Meet the members of new pop-rock band, After 5


Ang After 5 Band ay isa sa pinakabagong rock bands sa Pilipinas.

Binubuo ito nina Chenee Daria bilang lead vocalist at isang negosyante at China Daria bilang back-up vocalist at acoustic guitarist, at isa ring commercial model.

Ang bass at road manager naman ay si Alex Tecson, na isang professional bus driver, si Civil Engineer Nins Sto. Nino naman ang lead guitarist at chief composer. Samantala, si Jonil Bautista na isang corporate sales executive ang drummer.

Ang unang album nila na OPM After 5 ay tampok ang limang working professionals na nagsama-sama upang magsilbing inspirasyon sa loob at labas ng kanilang opisina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment media sina Cheene at China, bago pa man magsimula ang kanilang gig sa Tiendesitas, sa Pasig City.

Bungad ni Chenee tungkol sa kanilang banda, "Pop-rock po siya sweet rock.

"Yung sa album namin, iba't ibang kuwento ito tungkol sa iba't ibang pag-ibig na siguradong makaka-relate talaga sila.

”Yung advocacy ng banda namin is to inspire Filipinos, na kagaya po namin, ay mga nagtatatrabaho kami sa araw, 'tapos, nagkikita-kita kami sa gabi para mag-jam at kumanta.

"Marami kasing musikero, na talagang passionate sa pagkanta, kaya, ini-encourage po namin sila na magtrabaho sa umaga, at ituloy ang kanilang pangarap sa gabi."

Dugtong naman ni China, "Gusto po naming ibalik ang OPM (Original Pilipno Music) kasi, medyo nawawala na naman po siya.

"Yun, gusto rin namang maka-contribute, kahit paano, sa aming maliit na paraan, para mga po maging masaya na namana ang OPM."

Sa palagay nila, ano ang kanilang lamang sa ibang banda na nagsusulputan ngayon, o dun sa mga dating muling nagbabalik-eksena sa mundo ng pagtugtog?

Pahayag muli ni Chenee, "Sa tingin ko kasi, marami pong banda ngayon na, kumbaga, sa amin kasi, yun nga, may advocacy kami.

"Hindi lamang kami basta-basta, tumutugtog, kaming lima [band members] may goal kami na talagang gustong marating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, dun kami nakatuon.

"Siguro, yun po, yun ang advantage namin, yung pagiging...nag-iisa ang goal naming lahat, pinagtagpu-tagpo kami."

Ano nga ba talaga ang pinaka-goal nila as a group?

Sabi pa rin ni Chenee," Una sa lahat, kaming lima ay OPM fanatics," kaya, gusto raw nilang isulong muli ito ng husto sa abot ng kanilang makakaya.

"Pangalawa, yun nga, na i-enourage sila na kung may pangarap kayo, hindi lamang sa umaga puwedeng gawin yun.

"At yung pangatlo, like sa March, baka makapunta kami sa Singapore, so, yung mga Pinoy dun, maririnig nila ang mga kanta namin.

"So, gusto naming gawin [worldwide] na i-spread ang songs namin."

Ang kaabang-abang raw sa mga kanta nila ay kung paano nila isasatinig ang iba't ibang kuwento ng pag-ibig na madalas nating marinig sa mga magkasintahan.

Aniya, "Iba't ibang love stories kasi, kaya nang ilabas ang album namin sa Spotify at iTunes, nakakatuwa talaga na sabi nila, 'Heto, gusto ko ito, yun, gusto ko yun.'

"So, hindi lang isa ang nagustuhan nila sa songs namin na ten originals, at isa lang ang English dun.

"Dahil bago pa kami sa grupo at sila'y matagal na silang magkakasama, parang hindi pa rin nagsi-sink in sa amin na, naku, part talaga kami ng grupo.

"Nakakatuwa nga kasi, very helpful naman po sila sa amin.

"Honestly, enjoy po kami sa kanila, ang sarap nilang katrabaho, at para lang kaming isang pamilya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN