Kuh Ledesma reveals lineup of concerts for 2008


"I'm nearly like 30 years in the business. Sinasabi nga nila, ‘Kuh, hindi ka pa ba napapagod?' I always say 'No' because inspired ako sa mga ginagawa ko and only God can tell you kung kailan ka titigil sa ginagawa mo," says Kuh Ledesma.



Kakasimula pa lang ng 2008 ay sunud-sunod na agad ang mga gagawing projects ng Pop Diva na si Kuh Ledesma. For the next four months ay magkakasunod na shows ang gagawin niya sa magkakaibang venues. Kaya naman ngayon pa lang ay hinahanda na ni Kuh ang kanyang sarili sa mga mangyayari.



"It will be a year for me and I'm glad because I'm nearly like 30 years in the business. Sinasabi nga nila, ‘Kuh, hindi ka pa ba napapagod?' I always say 'No' because inspired ako sa mga ginagawa ko and only God can tell you kung kailan ka titigil sa ginagawa mo. So hanggang kaya ko pa, go for it," pahayag ni Kuh sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

May balita ring gustong pasukin ni Kuh ang pagdidirek ng pelikula. Ikinuwento ng Pop Diva na may isinusulat daw siyang istorya ngayon para gawing pelikula.



"I'm still writing it," sabi ni Kuh. "I can't divulge it yet because medyo secret pa yung story niya. Pero once that I finished it and it gets produced and directed, malalaman din ninyo."



Babalik din kaya sa acting si Kuh ngayong 2008?



"Acting? May mga offers to do a soap drama even before. Remember, I did the show Bituin with Nora Aunor for ABS-CBN. Okay lang naman pero kung walang mga matagal na hintayan sa set, okay ako diyan.



"Alam naman kasi nila na marami akong inaasikaso and the long wait on the set is really not for me. Puwede ako sa mga guestings, pero yung mga regular, mahirap na for me. Hindi kakayanin ng trabaho ko everyday," paliwanag niya.



Palapit na naman ang eleksiyon sa 2010. May balak ba ulit si Kuh na pasukin ang mundo ng politics? Kung matatandaan ay muntik nang tumakbo si Kuh bilang vice mayor ng Manila, pero hindi niya ito itinuloy.



"Tuwing election time naman, may mga nag-o-offer sa akin to run for a certain position in government. Interesado naman ako, pero I feel na hindi pa panahon for me to be in politics. Siguro konting panahon pa baka maging serious na ako sa politics. Everyone knows na I love helping a lot of people and I do a lot of charity work until now. Being in politics is just one way of showing that you want to help more people in different places," pahayag ng singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa January 19 ay lilipad si Kuh to Cebu para mag-show sa Marco Polo Hotel bilang bahagi ng Sinulog Festival, kasama ang kanyang anak na si Isabella at si Chad Borja.



On January 20 naman ay isang inspirational concert ang gagawin ni Kuh sa Hacienda Isabella sa Tagaytay, titled Live in His Presence. Special guests niya sina Isabella, Christian Bautista, Carlo Orosa, at ang mga bagong talents na sina Rency at Jorel. Proceeds of the show will go to the Mission Bearers Church in Cavite.



Sa February 14 naman ay may Valentine show si Kuh sa Shangri-La Hotel, titled Love's Divine, kasama si Nonoy Zuñiga and the new all-male group Angelo.



May bagong album in the works si Kuh. Isang all-gospel album ito na ilalabas by Holy Week, Walking On Water. Kakaibang album ito for Kuh dahil matagal na siyang walang ginagawang pop album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN