Latest single ni Kyline Alcantara, hit sa TikTok at Instagram

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Apr 18, 2020
Bagay sa paboritong libangan ngayon ng mga naka-quarantine ang kanta ni Kyline Alcantara na "Isa Dalawa Tatlo."
PHOTO/S: @itskylinealcantara instagram

Hindi na lang sa radyo at music channels pumapatok ang mga kanta ngayon, lalo na sa panahon ng quarantine.

Ang latest single ni Kyline Alcantara na "Isa, Dalawa, Tatlo," patok ngayon sa TikTok at Instagram.

Video: GMA News.

Mula nang i-launch nung March 31, marami na ang kumasa sa "Isa, Dalawa, Tatlo Dance Challenge."

At hindi lang basta netizens ang mga kumasa, pati na rin ang kapwa Kapuso artists ni Kyline.

Kabilang dito sina Althea Ablan, Sofia Pablo, Rodjun Cruz, Cassy Legaspi, Joel Palencia, Taki Saito, Rere Madrid, at Kate Valdez na isinama pa ang kapatid na si Karen sa challenge.

Sabi naman ni Kyline, tunog-TikTok daw talaga ang kanta niya.

"Kaya ko po tinanggap ang 'Isa, Dalawa, Tatlo,' dahil uso po yung TikTok.

"Andun yung tunog niya, para siyang TikTok, e," sabi ng 17-year-old Kapuso actress sa panayam sa kanya ni Aubrey Carampel ng 24 Oras.

Bagay raw talaga sa TikTok—ang phone app na kasalukuyang kinahihiligang libangan ngayon ng mga naka-quarantine—ang kanyang kanta.

Continue reading below ↓

Kaya naisipan niya at ng mga taong namamahala sa kanyang singing career na gawan ng challenge ang "Isa, Dalawa, Tatlo."

"Ang sarap sa pakiramdam na maraming nakaka-appreciate ng sayaw at maraming nakaka-gets sa pagsayaw ko," dagdag pa ni Kyline.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagay sa paboritong libangan ngayon ng mga naka-quarantine ang kanta ni Kyline Alcantara na "Isa Dalawa Tatlo."
PHOTO/S: @itskylinealcantara instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results