Yeng Constantino wants Pinoys feeling hopeful with new music video

by Rommel R. Llanes
Apr 30, 2020
Video: Yeng Constantino.

Mula pa sa 2018 album ni Yeng Constantino na Synesthesia ang pino-promote niyang awitin ngayong "Dasal."

Pero ngayong 2020 lang ipinalabas ang sarili nitong music video.

Sa panahon daw kasi na may pinagdadaanan ang buong mundo dahil sa COVID-19, napapanahon ang mensahe ng kanyang awitin.

Ani Yeng sa kanyang Instagram post nung April 18, isang araw matapos ma-publish sa YouTube ang "Dasal" music video (published as is):

"I hope na makaencourage sainyo ang new song kong Dasal. Tagal na po namin nashoot yung video nun pero sobrang napapanahon po ngayon ang mensahe.

"Sa mga nalulungkot na dyan dahil sa nangyayari satin ngayon yakaaap mula sakin sa pamamagitan ng isang kanta. Kaya natin to."

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

Dalawang taon na raw ang nakalipas mula nang i-shoot nila ang music video.

Kinunan ito sa isang busy street sa Maynila.

Kaya't tinanong agad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yeng sa pamamagitan ng Instagram direct messaging kung nahirapan silang mag-shoot.

"Surprisingly, hindi siya naging ganun kahirap i-shoot, dahil halos lahat ng mga tao kung saan kami nag-shoot ay busy na rin makauwi sa kanila. Nag-enjoy ako," sagot ni Yeng.

Ano ang konsepto sa likod ng music video ng "Dasal"?

"Nung iniisip namin gawin yung music video, siyempre medyo bound kami within the budget, and we have to think of a concept na simple pero sapul sa puso."

Naisip daw nila ng direktor niyang si Alec Figuracion at ng Keep Filming producer na si Melai Entuna na maglagay ng iba't ibang klaseng tao.

"Kung saan mare-represent ang marami sa 'tin, para yung yakap ng kanta, mas on a personal level," patuloy ng Kapamilya singer.

Continue reading below ↓

Sa music video, makikitang iba't ibang klase ng tao ang isa-isang umaawit ng mga linya ng kanta.

Mula sa isang estudyante at bumibiyaheng office worker sa loob ng isang jeep, nag-cut ang camera sa isang naglalakong tindero.

Mula sa tindero ay isang continuous shot na ang nangyari.

Napunta ang camera sa isang kargador, isang nurse, magsa-sampaguita, Muslim na babae, gay prostitute, at isang papauwing ina.

Nagtapos ang continuous shot kay Yeng na nakasumbrero't may sukbit na gitara sa likod. Sa kanya rin natapos ang awitin.

Naniniwala si Yeng na naisalarawan nang maayos ng music video ang konsepto at mensaheng naisip nila para sa "Dasal."

At ito ay ang patuloy na pananalig sa Panginoon sa kabila ng mga paghihirap at pangamba.

Mensahe naman ni Yeng sa kanyang fans, "Mahirap ang kalagayan natin ngayon at naabala ang ating mga buhay dahil sa crisis na ito.

"Pero lagi nating isipin na di tayo iiwan ng Panginoon.

Continue reading below ↓

"Kapit lang. Matatapos din ang lahat ng ito. Yakap."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results