Lady Gaga, Taylor Swift, at iba pang international artists nagsama-sama sa One World Together At Home concert

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Apr 20, 2020
Kabilang sa mga nag-perform mula sa kani-kanilang mga tahanan para sa One World Together At Home online benefit concert sina Lady Gaga at Taylor Swift.
PHOTO/S: Screenshot from Global Citizen Facebook page

Sa pangunguna ni Lady Gaga at sa pakikipagtulungan ng World Health Organization (WHO) at Global Citizen, isinagawa ang online benefit concert na One World Together At Home.

Video: GMA News.

Ang Global Citizen ay isang non-profit organization na ang layunin ay labanan at tapusin ang kahirapan sa buong mundo hanggang sa taong 2030.

Ang #TogetherAtHome concert series naman ay sinimulan ni Chris Martin nung March 16 at ipinagpatuloy sa mga sumunod na araw ng iba't ibang international artists.

Para sa One World Together At Home concert, nag-perform mula sa kani-kanilang bahay ang iba't ibang international singers at musicians.

Kabilang sa mga nag-perform sa lampas dalawang oras na concert sina nina Taylor Swift, Sam Smith, Billie Eilish, Elton John, at Sir Paul McCartney.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Kabilang naman sa mga umapila para sa donasyon sina dating U.S. First Ladies Laura Bush at Michelle Obama.

Kinilala rin sa concert ang sakripisyo ng health workers.

Nagtapos ang concert sa pag-awit nina Lady Gaga, Celine Dion, Andrea Bocelli, at John Legend ng awiting "The Prayer" na inakompanyahan ng Chinese classical pianist na si Lang Lang.

Video: Global Citizen.

Sa report ni Nelson Canlas ng 24 Oras, umabot sa U.S. $127.9 million o PHP6.5 billion ang nalikom na donasyon pagkatapos ng One World Together At Home concert.

Mapupunta ang nalikom na donasyon sa COVID-19 Solidarity Response Fund ng WHO.

Heto ang ilang performances mula sa benefit concert na ito:

Lady Gaga performs "Smile"

Video: Global Citizen.

Taylor Swift performs "Soon You'll Get Better"

Video: Global Citizen.

John Legend and Sam Smith perform "Stand By Me"

Video: Global Citizen.

Jennifer Lopez performs "People"

Video: Global Citizen.

Billie Eilish peforms "Sunny"

Video: Global Citizen.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mga nag-perform mula sa kani-kanilang mga tahanan para sa One World Together At Home online benefit concert sina Lady Gaga at Taylor Swift.
PHOTO/S: Screenshot from Global Citizen Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results