yung narinig mo, kung ano yung narinig mo, iyon muna ang iniisip mong totoo, di ba?

"So, it becomes really very challenging, kung paano mag-communicate with the people, if you do not talk the way they talk, di ba?

"And then we base our decisions, we base our assessment ng situation base lang sa impression. So, how can you move intelligently kung pakiramdam ang binabasehan mo ng iyong magiging kilos, di ba?

Continue reading below ↓

“Sinabi lang na ganito, ikaw naman, ganito ka rin. I mean, kaya ina-urge ko iyung government, kailangan matuto tayo magsalita nang maikli na kumpleto.

"Kaya ko naman sila nagaganyan, kasi, naging kaibigan ko sila, e, and these people mean really very well, they mean very well but they… iba, e, ibang dimensiyon sila, e.

“So, akala nila, okay. Akala nila, nagkakaintindihan kayo.”

Ganito ba ang approach nila sa show na LOL?

“Oo, that is really the point of the show. Kasi, kailangan talagang maintindihan mo yung programa para maipaliwanag mo, di ba?

“Saka kasi nga, wala naman akong takot, e. Wala naman akong benepisyo na aantayin, na yung baka may mali akong masabi, baka maparusahan ako. I mean, kung maparusahan ako, e, di palayasin ako, ganun.”

Paano kung kunin siya ulit ng gobyerno?

“Kinukuha nga ulit ako.”

Doon ulit sa OWWA?

“Oo.”

Ano ang sagot niya?

“E, basta, ano na lang, iniisip kong mabuti. Kasi, mahirap siya pero masarap. Masarap, kasi, imagine mo iyung mga ginagawa mo.

Continue reading below ↓

“For example, katulad kanina, meron akong kausap kanina na nagagalit. Imagine mo iyon, sasagutin ko, tatawag ako bukas, maayos ko na iyon.

“Iyung bukas, nasa immigration ako, merong humihing ng tulong, hindi niya maintindihan kung paano gagawin. E, ako kasi, naging kaibigan ko itong mga ‘to, nagagawan mo ng paraan. Parang showbiz, e. Pag nagawan mo na ‘yan ng paraan, actually makakalimutan mo na, makakalimutan mo na iyon, and then magugulat ka na lang, meron ka palang… yung ginawa mo, hindi siya simpleng bagay, ha? Naayos mo, buhay. Buhay ‘to, ha?!

"For example, OFWs. Yung simpleng nakarating ‘yan doon, naayos mo kung ano man ang problema nila. Kadugtong niyan, pamilya niya, merong kumain dahil sa ginawa mo, may bubong na nabuo dahil sa ginawa mo.

“Nababago iyung buhay dahil sa... biruin mo, itong chikahan nating ganito na for the longest time, di ba, ang showbiz, masaya, pero napakalimitado.

“E, ito, hindi, e. Yung buong buhay niya ang naaapektuhan, naiimpluwensiyahan mo ng maganda, and that is very rewarding, lalo na kung hindi ka nag-e-expect na pasalamatan ka.

Continue reading below ↓

"Makakalimutan mo na yun, e, makakalimutan mo na hindi man lang nagpasalamat, people in government do not say that, na hindi man lang nagpasalamat, wala na, hindi mo na maiisip.”

Tuloy si Arnell sa pagtulong kahit hindi na siya nakaupo sa puwesto sa gobyerno. Bakit hindi na lang siya maupo ulit?

“E, kasi, pag naupo ka… although hindi naman ako nagsasalita nang tapos, marami kang limitasyon. Kunwari, magtatrabaho ka outside of your job in government, may mga procedure iyan, maraming procedure lagi iyan, e, ang daming papeles.”

Bakit tumutulong pa rin si Arnell kahit wala na siya sa OWWA?

“Hindi ko nga rin alam, e. Kasi, alam ko kung ano gagawin. E, imagine mo, alam mo yung gagawin, tapos inilapit sa iyo, how can you turn your back?”

Na wala siyang mapapala, kasi, hindi na siya nakaupo sa OWWA?

“Hindi ko na rin maintindihan, e, kaya lang kasi, pag alam mo ang gagawin, gagawin mo lang, e, gagawin mo lang.

Continue reading below ↓

“Bakit nung nasa showbiz tayo, ganun din naman, e. Naalala ko, nasunugan si ganito, ultimo tatay ko, kasamang tinutulungan si ganito, di ba? It becomes something very personal.

"Actually, hindi siya emosyonal na bagay, e. It’s not something emotional, it’s not something that you would tell people. Ano lang, e, pag binigyan ka ng… walang pinagkaiba, ayan, magkakasama tayo, sasabihin mo, nagugutom ka, dedeadmahin mo ba iyon? ‘O tara, kain tayo,’ di ba? It’s as simple as that...

“Di ba? Hindi siya yung isang bagay na napakalaki na nararamdaman mo, naging emosyunal ka. Hindi, e. Narinig mo, e, so... matic iyon.”

Masasabi ba niyang human instinct na ito?

“Oo,” ani Arnell.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arnell Ignacio co-hosts radio program Labor Of Love. He says he is being offered to return to OWWA (Overseas Workers Welfare Administration).
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results