Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Benedict Cua's "Di Namalayan" is a cool ECQ song

by Nikko Tuazon
Jul 7, 2020
Vlogger-turned-actor Benedict Cua releases his debut single titled "Di Namalayan."
PHOTO/S: @benedict_cua on Instagram

Wish come true para sa vlogger-turned-actor na si Benedict Cua ang makapag-release ng sariling kanta.

Nitong June 18, nai-release ang debut single ng newbie Kapuso actor under PolyEast Records, ang "Di Namalayan."

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Benedict noong June 25, 2020, via Zoom, inamin ni Benedict na matutupad ang pangarap niyang makapag-record ng sariling kanta ngayong taon.

Aniya, "Hindi ko in-expect na makaka-release ako this year. Hindi ko talaga inisip at all na makaka-release ako. Matagal ko na rin kasi gusto magkaroon ng single and it happened now."

Continue reading below ↓

Gaya ng theme ng kanyang kanta, naranasan na rin ni Benedict ang ma-fall sa isang tao nang di niya namamalayan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kuwento nito, "I think, at some point, na-in love tayo sa taong nagbigay ng care sa atin. And dun tayo marupok, e, kapag inaalagaan tayo.

"Iyon iyong experience ko noong college, noong may friend akong nagpakita ng concern sa akin all the time 'tapos na-develop ako."

Ganitong genre din ang nais tahakin ni Benedict sa pagpasok nito sa music industry.

Paliwanag nito, "Ayoko kasi ng masyado senti as a first single. Mas gusto ko iyong nati-Tiktok. Iyong happy vibes lang."

Hindi naman ganoon ka-worried si Benedict na mag-release ng kanta sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Nais ni Benedict na maghatid ng kahit kaunting saya sa mga makakarinig ng kanyang kanta, ngayong puno ng negativity ang paligid.

"Mas excited kasi refreshing iyong kanta, e. It's something kapag narinig mo, nami-miss mo iyong normal dati.

Continue reading below ↓

"Para kang nag-time travel pabalik noong high school, noong na-in love at hindi mo namalayan. Very refreshing siya for me so I got excited and I think it's what people need right now."

HOT STORIES

DREAM REALIZED

Dati pa man, mahilig na sa music si Benedict. Ngunit hindi nito inaasahang may makaka-appreciate ng kanyang talento sa pagkanta.

"Ever since, andiyan na iyong music influences natin, madalas makinig ng music. Hindi lang na-realize na kaya pala kumanta."

Dagdag nito, "Mahilig ako kumanta pero never ko siya pinursue because iyon nga, normal young guy na insecure, ganyan. Hindi ko alam kung may talent ako doon."

Nagsimula rin si Benedict sa paggawa ng cover songs sa YouTube hanggang sa na-discover siya ng PolyEast Records.

"Noong nag-start ako mag-vlog, I started collaborating with music-inclined creators 'tapos may mga positive feedback from a lot of people.

"Doon ako nag-draw ng strength i-pursue or mag-try ng mga covers. And eventually, nag-message sa akin si PolyEast and sobrang nagulat ako na naniwala sila sa akin kasi hindi ako sanay na may nagha-hype up when it comes to music.

Continue reading below ↓

"Kasi for me, ako lang naniniwala sa sarili ko, ganun. And binigyan nila ako ng chance gumawa ng single. Sino ba naman ang tatanggi din? It's a once in a lifetime opportunity so I grabbed it."

Ilan sa mga itinuturing niyang music influences ay sina Ed Sheeran, Shawn Mendez, at indie bands na Phoenix, Two Door Cinema Club, and Vampire Weekend.

Continue reading below ↓

Samantala, ang singer-composer na si TJ Monterde naman ang isa sa mga OPM artists na iniidolo ni Benedict. Si TJ din ang nagsulat ng debut single nito.

"SI TJ, pinapakinggan ko iyong songs niya. Walang halong biro. Kasi noong naghahanap kami ng song, ang binigay ko na peg is 'Tulad Mo.'

"Di ba ang daming mga humihirit sa mga vlogs... Eventually, si TJ iyong tinap, so nagulat ako kasi PolyEast din siya, and sobrang nahiya ako kasi well-established singer na siya.

"'Tapos ako ano, sino ba naman ako? Parang ganun. Nahiya ako at first pero privileged ako and lucky na siya iyong nakapag-sulat noong kanta."

Gaya ni TJ, nais din matutunan ni Benedict na makapagsulat ng sarili nitong kanta.

"I think kailangan ko lang ng tips from other artists kung paano magsulat ng kanta pero iyon talaga iyong gusto ko.

"Kumbaga kung ano iyong personal experience ko, ma-translate ko siya through a song. Sa ngayon, guide-guide muna tayo from other artists."

Continue reading below ↓

Bukod sa pagiging vlogger at ngayon, singer, kilala si Benedict sa pagganap nito bilang Benny sa GMA-7 prime-time series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday kasama sina Kate Valdez at Barbie Forteza.

Ano naman ang mas na-e-enjoy niya: vlogging, singing, or acting?

Sagot ni Benedict, "Lahat naman balance. With vlogging, you can do anything. You can sing, you can act, you can do TikTok even. Mix of everything siya.

"I think ako iyong person na last minute, impromptu, ganoon. Vlogging encapsulates everything so andoon tayo."

HOT STORIES

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vlogger-turned-actor Benedict Cua releases his debut single titled "Di Namalayan."
PHOTO/S: @benedict_cua on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results