Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Kilalanin ang "Taylor Swift ng Pilipinas": Kemrie Barcenas

May 30, 2020
Video: Jean Saturnino.

May mga magtataas siguro ng kilay sa claim na ito.

Pero once marinig ninyong kumanta itong 18-year-old Bicolana , maiisip niyong tama nga yata ang napakaraming netizens na nagsabi—si Kemrie Barcenas ang "Taylor Swift ng Pilipinas"!

Naging viral sa social media ang videos ni Kemrie dahil kaboses na kaboses niya ang American singer na si Taylor Swift.

Iniidolo sa buong mundo ng fans na karamihan ay teenage girls, si Taylor ay kadalasang may mga kantang umiikot sa kanyang personal experiences, at madalas pa ay sa love life niya.

Kumbaga, maraming nakaka-relate kasi may hugot.

Kaya nang magsimulang mag-circulate sa social media ang pag-cover ni Kemrie ng Taylor Swift songs, natural na maraming Swifties—tawag sa fans ni Taylor—ang nag-message sa kanya.

Ayon kay Kemrie, na-shock daw siya sa na-receive na messages.

"It was really shocking the following day when I saw my TikTok account having lots of likes and reactions and comments about me sounding like Taylor Swift," sabi ni Kemrie, na isa ring Swiftie.

Continue reading below ↓

Sinasabi na raw sa kanya ng mga kaibigan na kaboses niya ang "Love Story" singer, pero di raw niya pinapansin.

Hanggang sa pumutok na nga sa Internet ang kanyang TikTok videos na kino-cover niya ang mga kanta ni Taylor.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Aminado si Kemrie na nao-overwhelm siya sa atensyon mula sa kapwa Swifties. Pero sa kabila nito, aniya, "I'm doing fine."

Si Kemrie ay isa ring composer at may sariling YouTube channel kunsaan naka-upload ang kanyang original songs, tulad nito:

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results