Chito Miranda praises Michael Pacquiao’s rapping skills: “Nakakabilib... sobrang astig.”

by Jet Hitosis
Aug 12, 2020
Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda (left) praises up-and-coming rapper Michael Pacquiao (right) after watching the teen's viral live performance of his debut single "Hate": “Ayus din yung tugtugan ng anak ni Pacquiao a...nakakabilib. Orig nya ba yun?"
PHOTO/S: @chitomirandajr., @pacquiao.michael on Instagram

Isang singer-songwriter at rock artist ang napabilib sa baguhang rapper na si Michael Pacquiao.

“Sobrang astig” ang description ni Chito Miranda, 44, sa musika ni Michael, 18.

Si Chito ang frontman ng sikat na ‘90s OPM band na Parokya ni Edgar.

Si Michael ang ikalawa sa limang anak ng boxing champion na si Senator Manny Pacquiao at ni Jinkee Pacquiao.

Noong nakaraang linggo, nag-viral ang video ng pag-awit ni Michael ng unang single niyang “Hate.”

Sa mensahe ng kanta, ipinarating ni Michael na hindi siya magpapaapekto sa sinumang magtatangkang pigilan ang pag-abot niya sa kanyang mga pangarap.

Nakapaloob ang “Hate” sa 11-track debut album ni Michael na Dreams.

Ini-release ang Dreams sa music streaming platform na Spotify noong nakaraang buwan.

Continue reading below ↓

Live na inawit ni Michael ang “Hate” sa Wish 107.5 Bus.

At press time, mahigit 7 million na ang views sa nabanggit na performance ni Michael, simula nang i-upload ito sa YouTube nitong August 5.

CHITO: “ANAK NI PACQUIAO” IS “NAKAKABILIB”

Isa si Chito sa mga nakapanood sa viral video performance ni Michael.

Nitong Martes, August 11, napa-tweet ang OPM artist sa sobrang paghanga sa musika ni Michael.

Ito ay kahit hindi alam ni Chito kung ano ang pangalan ni Michael.

Sa tweet ng Parokya ni Edgar vocalist, tinawag niya si Michael na “anak ni Pacquiao.”

Curious pa ngang inusisa ni Chito ang kanyang 2.4 million Twitter followers kung original music ba ni Michael ang “Hate.”

Pero kahit hindi raw original ni Michael ang kanta, para kay Chito ay may malaking potential ang up-and-coming rapper.

Tweet ni Chito: “Ayus din yung tugtugan ng anak ni Pacquiao a...nakakabilib.

“Orig nya ba yun? Kung oo, sobrang astig.

Continue reading below ↓

“Kung hindi, ok lang...ang galing nya pa rin. [rock on, smiling face with sunglasses emojis]”

Isang fan ni Chito ang sumagot sa tanong kung original ni Michael ang “Hate.”

Sabi ng fan kay Chito: “orig nya. ang astig din talaga.”

Lalong napahanga si Chito kay Michael.

Reply ni Chito sa fan: “Ayus a. Galing!”

Continue reading below ↓

FANS SUGGEST A CHITO-MICHAEL COLLAB

Ang iba pang Twitter followers ni Chito, nag-suggest na mag-collaborate sila ni Michael.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Wala namang reaksiyon si Chito sa suggestions ng kanyang Twitter followers.

Isa sa mga pumatok na collaborations ni Chito sa ibang music artists ang “Bagsakan” noong 2005.

Ang “Bagsakan” ay isang rap song, kung saan nakasama ni Chito ang dalawa sa pinakamahuhusay na rappers sa bansa: si Gloc 9 at ang namayapang music icon na si Francis Magalona.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda (left) praises up-and-coming rapper Michael Pacquiao (right) after watching the teen's viral live performance of his debut single "Hate": “Ayus din yung tugtugan ng anak ni Pacquiao a...nakakabilib. Orig nya ba yun?"
PHOTO/S: @chitomirandajr., @pacquiao.michael on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results