Marlo Mortel collaborates with American Idol alumna Evelyn Cormier for his song "Bones"

by Rose Garcia
May 19, 2020
Filipino singer actor Marlo Mortel on American Idol Season 17 Evelyn Cormier: “Sobrang unique ng boses niya. Para siyang pinaghalong Cher na Shakira, na ang ganda-ganda pa niya, kamukha niya si Anne Hathaway. Sobrang naging fan ako."
PHOTO/S: Instagram

Sa loob ng mahigit dalawang buwang naka-lockdown ang Metro Manila, isang beses lang daw lumabas ng bahay ang singer-actor na si Marlo Mortel.

Ito ay nang mag-brownout at kinailangan niyang pumunta sa bahay ng mga lola niya na malapit lang din sa bahay nila.

Pero kahit nasa loob lang siya ng bahay, hindi nakaramdam ng pagkainip si Marlo. Sa halip ay naging productive daw siya.

Nakapagsulat si Marlo ng limang kanta na ini-release niya sa YouTube.

Nasa Spotify naman ang “Unreciprocated,” na siya rin ang nagsulat, kumanta, at nag-produce.

Pero ang “dream come true” daw talaga para kay Marlo ay ang duet/collaboration nila American Idol Season 17 contestant na si Evelyn Cormier.

Ito ay para sa kantang isinulat din ni Marlo na may titulong “Bones.”

Ginawa raw ni Marlo ang duet nila habang naka-lockdown.

Continue reading below ↓

AMERICAN IDOL FAN

“For me, this is a dream come true,” sabi ni Marlo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook video messaging nitong Linggo, May 17.

“Kasi, sobrang fan po ako ng American Idol.

“Every season, as in, tutok ako diyan.

“Kapag nagpupunta sila sa Manila noong mga unang seasons, nagpupunta ako, nagpapa-autograph ako, nagpapa-picture.

“And then, parang two seasons ago, yung pinakananalo, nakausap ko pa siya, sa Instagram din.

“Nagbigay rin siya ng message kay Mom, before she passed away.

“Basta, ganun ako ka-fan ng American Idol.”

Si Evelyn daw ang sobrang nagustuhan ni Marlo noong Season 17 ng American Idol.

Unang nakilala si Evelyn sa reality show na 90 Day Fiancé, kung saan lumabas siya kasama ang mister niyang si David Vázquez Zermeño.

Umabot naman hanggang Top 14 si Evelyn sa American Idol.

Paglalarawan ni Marlo kay Evelyn, “Sobrang unique ng boses niya.

“Para siyang pinaghalong Cher na Shakira, na ang ganda-ganda pa niya, kamukha niya si Anne Hathaway.

Continue reading below ↓

“Sobrang naging fan ako.

“And every time na pinapatugtog yung mga performances niya before sa American Idol, pinu-post ko sa mga stories ko sa Instagram.

“Then, nagre-reply naman siya at nire-repost din niya.

“Hanggang sa magkausap na kami at nalaman niya na singer rin ako.

“Shinare ko sa kanya yung mga songs ko, naging friends kami.

“Since last year, nagla-like siya ng mga posts ko, nagku-comment siya.

“Then recently, ngayong lockdown, ni-repost niya yung original song ko na ‘Racing Water.’”

Continue reading below ↓

THE COLLABORATION

Dito raw nakakuha ng ideya si Marlo na alukin si Evelyn na mag-duet sila sa isinulat niyang kanta.

“Sabi ko, ‘Gusto mo bang mag-duet tayo?’

“And then, sabi niya, ‘Oh, I’d love to.’

“Doon na ko nakapag-isip na bagay sa kanya ang ganitong klase ng song—haunting, mysterious.

“Ako ang gumawa nun, from the music, to the demo na ipinarinig ko sa kanya, yung lyrics.

“And it’s different. Title pa lang, kakaiba na, ‘Bones.’”

Nasimulan na raw niyang isulat ang “Bones” bago pa ipatupad ang enforced quarantine, pero natapos lang daw niya ito ngayong lockdown.

Si Marlo raw ang mismong nakipag-coordinate kay Evelyn para sa duet nila.

Hindi naman daw naging mahirap ang proseso.

Aniya, “Hindi naman naging mahirap and nagpaalam din ako sa Star Music.

“In-explain ko kay Evelyn ang mga mangyayari.

“Ni-record niya sa isang recording studio sa New Hampshire, at ako naman, sa kuwarto ko.

“Mahirap siya, pero I think, more effort, mas maganda ang kalalabasan.

Continue reading below ↓

“And itong song na ito, kakaiba siya sa mga ginawa ko ngayong lockdown.

“Dito, nagbayad ako ng arranger, nagbayad ako ng magmi-mix.

“So, talagang pinaghandaan ko siya.”

Isang maliit na microphone at laptop lang daw ang gamit niya sa bahay sa paggawa at pag-record niya ng kanta.

Kaya sabi ni Marlo, “Happy ako, maganda ang kinalabasan.

“Happy ako kasi ang hirap nitong gawin.

“Wala ako sa studio, wala akong sound engineer to guide me kapag pumuputok na yung microphone.

“Very metikulosa ka dapat dahil dapat, studio quality siya dahil ire-release sa Spotify.”

Ang music video ng “Bones” ay ire-release ngayong May 19 sa YouTube at Facebook.

Sa May 27 naman ito magiging available sa Spotify.

Continue reading below ↓

NEW IMAGE

Ayon kay Marlo, magpu-produce na siya ngayon sa pamamagitan ng kanyang sariling label, ang Marlo Music.

Wala naman daw magiging conflict kahit na nakakontrata siya sa Star Music, ang music arm ng ABS-CBN.

Bago pa man ang enforced quarantine, nakaplano na raw siyang magbago ng image.

“Well, ako pa rin naman ‘to, pero mas matured lang.

“Kasi, feeling ko, for the longest time, feeling ko, ako pa rin si Nicolo ng Be Careful... kalahati ng MarNella.”

Ang tinutukoy ni Marlo ay ang karakter niya sa hit daytime series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart, kung saan nabuo ang tambalan nila ni Janella Salvador.

Patuloy niya, “But I’ve matured in many ways, especially in music.

“And gusto kong makita nila, yung artistic side ko.

“Hindi rin naman ako nagko-collab dahil dun, pero gusto ko lang mag-explore.

“Hindi naman natin makikita kung ano ang bagay sa atin kung hindi tayo mag-e-explore.”

Continue reading below ↓

At sana raw, hindi ikagulat ng mga fans kung makita siyang mas daring ngayon.

“Hindi naman daring na naghuhubad—mas daring, mas bold in terms of choices sa showbiz.”

Sa huli, naniniwala si Marlo na hindi pa rin talaga safe na lumabas kahit naka-MECQ na.

May naging realization din daw siya habang naka-lockdown dahil sa COVID-19.

Aniya, “Mas marami pa pala tayong madi-discover sa bahay.

"Kasi, masyado tayong busy outside. May mga self-discoveries ako.

“Yung relationship na nabuo, like with God and family, and then with my music.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filipino singer actor Marlo Mortel on American Idol Season 17 Evelyn Cormier: “Sobrang unique ng boses niya. Para siyang pinaghalong Cher na Shakira, na ang ganda-ganda pa niya, kamukha niya si Anne Hathaway. Sobrang naging fan ako."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results